CHAPTER 1

3 1 0
                                    

CHAPTER 1

Hindi ko akalaing naging ganon kasakit ang epekto ng pag-alis ko,na dahil sa isang pagkakamali ay nagawa akong talikuran ng babaeng mahal ko.Na kahit hindi siya magsalita ay nakikita sa kanyang mata ang sakit na pinagdaanan niya.

Napako sa kinauupuan niya kanina ang paningin ko,gusto ko siyang pigilan,gustong-gusto ko pero pinipigilan ako ng kaalamang ayaw niya akong makita.

Naririning ko ang tunog ng pag-iyak niya sa likuran ko,pero hindi ko siya malingon,dahil alam ko sa sarili ko na sa isang lingon ko lang,guguho lahat ng  inipon kong pagpipigil at baka pigilan ko siya sa pagtalikod niya na alam kong hindi niya gugustuhin.

Hindi ko alam kung paanong parang naiwan sa pandinig ko ang hagulhol niya at ayako mang ipakita pero nasasaktan ako.

"Anak"ramdam ko ang paglapit ni mommy sa pwesto ko at sa isang yakap niya,tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan,I didn't know that in my 22 years of existence,I will cry like a kid.

Nanlalabo na ang paningin ko pero sinikap kong tumingin sa mga magulang niya na nakatitig lang sakin ng mga sandaling yun.

"I-im s-sorry"usal ko habang patuloy na naglalandas sa aking pisnge ang luha.

Patuloy ang paghinge ko ng tawad pero alam kong hindi mababago nun ang katotohanang nasasaktan kaming pareho.Isa lang ang alam ko ngayon.

Na pareho na kaming humahagulhol sa sakit.

"Mommy"para akong batang inagawan ng laruan at nagsusumbong sa nanay ko.

"Shh,shh it's okay anak,it's okay"hinahaplos niya ang ulo at likod ko,pero hindi gumagaan ang pakiramdam ko,kinakain ako ng konsensya ko.

Hindi ko alam kung paano akong nakauwe,basta nandito ako ngayon sa kwarto ko.

Avhery.

Binalikan ko sa ala-ala ko kung paano kami nagkakilala.

Flashback:

2nd week of school na at naguumpisa na kami sa mga lectures.

"Good morning class"bungad ni ma'am Patricia,our teacher in Filipino,hindi ko alam sa teacher kong to kung bakit english ng english eh Filipino ang subject na itinuturo niya.

"Goooddd mooorninng maaa'am"sabay-sabay naming sabi ng mga kaklase ko,hindi nako nag-abala pang tumayo,uupo din naman tss.

"You may take your seat"senyas nito sa mga kaklase ko na agad naman siyang sinunod,tinignan niya ako at inilingan.

"For now,we're going to have our group activities,count 1 to 4"sabi niya at itinuro ang kaklase ko sa una.

1
2
3
4
1
2
3
4
1
2
3
4

"2"Sabi ko ng ako na ang iimik.

At nagtuloy tuloy yun hanggang matapos ang lahat.

"Form a circle,group 1 dito"turo nito sa kaliwang pero unahang bahagi ng room."2 dito"katapat ng group 1."sa likod ng group 1,group 3,and group 4 sa likod ng group 2"Sabi niya at agad nagsipagkilusan ang mga kaklase ko,pati ako.

42 kami sa room so dalawang group ang 11 ang member.

"Grace ikaw sa group 1,Avhery group 2,Kylie group 3,and for group 4 your leader is Kyle,are we clear"tanong nito at inilibot sa buong klase ang paningin.

Hanggang Dito na LangWhere stories live. Discover now