Traitor

5 1 0
                                    

Warning: Not proof read.

Cheers~


---°•°---

THE START

Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang inaayos ang buhok. Napatigil ako para mapagmasdan ng mabuti ang ayos ko ngayong gabi.

I was wearing a white cocktail dress that I bought just for tonight.
I wore a light waterproof make up, too, and tied my mid-back jet-black hair into a classic ponytail.

Sinubukan kong ngitian ang babae sa salamin pero nauwi lang ito sa buntong-hininga.
"This is your only chance to face your fears, Selena. To face the truth. It's now or never." I whisphered to myself.

Three soft knocks made me get back to my senses.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang nakababata kong kapatid na babae.
She's smiling from ear to ear while walking towards me.
"Ate, ready ka na?"

Ngumiti ako dito at tumango.
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila palabas ng silid, nagpaubaya lang ako dito.

Wala pa kami sa staircase ay natanaw ko na ang isang lalaking nakatayo sa bungad noon.
Nakapamulsa ito sa suot na black slacks habang nakatingin sa kawalan na parang may malalim na iniisip.

"Kuya Jace! Bakit ka nan'dito?" Ang kapatid ko ang nagtanong.

Napatuwid ito ng tayo nang makita kaming papalapit sa kanya.
Mahina akong natawa sa inasal nito at ako na ang sumagot para sa kanya.
"Sinabi ko kasi sa kanyang sabay kaming bababa."

Tumango naman ang kapatid ko at muling bumaling kay Jace.
"Nakakapanibago ka talaga ka'pag nagsusuot ka nang suit and tie."

Jace chuckled. "Bakit, Myra? Mas lalo bang pumogi?"

Natawa lang ang kapatid ko at nakangiting nagpaalam sa aming dalawa.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Selena?" Tanong ng matalik kong kaibigan nang kami na lang ang nandoon. Bumalik na naman ang kaseryosohan sa maamo nitong mukha.

I sighed before staring at him straight in the eyes. I made sure to show him through my eyes what I really felt. Sadness. Pain. Betrayal.

He gasped and nodded with understanding at me.
Maingat niyang hinawakan ang mga kamay ko na parang nag-iingat siya na masaktan ako.
Napangiti ako sa ginawa niya.
"Thank you, Jace. For this." Squeezing his hand with so much gratitude.

"I told you that I'm always with you, right? Sa lahat ng gusto mong gawin, nandito lang ako, Lena."

I felt like crying but I stopped my self, thinking that it's not yet the time cry. Hindi ngayon na magsisimula pa lang ako.

Inaya ko na siyang bumaba ng hagdanan.

Sinalubong kami ng mga magulang ko, magulang ng lalaking nangako sa akin ng kasal at ang lalaking 'yon sa baba ng hagdanan.
Halos lahat din ng mga bisita ay nakatingin sa akin na parang ako ang napaka espesyal na tao ngayong gabi.
They all looked at me with those eyes and lips smiling to me, pero wala na atang makakapantay sa ngiti ng lalaking 'yon.

Kung wala siguro akong alam sa mga nangyari, iisipin kong pagmamahal at saya ang nasa mata niya habang nakatingin sa akin.
But I knew better. Liar.

Hindi ko alam kung paano ko sila nagawang ngitian at isa isang batiin nang makababa kami ni Jace ng hagdan.

Naramdaman ko ang paghawak ng lalaking 'yon sa bewang ko, pati na rin ang init na nagmumula sa katawan niya nang madikit siya sa'kin ng tuluyan.
Nilingon ko ito at parang gusto kong umiyak nang makita ko ang maaliwalas niyang mukha.
"Finally bumaba ka rin." He said.

TraitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon