Prologue

2K 44 20
                                    

"Bakit late ka na naman umuwi, Ethan? ha? Sabihin mo nga sa akin, may babae ka ba?" Diretsong tanong ko ng makita ko syang dumating.

For Pete's sake! It's already two in the morning. Alasais ng umaga sya umalis tapos ganitong oras na sya uuwi. Normal ba 'yon?

"A-ah may tinapos lang sa firm, alam mo na masyadong madaming nag papagawa ng bahay ngayon eh." Aniya sabay upo sa couch para alisin ang kanyang mga medyas.

Napahawak naman ako sa aking bewang bago muling nag salita.

"Hindi ako naniniwala." Seryosong sagot ko habang titig na titig sa kanya.

At dahil sa sinabi ko nakuha nito ang atensyon ng asawa ko. Halata ang gulat sa kanyang mga mata.

"Please naman, Kleo. Pagod ako. Just let me rest at baka kung saan na naman mapunta 'tong usapan na 'to." Sagot nya bago ako lagpasan para umakyat sa kwarto.

That's it. End of our conversation.

It's been two weeks since nag start ang ganitong routine namin. I don't know why. I don't know what's wrong with him. I don't know what happened or what's happening. Halos hindi na nga sila nag kikita ng anak namin. I always try to ask him in a calmly manner pero wala akong makuhang matinong sagot. 

Napabuntong hininga nalang ako bago sya sundan sa kwarto. 

Nang mag umaga na ay agad akong dumiretso sa firm dahil doon din naman ako nag tatrabaho.

"Oh, Kleo, ang aga mo ah." Bati sa'kin ni Miles na katrabaho ko

"Ganun talaga. Anyway, tanong kolang, ginabi ba talaga sila Ethan kahapon?" Tanong ko

Sa taas lang kasi namin sila. Second floor kasi ang office naming mga engineer habang ang mga architect naman ay sa third floor. Saktong arch din ang asawa ni Miles kaya sa kanya ako nag tanong.

"Huh? Anong sinasabi mo dyan? Maaga natapos meeting nila kahapon. Ala singko pa nga lang ng hapon ay nasa bahay na ang asawa ko." Sagot nito

He lied.

What happened to you, Ethan?

Agad kong tinawagan si Ethan ngunit hindi naman sya nasagot kaya inakyat ko sya sa taas.

Ngunit habang nasa elevator ay naka sabay ko si Ice ang dati kong schoolmate.

"Uy, Engineer. Kumusta?" Bati nito

"Okay naman, Ikaw ba?" Sagot ko sabay gawad ng tipid ng ngiti

I don't want to be rude kaya kinausap ko na din siya.

"Okay lang. Eto, single parin." Aniya na syang nag patawa sa akin at sakto namang bumukas ang elevator at bumungad sa harap namin si Ethan

"Oh hi arch! Paano? Una na ako Eng. ah" Paalam ni Ice

Tinanguan ko naman ito bilang tugon.

"Ethan." Tawag ko ngunit laking gulat ko ng makitang nakakunot ang noo nito

"Let's go." Madiin nyang sambit sabay hila sa braso ko

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Ani ko

Ang higpit ng pag kakahawak nya sa braso ko.

Tangina.

Parang mag kakapasa ako ah.

"Bitiwan mo nga ako!" Galit kong sambit sabay hila sa braso ko

Parang tanga 'to.

"Ano bang problema mo ha?" Inis na tanong ko

"Wow. Ako pa ngayon may problema, ha, Kleo? Talaga ba?" Sarcastic nyang sambit

The Broken Marriage ( Unwanted Series #2 ) ( On Going )Where stories live. Discover now