❇ The End ❇

53 27 20
                                    


A Meme Threaderist: Ending.
Austrian Juxe Montecelio’s POV





"Trii, ang tagal mo naman! Bilisan mo na, aba."

"Ito na nga," anas ko sa kaibigan kong babae na sobrang atat ng pumunta sa simbahan.

Ayon pa sa kanya. Kaya niya raw ako isasama ngayon sa simbahan ay dahil hindi niya gustong wala siyang partner. So bali, ako ang naisip niyang best option niya para do'n, knowing that I'm her long-time boy bestfriend.

Reason why do we need to go to church?

Kasal daw ng high school girl bestfriend niya ngayon. Invited siya ro'n at siya naman mismo itong nag-imbita rin sa 'kin para makasama ako sa kasalan ng dating kaibigan niya.

I actually refused her at first but then, dahil nga kaibigan ko siya't nadadaan niya ako sa pangungulit niya kaya ito, pumayag ako sa huli.

"Tri, ano ba? Kailan ka pa naging pagong, ha? Aandar na lang lahat ng sasakyan nandito ka pa rin nagsasapatos, potek." panenermon pa nito sa 'kin. Nakapamewang pa siya sa harapan ko't halatang naiinip na sa ginagawa ko.

Nang matapos akong magsintas ng sapatos ko'y tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa bangko saka nagpagpag ng suit na suot-suot ko ngayon.

"Hayan. . . mukha ka ng tao ngayon, Tri."
Napabuntong-hininga ako sa naging komento ng kasama ko. Napangisi naman ito sa harap ko.

Kahit kailan talaga, she doesn't know how to make compliments. Too sarcastic, tch.

Binalewala ko na lamang ang naisip ko't hindi ko na lang din sinabi sa kaniya. Tumayo na ako't hinarap siya saka ko ito niyaya. "Let's go?"

Maaliwalas ang mukha nitong napatingin sa kabuuan ko. Ngumiti pa ito sa 'kin bago yumakap sa isang braso ko.

"Sure, babe."

"What the fu—"

"No bad words!"

"Then don't call me with that kind of endearment, tch."

"Okay, dre."

Napailing na lamang ako sa inasta niya't sabay kaming nagpunta sa kulay pula kong sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa kotse ko't hinayaang makapasok ito sa loob.

Sa passenger seat ko siya pinaupo samantalang ako naman itong nasa driver seat.

Itinuro niya sa 'kin ang address ng simbahan kung saan ikakasal ang kaibigan niya. And the good thing is that, pamilyar ako sa lugar kaya nakarating kami kaagad nang 'di kami naliligaw.

Nag-park ako sa gilid nitong simbahan. Kaagad naman akong lumabas para pagbuksan ng pinto ang tamad kong girl bestfriend.

By the way, her name is Ryniovella. Mas sanay akong tawagin siyang Ry o Ryry dahil iyon ang palayaw niya sa bahay nila. So bali, parang in-adapt ko lang itong palayaw niya dahil mismo sa pamilya niya.

Pagkalabas nito mula sa kotse ko'y kitang-kita ko namang nagulat siya't namangha sa kabuuan nitong simbahan na napuntahan naming dalawa. At kagaya niya'y pasimple ko munang tinitigan ito.

A normal type of catholic church, I guess?

May kalakihan ito kaya todo tingala rin itong ginagawa ng kasa-kasama ko ngayon na si Ryry. Nagpormang letrang o ang bibig niya't napatakip nang ma-realize niyang napanganga na pala siya.

Palihim akong napangiti sa kaniya't napamulsa, ibinalik ko muli sa simbahan ang paningin ko.

I also have this guess na mas malawak itong tingnan kung papasok ka mismo sa loob ng simbahan.

Book 1: A Meme ThreaderistWhere stories live. Discover now