CHAPTER 05

56 3 0
                                    

"Sure ka ma kaya mo na?"

Isang linggo na ang naka lipas mula ng maospital si mama, i stayed here para na din sa makakabuti sakanya.

"Oo, unahin mo na muna ang sarili mo." I nodded bago isarado ang zipper nang bag na dala ko dahil babalik na ako sa unit.

Ayaw ko sana pero mas malapit ang university doon at mas makakatipid pa dahil may sasakyan ang mga kaibigan ko.

"Alis na po ako!" I bid a goodbye bago lumabas, ibinilin ko naman si mama sa kapitbahay namin kaya nag lakad na ako palabas ng street namin para mag abang ng jeep.

While waiting a black familiar car stopped in front of me, my brows furrowed habang naka tingin sa bintana pero tinted yon.

At nung binuksan n'ya yung bintana! It was Rey.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Sinusundo ka." Tinanggal nya pa yung shades nya and then he winked at me! I just rolled my eyes and the he chuckled. "Ano sasakay ka ba?" Reklamo nya, inirapan ko ulit sya bago buksan at pintuan sa passenger seat at umupo doon, i put my seatbelt.

"Ano?" Reklamo ko sakanya dahil naka tingin sya saakin, tinawanan nya lang ako bago paandarin ang sasakyan nya.

"Sama ka? Kain tayo?" He asked me, dahil gutom ako agad naman akong pumayag! Dinala n'ya ako sa isang steak house.

Nawala lang ang ngiti ko ng makita si Sherra na naka upo sa isang table kung saan ako dinala ni Rey, katulad nya malaki din ang ngiti nito pero ng makita ako ay agad din yon nawala.

I awkwardly smiled at her at umupo sa tapat n'ya, she smile back at me habang naka tayo pa rin si Rey.

"Sherra, let's talk." Nag taka pa ang itsura ni Sherra bago tumango at sumunod sakanya, naiwan tuloy ako dito!

Wala pang pagkain sa lamesa kaya tumingin na lang muna ako sa glass window kung saan kita ang labas.

I waited here for almost a minute until they come back, may kasama na silang waiter na may dalang mga pagkain.

Saktong lunch din ngayon.

Sa tabi ni Sherra umupo si Rey kaya agad akong napa iwas ng tingin. Damn Angeline! Are you expecting na sa tabi mo tatabi si Rey! Napa irap na lang ako sa sarili ko!

I was just eating peacefully when suddenly Sherra put the fork with a steak on Rey's mouth! Hindi ko tuloy mapigilang isipin na date nila to! At third wheel lang ako! Or date talaga? Naki third wheel ako?

I shook my head before continue eating.

"So Angeline right?" Sherra asked me dahilan para mag angat ako ng tingin, i also saw Rey na naka titig saakin.

"Yeah, and you're Sherra?" I asked back.

It was obviously embarrassing!

"Yes, me and Rey are friends." Si Sherra.

Di ko naman sya tinanong, madaldal din naman pala.

Nginitian ko na lang sya at pinag patuloy ang pagkain ko hindi na lang pinansin ang pag kwekwentuhan nila.

Our lunch went smooth hanggang sa nag paalam na kami sa isa't isa.

Pinasasabay din sana ako ni Rey kaso! Baka masira ko nanaman yung date nila! Hindi naman nya na ako pinilit dahil sinamaan ko na sya ng tingin, sinamahan n'ya na lang akong mag abang nang jeep.

Naka rating din naman agad ako sa unit namin at naabutan ko lang yung tatlo na nasa sala nanonood nang netflix.

"Omg girl! Buti naman at umuwi ka na! Kamusta si tita? Okay lang ba sya?" Salubong saakin ni Charmaine at tinulungan ako sa dala ko.

"Okay lang si mama, ngayon lang ako naka uwi kase alam nyo naman na wala s'yang kasama sa bahay." She nodded habang ako naman ay tinatanggal ang sandals na suot ko.

"Kumain ka na?" Tanong ni Kiara saakin.

"Luh pafall?" Agad n'ya akong sinamaan ng tingin tapos pumunta sa kusina. "Kia! Kumain na ako oo!" Sigaw ko sakanya bago ako dumeretso sa kwarto ko.

Inayos ko lang yung mga gamit ko bago nag shower at nagbihis ng komportable na damit, sabado ngayon at wala kaming pasok.

Lalabas na sana ako sa kwarto pero biglang nag ring ang cellphone ko at tumatawag si Rey, anong kailangan nito?

"Hello?" Sagot ko sa tawag nya.

"Naka uwi ka na?" Tanong nya sa kabilang linya, agad akong umupo sa dulo ng kama ko.

"Oo, anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"May gagawin ka bukas?" He asked me.

"Wala naman." I answered.

"Are you free? May pupuntahan akong party gusto mo sumama?" Tuloy tuloy na tanong nya saakin.

Tinignan ko kung may gagawin ako bukas at wala naman.

"Sige, sasama ako." Pag payag ko dahil nga wala naman akong gagawin.

He just thanked me bago ibaba ang tawag, ako naman dumeretso na lang ako sa kusina, nandon si Charmaine at Delaya, nasa kwarto nya siguro si Kiara.

"Kakain ka ba?" Salubong saakin ni Delaya habang kumakain, sinigang yung ulam nila.

"Busog pa ako, kumain ako kanina." I honestly said at pumunta sa ref para kumuha ng tubig at uminom.

"Aalis ako bukas." I informed them.

"Ha? Ano yon date?" Takang tanong ni Charmaine saakin.

"Hindi, party lang." Sagot ko while leaning on the counter and crossing my arms. "Inaya ako ni Rey." Dagdag ko.

"Akala ko ba may ibang gusto?" Delaya curiosly asked.

I pursed my lips, "Oo..." Mahinang sagot ko damn Angeline di mo naman s'ya gusto.

"Okay ka na ganyan ka?" Si Charmaine.

"Oo! Magkaibigan lang naman kami! Kung saan sya duon sya!" I frowned habang napahilamos sa mukha ko.

"Magkaibigan lang ba?" Bigla na lang sumulpot si Kiara at tumabi saakin.

"Oo! Doon lang yon alam ko naman na may ibang gusto, bakit ko naman s'ya papatulan." Reklamo ko sakanila.

But something is pinching my heart kapag naiisip ko na may iba ngang gusto si Rey. Pero una pa lang alam ko naman na talaga na hindi ako ang gugustuhin nya.

"Defensive mo girl!" Agad ko silang sinamaan ng tingin dahil sa mga sinasabi nila!

"Hindi naman!" Defensive na sagot ko.

"See?" Si Delaya.

Okay whatever yeah i already liked Rey kahit alam kong si Sherra gusto nya.

Forgotten Moment (Betrayal series #2)Where stories live. Discover now