Chapter thirteen

76 6 0
                                    

"anong nangyare kay kiane?" alalang tanong ni sendoh ng nakarating ito sa hospital kung saan dinala si kiane

"N-nahimatay siya bigla nung naglalakad kami hindi ko rin alam kung napano siya kaya tumawag nalang ako ng ambulance" kinakabahan na sabi ni elaine

Nilapitan naman ni sendoh ang kapatid niya at nakitang mahimbing na natutulong ang kapatid habang may oxygen ito.

Maya maya pa biglang pumasok ang doctor na tumingin kay kiane.

"Doc ano pong nangyare sa kapatid ko?" tanong ni sendoh

"Tatapatin kona kayo may leukemia siya at sa kaso niyang yan lumala na ang leukemia niya" sabi ng doctor na ikina gulat naman ni elaine samantalang si sendoh naman hindi na nagulat dahil alam nitong may leukemia na sakit si kiane kaya ganun nalang ang kagustuhan niyang sa ryonan mag aral ang kapatid niya para mabantayan ito.

"Maiwan ko muna kayo" paalam ng doctor

Lumapit naman si elaine kila sendoh at kiane

"S-sorry" mahinang sabi ni elaine kay sendoh

"Bakit ka nagsosorry?" tanong nito

"Kasi wala man lang ako maitulong sakaniya" nakayukong sabi ni elaine

Nginitian naman siya ni sendoh.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad elaine sadyang ganito lang talaga ang sakit ni kiane maswerte nalang ako at hanggang ngayon nagpapakatatag ang kapatid ko" ngiting sabi ni sendoh na siya namang ikina tulo ng luha niya.

"Magkano  ba gagagstusin para sa gamutan?" tanong ni elaine

"Malaki ang gagastusin sa gamutan ni kiane pero wala kaming ganun na pera dahil hindi naman kami mayaman lahat ng ginagastos namin galing sa part time job ko sa bar"

"Nagtatrabaho ka sa bar?" tanong ni elaine

"Oo nagtatrabaho ako sa bar bilang dancer kumikita ako kada araw ng 3k kaya bawat kinikita ko iniipon ko para sa kapatid ko hanggat kaya ko susubukan kong matustusan ang gamutan niya hindi na baleng magkanda pagod ako wag lang mawala kapatid ko."

Hindi naman alam ni elaine kung anong sasabihin nito dahil maski siya naaawa at nalulungkot para kay sendoh at kiane.

"Magkano ang kabuuan na gagastusin?" tanong ni elaine

"2.4 million ang kailangan sa gamutan niya"

maya maya pa nagpaalam na si elaine kay semdoh dahil malamang na hinahanap na siya ni fujima.

"Sendoh mauna na ako may kailangan lang akong gawin" paalam ni elaine at tumango naman si sendoh.

=========

Pag uwi ni elaine agad niyang hinanap ang kuya fujima nito.

"Saan kaba nanggaling?! Alam mo bang kanina kapa hinahanap ni kio!" galit na sabi ni fujima

"Sorry kuya nagka problema lang kanina" nakayukong sabi ni elaine

"Gusto kana makasama ni kio kaya doon kana titira hanggang sa ikasal kayo" sabi ni fujima na ikina gulat naman ni elaine

Tumingin si elaine sa mga magulang nito pero hindi naman alam ng mga magulang nito kung anong sasabihin nila kay elaine.

"S-sge payag na ako" seryosong sabi ni elaine

Hinatid naman ni fujima si elaine sa bahay ni kio.

=============

Pag Dating nila sa bahay ni kio inayos ni elaine ang sarili niya at binigyang ngiti ang kaniyang mga labi.

Play HeartsWhere stories live. Discover now