Chapter 4

8 0 0
                                    

"Omg! Isha!" Tuwang-tuwa na papunta sa akin si Claire.



Nandito na kami sa bahay nila, sinundo kami ng driver niya. Ako pa lang nakita ni Claire, hindi niya alam na kasama ko ngayon 'yung lalaking sinabihan nila ng papi.



Bumeso kami sa isa't-isa at pumasok na kami sa loob ng bahay nila kung saan walang ganong bisita. Sa labas kasi 'yung catering kaya nandoon ang mga bisita.



Puro mayayaman, may mga artista at professionals. Nakita ko pa nga yung sikat na leading man ngayon, pogi raw pero mukha namang ewan sa personal.



Pagkapasok pa lang namin, bumungad na sa akin ang magandang interior ng bahay. It's a modern mansion. Ganito iyong mga napapansin kong inisketch ni Claire minsan. Bagay nga sa kaniya ang architecture.



We went inside the kitchen because her mom was there. This is my first time meeting her mom kaya I don't know how would I act infront of her.



Kinakausap ng mommy niya ang mga maids. Nauna si Claire at bumeso sa nanay niya. "Why are you here, anak? Is there any problem?" Sunod-sunod na tanong ng mommy niya after nila mag-besohan.



"Uh, mom..." Pumunta ulit si Claire sa gilid ko at hinila ako papunta sa harap ng mom niya. Hindi ko alam gagawin ko kaya naisipan ko nalang na mag-mano.



"Oh my, hija! Don't mano na hahaha, pinapatanda mo ako, eh!" Pabirong sabi ng mommy niya na tumatawa.



Nahiya naman ako, hindi ko na alam iaakto ko. "Mommy, this is Isha, my bestfriend. Siya yung lagi ko kwinikwento sa'yo na want ko mameet mo!" Nakangiting sabi ni Claire. Halatang close talaga sila ng mommy niya.



"Uh... Hello ma'am. Happy birthday po." Magalang na saad ko. Ngumiti naman siya sa akin, "Thank you, Isha. You can call me tita nalang or mom, whatever you want."



Naalala ko bigla iyong dala-dala kong small paper bag. Ito iyong binili kong regalo, it's a ballpen. Binili ko nalang iyong ballpen na ginagamit for architects. Hindi ko naman alam kung ano ireregalo ko. Hindi ko rin ala bakit pang-architect ang binili ko. I don't even know if she's an architect.



Inabot ko sa kaniya at ngumiti. "This is my gift for you, tita."



Tinanggap niya iyon at binuksan na kaagad sa harapan ko. Hindi man ako nainform na bubuksan na niya pala.



Pagkabukas niya ng paper bag, kinuha niya ang pa-rectangle na black box. Lumaki pa iyong mata niya nang makita niya ang laman nito.



"Oh my god, ito 'yung ballpen na bibilhin ko sana last week! Isha, thank you very much for this! How did you know pala that I'm an architect?" Nagtatakang tumingin siya sa akin.



Wow. She's an architect.



"U-uh... Hindi ko po alam actually. 'Yan lang po kasi naiisip ko kasi wala pa po akong alam about po sainyo." Ngumiti ulit ako sa kaniya.



"Anyway, let's go outside. Papakilala kita sa daddy ni Claire." Sumunod nalang kami sa kaniya, nakalagay ang kamay ni Claire sa braso ko.



I'm wearing silver evening gown and white heels. I straightened my hair earlier kaya nakalugay lang siya. Si Claire naman naka red silk dress and gold heels. Naka-curl iyong hair niya.



Bigla ko naalala na may kasama pala ako! Si Cali! I immediately get my phone from my purse, baka nagtataka na kung nasaan ako. Nagpaalam kasi sa akin si Cali na magrerestroom raw siya pagkababa palang namin ng sasakiyan.



Barriers of DreamsWhere stories live. Discover now