para kay luna

429 29 3
                                    

Nang matanaw ko ang buwan ngayong gabi, batid ko ang hiwagang taglay nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matanaw ko ang buwan ngayong gabi, batid ko ang hiwagang taglay nito. 'Pagkat kaakibat ng iyong pangalan ang tanging liwanag sa gabing nakalilito— si luna na pilit na inaakap ni sol.

-☆-

"Mga kaibigan!" malakas na binuksan ni Maki ang pintuan at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkasabik habang bitbit niya sa kaniyang kaliwang kamay ang kaniyang gitara.

Nakangiti niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay na may hawak ng isang poster. Wala pang ilang segundo itong nakataas ay sinungkit na ito ng kaniyang kapatid na si Akil.

"Hoy! Totoo ba 'to?" Maasayang tanong ni Akil habang ang mga mata ay nakadikit pa rin sa papel.

"Ano ba 'yan? Patingin nga," kinuha ni Seven ang papel kay Akil. Pagkabasa niya rito ay napaupo siya at sabay abot sa akin nito. Pagkatingin ko rito ay nabatid ko na ang sayang nararamdaman nila sa mga oras na 'yon.

"Hoy! Wala na 'tong atrasan ha," masaya kong sigaw habang nakatingin pa rin sa poster ng school namin. "After three years nagkaroon din sa wakas ng Battle of the Bands!" Sumigaw ako na para bang ako na ang pinakamasayang tao sa daigdig.

"Pinapaalis na talaga tayo dito sa school," natatawang pagkasabi ni Maki na may pag-iling pang kasama.

"Kayo lang ni Ari 'no. Ang bata pa kaya namin ni Agapito 'di ba?" inakbayan ni Akil si Seven habang paulit-ulit na itnataasas ang kanyang mga kilay.

"Tigilan mo nga ko Dakila. Maka-agapito ka diyan, close tayo?" pahayag ni Seven sabay alis ng mga braso ni Akil sa kaniya at pabiro itong itinulak. Si Akil naman ay umarteng parang lubhang nasaktan na may paghawak pa sa kanyang dibdib.

Pareho na kaming graduating ni Maki, STEM pareho. Ang dalawa naman parehong nasa grade 10 pa lang.

"Oy! Mayari! Masyado mo naman atang dinamdam ang sinabi ni Akil," pagtawa ni Maki at siniko pa ako. "Siguro kasi hindi mo pa nakikilala yung secret admirer mo ano?" pang-aasar niya sa akin at pinisil pa ang ilong ko.

"Magtigil ka nga! Ang pasmado naman ng kamay mo, kadiri," pinunasan ko ang ilong ko gamit ang manggas ng damit niya. Bigla naman niya itong inagaw agad at pinagpagan.

"Hoy kadiri ka naman. Aya pa tawag nila sa'yo hindi ka naman kaya-aya," sambit niya habang patuloy na pinapagpagan ang manggas ng damit niyang ang baho naman. Karamihan dito sa school Aya ang tawag sa akin, dahil ang ngalan ko ay Mayari, hindi pangkaraniwan.

"Ikaw nga Makisig pangalan ang panget mo naman," pang-rebut ko sa kaniya at naghiyawan naman ang dalawa na animo ay nanonood lang ng mga naglalaban sa fliptop rap battle. Nakipag-apir naman ako sa kanila.

"Hoy Akil, parang hindi mo 'ko kapatid pare ha," patampong sambit ni Maki sa kapatid niya at inasar pa niya ito nang yakapin niya ng mahigpit si Akil.

Nagpupumiglas lang si Akil sa yakap ng kuya niya at hinila si Seven, sinusubukang makawala sa akap ni Maki pero pareho lang silang napaloob sa mga bisig ni Maki. Natawa na lang ako sa itsura nila.

"Akala mo makakatakas ka Agapito, trinaydor niyo ako," pagmamaktol niya. Kahit kalian talaga napakamaharot nitong si Maki.

"Ari tulungan mo 'ko dito!" sigaw ni Akil.

"Ate Ari!" pahabol na sigaw ni Seven.

Pinasaran ko lang sila ng mga maamong tingin ko at pasimpleng ngumiti. Nakakaawa sila na nakakatawa. "Paalam, mga kaibigan," sambit ko sa kanila.

"Saan ka naman Ari, magpapractice na tayo mamaya ha!" Narinig kong sigaw ni Maki at ang mga pahabol na paghingi ng tulong ng dalawa.

Nagpunta ako sa locker ko ng may dala-dalang kaba sa aking dibdib. Umaasang magpapakilala na siya sa pagkakataong ito. Binuksan ko ito at nalaglag ang isang sobre, katulad pa rin ng dati ang kulay at amoy. Binasa ko ito ngunit gaya ng iba pa niyang liham ay hindi pa rin siya nagpakilala.

Noong una akong makatanggap ng liham mula sa kaniya ay nasa grade 9 pa lang ako, kabubuo pa lamang ng banda.

Unang beses ay nakatatakot. Pangalawang beses ay nakahihiya. Pangatlong beses ay nakaiinis. Pang-apat na beses ay napangiti ako. Pang-limang beses ay kinilig ako. Ngunit ilang daang liham na ang natanggap ko pero hindi ko pa rin siya nakikilala.

Natatakot ako na baka hindi ko na talaga siya makilala at mapasalamatan man lang sa bawat letra, tula o simpleng salitang naging sandalan ko sa bawat pag-iyak o pagtawa.

Ipinasok ko na lamang ang liham na iyon sa garapon, kasama ng mga katulad niya nang makita ko ang isang manipis na kwadernong bago sa aking mga mata. Kasing-nipis ng patlang sa aking locker, sukat na sukat upang maipasok ito dito. Ang pabalat nito ay pinintahan gamit ang mga kulay dilaw at puti upang mag-anyong buwan. Binasa ko ang nakalagay sa balot nito.

"Para kay Luna," sambit ko habang ang mga kamay ko ay hinahawakan ang mga letrang nakasulat sa pabalat ng kwaderno.

Binuklat ko ito at binasa ang bawat tulang nakasulat dito.

Mga nailathalang pag-amin para sa isang dalaga.

-☆-

Marahuyo: Para Kay LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon