kabanata 1

0 0 0
                                    

Nakakasilaw ang sinag nang araw na dumadampi sa aking balat ramdam ko rin ang init niyon
di pa ako nakakapagmulat nang mga mata pero rinig ko na ang pagmamaktul ng kapatid ko
"Hay naku hindi paba gigising yung isang yun aalis na ako nakakatakot pa naman ang unang propesor ko"
Napangiti nalang ako ng marinig nang malinaw ang pag mamaktul niya ,ganiyan naman na talaga yan pag nahuli akong magising parati nalang nag mamaktul
"Hayaan mo na ,muna ang ate mo malamang napagud yun sa dami nang nilabhan nya kagabi"
Pangungumbinsi ni tatay kay Beverlyn
Haaaystt
dahan dahan kong iminulat ang aking mata, bukas na pala ang bintana ng aking kwarto umupo ako at nag unat tsyaka tumingin sa labas nang bintana kitang kita roon ang puno sa aming bakuran na winawagayway ang mga sanga nito rinig kurin ang mga ibong humuhuni
"Ang ganda nang panahon"
Tumayo na ako sa aking kama at inayos iyon tapos ay kinuha ko na ang aking tuwalya at dumeritso sa likod bahay upang maligo
"Beavery bangun na ngarud"
Rinig kung sigaw ni tatay pero di ko nalang yun pinansin at pinagpatuloy nalang ang aking pagligo nang matapos ako ay dali dali akong nagbihis at dumeritso sa kusina naabutan ko naman sina tatay na kumakain kaya kumuha nalang ako ng pinggan at kubyertos tsyaka umupo sa aking pwesto
"Ate ahmmm naa nakay kwarta? Kailangan ko na kasing ipasa yung project na sinabi ko sayo malapit na kasi ang deadline ate"
Nakangusong saad nang kapatid ko diko kasi sya nabigyan nang pera para sa project nya
"Sige samahan mo muna ako mamaya ihahatid ko ang mga tapos ko nang labhan kina Don Custodio " saad ko at pinagpatuloy narin ang pagkain.
Ako nga pala si Maria Beavery B. Jose, 20 taong gulang ,marahil sa unang tingin aakalain mong normal lang akong babae pero pagnakita mong nakamulat ang aking mata di muna iisipin iyon, maraming nag sasabi na perpekto kana sa kaso nakakatakot ka, ang mga bata nama'y tinatawag akong halimaw o dikayay mangkukulam ang iba'y natatakot dahil baka raw ay mahawa sila, dahil sa mga mata ko iyun na ang naririnig ko mula noong bata pa ako hanggang ngayun kakaiba kasi ang aking mga mata ang isa'y kakulay ng asul na langit at ang isa namay kakulay nang lupa kung sinasabi nyong baka may lahi ako nagkakamali ho kayu purong pilipino ako, ang aking ina ay pilipino gayun din ang aking ama, namatay ang aking ina limang araw pagkatapos kaming ipinanganak ang aking ama naman ay naaksidente noong akoy mag kinse anyus wala kaming pera pampagamot kaya nag ka roon nang impeksyon mabuti nalang at tinulungan kami nina Don at Donya Shannara yun nga lang ay kailangang putulin ang paa ni tatay dahil sa pagkalat nang impeksyon kaya iyon naging baldado si tatay  at palagi nalang nakaupo sa wheelchair na bigay parin ni Don Custodio kaya labis nalang ang aking pasasalamat sa kanila
"Ate bilisan mo na't mahuhuli na ako sa aking klase" sigaw nang kapatid ko "tara na ngat napa kaingay mo"sabi ko at nagpaalam na kay tatay "amping mo" rinig kong sigaw ni tatay ,malapit lang naman ang masyon nang mga Capaldi kaya nilakad nalang namin
"Ate uuwi na pala ang señorito no excited na akong masulyapan syang muli" saad nang kapatid habang kinikilig pa "Ganun ba" yun nalang ang naisagut ko sa kaniya pano naman ay di ko pa naman nakikita ang señorito kaya diko sya masabayan sa kanyang sinasabi ang sabi nilay napaka gwapo raw ng señoritong iyon at umuuwi lang raw ito upang bisitahin ang kaniyang mga magulang pero kahit minsan diko pa naman nakita ang señoritong iyun ,may mga litrato sya sa kanilang mansyon pero bata pa sya sa mga iyon
"Sa tingin mo ate makikita ko kaya siya ulit" tanong nang kapatid ko , aba eh anong alam ko panu ko naman yun malalaman manghuhula ba ako? Bat di ko alam hayst "kung uuwi sya malamang magkikita kayo" sinagut ko nalang sya kaysa naman kulitin ako
"Grave, ang gwapo nya talaga nung una ko syang makita baka mas gwumapo sya ngayun..." Saad nya tyaka umaktung may iniisip, ano kaya ang na- " kyaaaaaaaa.... Kinikilig ako" ganun nalang ang gulat ko sa pag tili nya " hoooy umayos kanga parang di ka babae ah" saad ko sa kanya ,tsk buti pa sya nahihibang na sa lalaking iyon ako na doon mismo nagtatrabaho walang ka alam alam
Haahaaaysst
