29. Naiintindihan Ko Na

128 11 2
                                    

Chapter 29: Naiintindihan Ko Na

Erin

Hawak-hawak ko ang puwitan ko nang makarating ako ng kuwarto. Masama yata talaga ang pagkahulog ko sa hagdan. Tahimik lang si Mando na nakasunod sa akin hanggang makaupo ako sa may gitna ng kama at kinuha ang phone. Tumalikod ako dahil sa kaunting liwanag na maaaring tumapat sa kaniya galing sa screen, baka aksidente ko pa siyang masilayan. Ramdam kong naupo rin ito sa paanan ng kama at halata pa rin na may iniisip siya. Hindi ako sigurado kung tungkol pa rin ba 'yon sa kalagayan ni Peter.

Pagkabukas ko ng phone, isang lunok agad ang nagawa ko dahil biglang gumala sa buong katawan ko ang kaba. Nag-reply si Peter at hindi na ako nag-aksaya ng minuto para basahin ito.

Peter:
Oo nga, eh. Congrats! : )

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Natuwa ako dahil kahit nagtatampo siya sa akin ay pinansin niya pa rin ako at kung gaano siya kabilis mag-reply noon, ganoon pa rin ngayon base sa oras na nakalagay. Kung hindi, lilipad na naman ang isipan ko nito. Alam kong hindi niya rin ako matiis at maiwasan. Sa totoo lang, matagal ko na siyang gustong i-message at kahit matagal ko nang naipon ang lakas-loob ko, sadyang nauuhan ako ng pangamba at takot. Ngayon lang ako nagkaroon ng maayos na dahilan para i-text siya. Kahit 'yon lang ang reply niya sa akin, sapat na 'yon. Ang mahalaga, sigurado na akong pinapansin niya na ako.

Ngunit nagkaroon ng sariling isip ang daliri ko at hindi sumang-ayon sa nais ng utak ko na huwag na siyang reply-an pa. Mas kinabahan tuloy ako.

Erin:
Kumusta na?

Peter:
Ayos naman. Naglilibang-libang lang. Madalas akong gumala gamit ang bike. Routine ko tuwing umaga at hapon. Haha. Alam mo 'yon? Para pang-unwind lang.

Erin:
Sorry.

Peter:
Saan?

Nag-ipon ako ng hangin sa katawan bago sinend ang reply ko. Wala nang atrasan 'to, paninindigan ko ang sinend ko. Hindi pa ako nakakapag-sorry.

Erin:
'Yong tungkol sa kanta at 'yong mga nasabi ko sa iyo, hindi ko sinasadya. Hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo.

Peter:
Hayaan mo na. Matagal na iyon. Wala na 'yon.

Erin:
Itutuloy pa ba natin ang pagsali? Paano 'yong trauma mo? Concern lang ako.

Peter:
Haha

Peter:
Pasok na tayo sa top 40. Aatras pa? Pangarap natin 'to. Huwag mo akong intindihan, nag-iinarte lang ako. Mas mahalaga ang banda natin kaysa sa sariling kababawan ko. Ayaw kong magwatak-watak tayo nang ganoon na lang. Ayaw kong masayang ang oportunity na 'to. Pagsisisihan ko ang lahat ng 'to.

Natanggap ko na ang sagot na bumabagabag sa akin. May parte sa akin na natuwa dahil itutuloy namin ang pagsali, para tuloy akong mas na-excite pero hindi maalis sa akin ang pag-aalala para sa kaniya. Naubusan na ako ng mga sasabihin. Hindi ko gusto ang sinabi niyang nag-iinarte lang siya dahil kahit kailan, hindi matatawag na kaartehan ang trauma. Hindi biro iyon. Pero hindi ko na alam kung ano ang dapat i-reply ko. Sa gitna ng pag-iisip, muli siyang nag-text. Text na nagpalaki ng nga mata ko.

Peter:
Tamang-tama, ite-text na rin sana kita kanina, naunahan mo lang ako. Tanda mo 'yong sinabi ko sa iyong gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko? Free raw sila bukas, baka puwedeng sumama ka sa dinner namin? Sunduin kita diyan sa bahay ninyo. Suot ka ng dress.

when you disappeared at midnightWhere stories live. Discover now