Chapter 3: Red Ribbon

50 1 0
                                    

"As if I need your name!" - Kaijane Allison

Allison's Pov [Point of View]

Pagpasok namin sa room, pumunta na kami sa may vacant chair at mga kaibigan ko naman ay pumunta din sa ibang vacant chair hindi na kami tumabi sa isa't isa dahil dada ng dada lang kami baka mapagalitan pa kami ng Prof namin.


Habang nagmuni muni ako dito nabigla na lang kami, ng may biglang tumili sa labas. Dahil ang iingay nila makabasag eardrums. Isinaksak ko nalang yung headset ko sa tenga at finull yung volume pero nak ng!

Bakit nariring ko parin ang mga tili nila. Umub-ub nalang ako sa desk.
Nakikinig lang ako ng mga music.



"Miss can I sit here?" sabi ng isang lalaki alam kong lalaki dahil boses lalaki nga eh! Hindi ko siya sinagot dahil badtrip ako sa mga kaklase namin na ang iingay.

"Miss? Miss?" At kinalabit ako. Aba! Ang kulit naman nito.



"Edi umup-------" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako nagkakamali siya yung lalaki kahapon! Aisshhh! Sabi ko na nga ba Gwapo eh! Pero huwag kayo! ayoko sa kanya.



"Pfft!" Aba tatawanan na naman niya ako! Ang kapal talaga ng lalaking to!



"Subukan mo lang tumawa, basag talaga yang nguso mo!" Sabi ko sa kanya. Nagtinginan naman yung mga kaklase sa amin at nagbulongbulongan.



"Magkakakilala sila?" Kung magbulong bulongan man kayo siguraduhin niyong hindi ko maririnig okay?



Tinignan niya lang ako. Parang sinusuri ako. Aisshh! Suplado din pala tong lalaking to! Sungit!



"Umagang umaga nakakabwesit! Makaalis na nga!" Sabi ko at kinuha yung bag ko at ikinabit sa kanang balikat ko. Hindi naman sila nagreact aba dapat lang! Aisshh!

----------------------------


Salamat naman at recess na!



"Hoy Allison!" Sabi ni Jessa habang kumakain ng burger.
Nakabili na kasi sila pero ako hindi pa.



"Hmm?" Tingin ko sa kanya.



"Ano naman ang nakain mo at ang sungit mo ni Joshua Kigs ?" Ahh. so Joshua Kigs pala name niya! Wala Kong pake!



"Eh kasi naman tinawanan niya ako kahapon." Sabi ko sa kanila at naiinis na naman ako pag naiisip ko yun.



"KAHAPON?" sigaw nilang tatlo ang OA naman nila kailangan talaga isigaw? Ganoon?



Tumango naman ako sa kanila.



"Ekwento mo nga para maintindihan namin." Sabi ni  Angel.



"Naku wag na baka maaala ko pa yun!"



"Sige na!" Pamimilit nila. Wala akong nagawa kundi ekwento sa kanila dahil alam kong hindi din nila ako titigilan.

Pagkatapos kong magkwento imbes na pagaanin yung loob ko, tinawanan ba naman ako.

"Oh tapos na kayo?" Tanong ko sa kanila and note the sarcasm.

"Pfft HAHA! Kaya ka pala nagagalit HAHa" sabi ni Jo-ann. Umalis nalang ako at pumila para bumili.

Nakikipagsiksikan ako para mabili lang ang paborito kong cake ang red ribbon... At sa wakas naman may nakita pa akong  isang box. Hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ako makakain nito. HiHi!!
Kukunin ko na sana yung box at babayaran ng biglang may kumuha nito.

Love in Unexpected TimeWhere stories live. Discover now