Pumasok ako sa gate ng kanilang mansyon tsyaka binati ang nakabantay roon dumiretso agad ako sa mansyon at doon ay namangha na naman ako sa ganda at gara nang mansyon na iyon pagpasok mo sa pinto nang mansyon bubungad agad sayo ang malawak na ispasyo at sa gitna naman ay makikita mo ang napaka gara nilang hagdanan patungo sa ikalawang palapag kong saan makikita ang mga kwarto sa gitna niyon ay makikita ang portray nina Don at Donya Shannara pagtumingin ka naman sa kaliwa ay makikita mo ang dalawang kwarto na may tig dadalawang pinto ang isa roon ay kwarto patungo sa kanilang library at meeting room sa kabilang kwarto naman ay makikita mo ang kanilang sala. Pagtumingin ka naman sa kanan ay makikita mo ang napakalawak na swimming pool at sa likod naman nang hagdanan makikita ang kanilang kusina pag tumngin ka naman sa taas ay makikita mo ang naglalakihan at nag gagandahang chandelier na pinasadya pa ni Donya Shannara sa bansang Spain.
Sumisigaw sa karangyaan ang mansyon na iyon nahagip naman nang aking paningin ang taong bumababa sa gitna nang hagdanan si Donya Shannara na isang sulyap mo palang makikita monang isa syang mamahaling tao napakaganda nya mula sa kutis at mukha di mo aakalaing matanda na ito
"Magandang umaga mga ihja" masayang bati nang ginang "magandang umaga rin po Donya Shannara"  saad ko " magandang umaga po tita" saad naman nang kapatid ko kaya napalingun nalang ako sa kanya magaan ang loob ng Donya sa amin gusto nyang tawagin namin syang tita kaso lang nahihiya akong tawagin syang ganun lalot amo ko rin sya at syaka na sanay narin akong tawagin syang Donya
"Hinahanap nyo ba ang aking asawa naroon sya sa kusina tara't sabayan nyo kami" di lang talaga sya maganda napa ka bait rin nito
"Ahh wag na po Donya Shannara ihinatid ko lang ho yung mga damit na nalabhan ko na"magalang na pagkasabi ko" Ganun ba" ganoon nalang ang pag ka dismaya sa mukha nito " ito oh nalaman kong may project pla itong si beverlyn " sabay abot sa akin nang pera kinuha naman iyun agad ni beverlyn "salamat ho tita" saad nang kapatid ko "naku Donya Shannara di po namin to matatanggap" saad ko ngumiti naman si donya sa akin "hindi ka pa ba nasasanay sa akin beavery" magiliw parin na saad ng ginang " naku Donya Shannara i bawas nyo nalang ho ito sa sweldo ko " nahihiyang sabi ko
" anu kaba minsan lang naman eh"pag pupumilit parin nang ginang napangiwi naman ako sa narinig galing sa kanya" ganun ho ba kadalas ang paminsan minsan at inaaraw araw nyo na Donya" nakangiwi ko paring saad sa donya na sya namang pag dating ni Don Custodio
"Anong kaguluhan ang nangyayari rito"  saad naman nito na nangingiti pa " magandang umaga mga naggagandahang mga ihja" saka ito yumakap sa asawa at ibinalik sa amin ang tingin
"Magandang araw ho Don Custodio" nakangiting saad ko naman "hi po tito" magiliw naman na pagkasabi nang aking kapatid"oh anung ngang nangyari dto"tanung nang don na di parin mawala ang ngiti sa labi "kasi hon inaaway ako ni beavery"nagulat naman ako sa sagot ni Donya Shannara
Tinitigan ako ni Don Custodio nang napaka talim na tila yun ang pinaka matindi kung kasalanan kaya napa yuko ako sa takot "patawad po Don Custodio...si-sige ho tatanggapin kona ang pera" saad ko,grave ang kaba ko pinilit kung wag ma bulol pero tila tinatraydor ako nang aking bibig "HAHAHAHAHA...." Nai angat ko ang aking paningin at nag taktakhang tumingin kay Don Custodio na grave ang tawa sa mga oras na iyon, nilingun ko naman ang gawi ni Donya Shannara at nakitang grave rin ang pag pipigil na tumawa "Pffft.." Pag lingun ko naman sa aking likuran ay ganun din si Beverlyn

"A-ano pong nakakatawa"pag tatanong ko nang seryoso sa kanila "Hahahahhahaha" mas lumakas tuloy ang pagtawa nila, nag sisisi tuloy akong nagtanung pa ako bigla ay huminto naman sa pag tawa si Don Custodio at tumingin sa akin "binibiro lang kita Beavery " saad pa nito habang pinupunasan ang mga matang nahula sa graveng pag tawa "ihja dapat ay masanay kanang parating makatanggap nang pera sa amin"  nangungumbinsing saad ng Don "ngunit-" di kuna natapos ang aking sasabihin ng tumunog ang telepono ni beverlyn "ahh ate alis na ako nag text na ang kaklase ko paparating na raw ang aming propesor" saad niya " o sya baka mahuli ka pa" tugon ko sa kanya ibinaling naman nya ang kanyang paningin kina don at donya shannara" Aalis na ho ako tita, tito" paalam nito "sige" sambit naman ni don custodio ,saka naman kumaripas nang takbo ang kapatid ko "sige ho Don at donya shannara mag tatrabaho na ho ako" magalang na sambit ko at tumango naman sila kaya dumiretso na ako sa likod nang mansyon upang tulungan ang iba pang mga kasambahay

FECKLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon