.chapter 3

784 18 0
                                    


It's Monday. Andito ako sa cafeteria ng school at kasama ko si Kim. Ang totoo hindi naman talaga ako pumasok ng klase. I smirked. Madalas akong lumiban sa klase lalo na kung hindi ko gusto ang subject. But duh! As if I care naman. Kinuha ko ang course na BA dahil sa kumpanya ni Dad na ako rin naman ang mamamahala pagdating ng araw. Wala na akong magagawa, isa pa dun ako bumagsak saka kaklase ko nman si Aki kaya okay lang 'yon.

"Mukhang bago na naman 'yang phone mo?" Tukoy niya sa cellphone kong nasa table lang. Kaya malamang makikita nya, may mata ei.

"Ano naman ngayon? Hindi na yon bago saakin, no," sagot ko na ikinairap ko pagkatapos.

"Oo nga, hindi na ako nasanay," natatawa itong napailing na ikinaismid ko.

"You and your bitch side, again huh?" she chuckled then shooked her head in disbelief. "Can you atleast lessen it? Kaya kami lang ni Aki ang kaibigan mo e,"

"So? As if I care,"

"Well, ikaw rin," dagdag pa nito. Actually, ito ang ugali na talaga namang kinaiinisan ng lahat. I have bad side. I am spoil brat too. Ayoko nang nalalamangan yung ganda ko. Gusto ako lang. I can do whatever I want in just one snap. But then except from one—I sighed.

"Hey!" agad akong napakurap nang marinig ko si Kim na tumatawa habang nakatingin saakin.

"What!?"

"Tulala ka,"

"Tsk. Dami mong alam. Bakit ka nga pala nandito, himala yatang nag cutting classes ka." Nagkibit balikat siya sakin.

"Nakakabore kasi ro'n. Saka nagugutom ako, alam mo namang hirap akong makaintindi kapag kumakalam ang sikmura ko 'di ba?" paliwanag niya pa. "Ei ikaw?" Baling nito saakin na muli kong ikinainis.
Naalala ko na naman yung kanina.

"Gutom din ako, saka naiinis ako," iritado kong sagot, pero sinigurado ko namang bulong lang yung huli. Mahirap na baka marinig pa 'yon ni Kim. Ayokong pag isipan niya ako ng masama. Well, ang totoo naiinis talaga ako. Nagseselos ako sa 'di malamang dahilan. May sub teacher kasi na palaging nagpapansin kay Aki sa classroom. Kahit naman kasing sabihin na nagbibiro lang siya lalo't  labag 'yon sa rules pero sana naman itinago man lang niya.

Pakunswelo man lang, kahit hindi na saakin. Kahit na lang sa reputation ng pamilya ni Aki. Mas kaya ko pang makita na kasama niya si Kim 'wag lang ang iba. Kasi aminado ako, ang relasiyon na lang nila ang dahilan kung ba't ako nagtitiis.

"Shira, come back in earth." Kinaway kaway nya yung palad sa mukha ko.

"Bakit ba?" Inis na tanong ko rito.

"Tulala ka na naman." Nag peace sign lang siya saakin kaya napairap nalang ako ng wala sa oras. 


"Pumunta ka lang yata rito para bwisitin ako,"



"Hindi kaya! Ang sama mo naman," She pout, kaya paunti-unti ay muli akong napangiti. Isip bata.

"Stop being cute, Kim," naiinggit ako. Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kaniya na tumatawa dahil sa tinuran ko. Yes, maybe I love her. Pero minsan hindi ko maiwasan na hilingin na sana ako na lang siya. Na sana katulad niya ako.

"Am I?"


"Mmm,"


"Really?"


"Oo, mukha kang pato," natatawang saad ko na ikinairap niya. Tsk. What a luckiest woman.




"Well, whatever. Ano ba kasing iniisip mo riyan? Ay mali, SINO ang iniisip mo, ha?" enemphasize niya pa yung word na sino sabay kindat saakin na akala mo nakakaloko.

The Reincarnation [Under Revision]Where stories live. Discover now