CHAPTER 5

20 6 1
                                    

Solene POV

Pagkuha ko ng nabili ko ay nagpasalamat nako at palabas na sana nang tawagin ako ni Lexir.

''Wait, Solene!'' pagtawag nito kaya nilingon ko sya at nagtaas ng kilay para itanong kung bakit. ''I forgot my coat on you yesterday.'' ani nito.

''Alam ko ipapa laundry ko muna, ibabalik kona lang sa monday.'' sagot ko nang astang tatalikudan ko nanaman sya ay tinawag nanaman nya ko.

''Ano nanaman?'' inis na sagot ko.

''Are you alone?''

''Kasama ko mga kaibigan ko'' sagot ko na tinuro pa sila April na kita sa Glass wall ng shop. ''Yung girl friend mo ansama na makatingin.'' dagdag ko pa.

''She's not my girlfriend.'' sagot naman nya. Biglang lumapit ang babae at umangkla sa braso nya.

''Babe let's go na.'' maarteng sabi ng babae sa kanya kaya pinaikutan ko silang dalawa ng mata dito pa talaga humaharot sa harap ko. Hindi daw girlfriend pero babe ang tawag sa kanya.

''Sige na alis nako.'' sabi ko dahil baka masuka lang ako, kababaeng tao lakas maka landi.

Tatalikod na sana ako ng bigla akong kabigin ni Lexir at....halikan, Oo halikan! sa harap pa ng girlfriend nya sa sobrang gulat ko ay hindi nako nakagalaw at nanlalaking ang matang nakatingin na lang sa kanya. 

Hayop sya first kiss ko yon! yung first kiss ko na gusto kong maging memorable! yung first kiss ko na gusto kong ibigay sa lalaking mahal ko! na nakuha lang nya sa isang kisap mata! 

''F*ck off, I don't want to see you again.'' sabi nito sa babae nang pakawalan nya na ang labi ko.

''What?! you bitch, mangaagaw!.'' sigaw nito na sasabunutan na sana ako ng biglang humarang si Lexir.

''Don't you dare lay your dirty hand on my girl, woman.'' may diing sabi nito.

''But lexir!'' angal pa nito pero tinalikudan na lang sya ni Lexir at hinila nako kung saan kaya hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

''Hoy! bakit mo ginawa yon? alam mo bang...alam mo bang f--'' hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya.

''So I'm your first kiss, wag ka mag alala sisiguraduhin kong hindi lang first kiss ang---.'' he said with a smirk, kaya hindi kona sya pinatapos.

''Gago ka!, bastos!'' sa sobrang inis ko namura ko sya at nilayasan,  pinuntahan kona  sila Zoe na nasa labas na ng store at mukhang hinahanap nako.

''Ito na!, asan kaba naman nang galing na babae ka?.'' tanong ni J.C

''Nagtingin lang ng pabango!.'' sagot ko.

''Ay bat parang galit ka?'' tanong nanaman nya, pwede bang wag na lang silang magtanong baka masabi kopa na may nakita akong siraulong lalaki na bigla na lang akong hinalikan kung ano ano pang itatanong sakin ng mga ito malamang lalo na si April.

''Wala, may babae kaseng nakakuha ng gusto ko sanang bilhin.'' pagsisinungaling ko.

''Ayun lang pala, malay mo may makita pa tayong ganon!'' ani ni April na tinanguan kona lang.

*****

Lunes na ngayon at nagmamaneho nako papuntang school, nang makarating ay dumeretso nako sa room nandoon nadin naman sila ang wala na lang ay si April. 

''Morning, bagay sa inyo.'' bati at pagtukoy ko suot nilang uniporme.

''Good morning sis, sayo din bagay gaganda...ano yang dala mo?'' pagbati ni Joshuelle na tinutukoy ay ang paper bag na dala ko.

Su fuerza (Monte Silva Series 1)Where stories live. Discover now