Chapter:9

375 12 0
                                    

Walang gana akong lumabas ng room matapos ang klase ko ng hapon dahil di ko alam kung pumasa ba ako sa quiz namin sa Pharmacology, ewan ko kong tama ba mga nasagot ko doon o hindi plus yung recit pa, minsan na nga lang ma surprise sa quiz pa, awit talaga.

Nakayuko akong naglalakad sa hallway habang mahigpit ang hawak sa handle ng tote bag ko, pinipigilan kong umiyak, I know that I did bad, kahit anong gawin kong pag-console sa sarili. Mariin kong pinunasan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata, nakakahiyang mag breakdown dito pero I can't help but to feel helpless and anxious, my insecurities about intelligence is starting to devour me again.

May nakabungguhan pa ako pero di ako tumingala para tignan ito dahil ayaw kong may makakita sa naiiyak kong mata kaya nagsorry nalang ako nang naka yuko at nagpatuloy sa paglalakad nang may humigit sa braso ko. I had no choice but to look up and saw Luke's smiling face pero agad din 'yon nawala nang makita ang itsura ko kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong nito.

Tumingin ulit ako sa kanya at pilit na ngumiti bago tumango."Oo naman."

Tumitig pa ito ng ilang segundo sa akin bago nagsalita."Pasok ka ba sa work ngayon?"

"Syempre naman, bakit hindi." tumawa pa ako ng konti.

I heard him sigh."Tara sabay kana doon din naman ako pupunta."

Tumango nalang ako, sayang din yung pamasahe sa jeep 'no. Medyo nawala naman na din yung dinadrama ko, pero sigurado akong babalik din ulit 'yon pag uwi ko, pero atleast na delay ng ilang oras.

"Si Kim?" di ko maiwasang itanong habang naglalakad kami papuntang parking lot. Ewan ko ba, basta nakikita ko Luke di ko maiwasang itanong si Kim, parang parte na rin kasi siya ng katawan niya, lagi kasi silang magkasama.

"Pinauna ko na sa sasakyan, nakita kasi kita." sagot niya.

"Ahhh." pagtango ko.

Pagdating namin sa parking lot ay agad kaming lumapit sa isang itim na ford ranger. Binuksan niya ang pintuan ng backseat dahil nasa shotgun na si Kim, lumingon ito sa akin at ngumiti.

"Hi, Krystal right?" tanong nito.

"Hi, oo." sagot ko naman, after that, nag drive na si Luke.

Traffic pa ngayon kaya natatagalan kami.

"Saang party nanaman 'yan?" I heard Luke asking Kim while waiting for the traffic.

"Dyan lang, sa kaibigan ko, malapit lang." Kim answered.

"Uuwi ka ba?" tanong ulit ni Luke.

"Oo naman." sagot ulit ni Kim, para silang mag ama.

"Call me then, I'll fetch you,and also don't drink too much, yung kaya mo lang okay?" saad ni Luke.

"Wag na, may sasakyan naman si Des, alam kong busy ka, I can handle myself." pagtanggi ni Kim.

"No buts, susunduin kita, give me the address or else." di nagpatalo si Luke. Kim sighed in defeat and ended up saying the address, nagulat pa ako dahil same subdivision kela Nikko.

We drop Kim sa apartment niya bago dumiritsyo sa cafe, tahimik lang kami boung biyahe hanggang sa dumating kami. We were immediately greeted by ate Ela, I went directly to my locker and changed into my uniform and did my rounds na.

Mga around 9PM na nang matapos ang work ko, nagkayayaan pa sila ate ela at ibang staff ng inuman pero agad akong tumanggi dahil may pasok pa ako bukas, kailangan ko narin talagang bawas bawasan ang pag-iinom ko dahil mas kailangan ko ng mag focus ngayon sa acads.

Nagpaalam din ako agad at nag abang ng taxi sa gilid.

"Hatid na kita." nagulat pa ako nang biglang magsalita si Luke sa tabi ko.

"Oy wag na, puntahan mo na si Kim, baka lasing na 'yon." pagtanggi ko.

He looked at his watch before looking at me." Maaga pa, baka magreklamo 'yon pag sinundo ko agad."

At dahil mapilit siya, pumayag nalang ako.

Tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami.

"Lalim ng iniisip ah, ayos ka lang ba talaga? kanina ka pa tahimik eh." Luke break the silence, tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Lovelife din ba 'yan?" he teased.

"Baliw." I chuckled.

Nanatili ulit sa labas ang tingin ko.

"Acads ba?" tanong niya ulit, this time, I didn't look at him because he hit the right spot.

"Saan ka ba nahihirapan, baka matulungan kita? Do you want to study together?" tanong nito sa akin.

"Sarap siguro ng feeling ng pagiging matalino 'no?" I can't help but to asked that.

Di siya kumibo.

"Nakakaingit." I blurted out while stopping myself to tear up again.

"Hindi rin. Tsaka wag kang mainggit, not all genius know everything."  sagot nito.

Napangiti nalang ako ng mapakla bago binaling ang tingin sa labas, only to realize na nakarating na pala kami.

Nagpaalam na ako at lumabas na pero nagulat ako nang lumabas rin siya.

"Let's study together." nakangiting sabi nito.

Di na ako naka angal pa dahil nauna na itong maglakad, wow.

"Gutom ka ba?" tanong ko rito matapos magpalit ng damit, nasa kusina ako at nagtitingin ng lulutuin sana, di naman ako gutom pero yung kasama ko baka gutom.

"Nope, I'm good, kape nalang." he suggested.

"Kay." sagot ko at nagtimpla ng kape naming dalawa.

"Half spoon sugar lang ah!" pahabol pa nito.

I put our coffee on the coffee table, nakaayos narin ang study materials niya, his iPad, laptop and books kaya nagsimula na kami.

He's really helpful, pwede bang siya nalang ang prof. ko? mas nagegets ko pa siya eh, nung umulan ata ng katalinuhan sinalo niya lahat kaya walang natira sa para sa akin.


We are still in the middle of debating about some topic nang tumunog ang cellphone niya. After answering the phone, mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya at nagpaalam bago dali daling umalis. Napailing nalang ulit ako. Kim.

Niligpit ko narin ang mga gamit ko at doon ko napansin ang isang medical book na naiwan ni Luke. Kinuha ko ito at binuklat ang unang pahina at nakita ang pangalan niya sa baba ng isang quote.

"To save lives even if I can't save myself."

Luke Samuel Samson

Napangiti ako sa nabasa at pinagpatuloy na binuklat ito, ang daming notes na nakadikit, at mga naka highlight na salita.

Nalula ako sa dami ng mga inaaral niya kaya sinara ko din ito agad. I went to wash up before going to bed.

Just then, I realized that I was save from breaking down.


—🌻

The Taste of Solitude (Medical Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon