05. TEN STEPS AWAY.

7 7 0
                                    

"Hello, Ian. Natanggap mo na ba 'yong pinadala kong pera sayo? One hundred fifty thousand 'yon." tanong ko sa boyfriend ko mula sa telepono.

"Oo mahal. Bukas na bukas ay sisimulan ko na rin ang pagpapatayo ng pangarap nating bahay." sagot naman niya sa akin na nagdala ng sobrang kagalakan sa puso ko.

Sobrang saya ko ngayong araw na ito dahil naipadala ko na rin sa wakas ang pinagpaguran kong pera sa loob ng halos isang taon kong pagtatrabaho dito sa Hongkong bilang isang domestic helper. Nag benta din ako ng kung ano-ano para dagdag kita na rin habang andito pa ako sa bansang ito dahil gusto kong tuparin ang pinangako namin ni Ian na magpapatayo muna kami ng bahay bago namin pag-iisipan ang pagpapakasal.

---

Anim na buwan na ang nakalipas simula nung huling tawag ko kay Ian noong nagpadala ako ng pera para sa pinapatayo naming bahay dahil umalis ang amo ko at ang naiwan sa bahay ay yung anak niyang masama ang ugali na pinagbawalan kaming contact-in ang pamilya namin sa loob ng anim na buwan. Buti nalang at dumating na din ang matandang amo ko.

I immediately asked for a day off and luckily ay pinayagan nila ako kaya nagpasya muna akong mag gagala sa isang sikat na mall malapit sa lugar namin ng makapag pahinga naman ako sa araw araw na trabaho.

Nang dumating ako sa mall ay nakita ko sa isang coffee shop na nasa loob ng mall ang best friend kong si Grace na isang domestic helper din dito sa Hongkong. Kaya kaagad akong lumapit sakanya para mangamusta.

"Oy Irish, ikaw pala! Kamusta kana?" gulat niyang tanong nang makita akong papalapit sakanya.

Umupo naman ako sa katabi niyang upuan bago sumagot. "Heto ayos naman ako kahit sobrang pagod sa trabaho. Ngayon lang ulit ako nakalabas eh, sobrang higpit nung anak ng amo ko. Buti nalang at bumalik na din sa wakas yung matandang amo ko at pinayagan akong mag day off. Kailan ka uuwi sa pinas?"

Kinuha muna niya ang kanyang cellphone na nasa lamesa at nag type. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya pero mukhang boyfriend niya ito dahil kinikilig ito bago bumaling sa akin.

"Sa susunod na buwan na ang uwi ko. Ikakasal na kasi ako eh. Nae-excite na nga akong umuwi!" patili nitong sambit sa akin. Hinampas pa ako sa braso. Halatang kinikilig talaga ang isang 'to.

"Talaga?! Oy congrats ah! Masaya ako para sayo." niyakap ko siya at ginantihan niya din naman iyon ng may halong panggigigil.

"Sayang nga eh, mukhang hindi ka makakapunta. Kailan ba magtatapos ang kontrata mo?"

"Apat na buwan pa ang natitira sa kontrata ko. August palang ngayon eh, so by December pa ako makakauwi." sagot ko sakanya.

Di naman na siya nagsalita pagkatapos no'n dahil naging abala ito sa pakikipagchat sa kanyang magiging asawa. Maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Agad siyang nag ayos ng buhok bago nagpasyang sagutin ang tawag. Napailing nalang ako saka napangisi sa inakto ni Grace.

"Hello babe. Gustong gusto na kita makita. Excited na akong maikasal sa'yo." sambit ng lalaki mula sa cellphone ni Grace.

Hindi ko alam pero nang marinig ko ang boses na iyon ay bigla akong napaisip na tawagan din si Ian, ito na ang pagkakataon kong tumawag sakanya at sa pamilya ko pagkatapos ng ilang buwang walang contact sakanila.

I was dialing his number for five consecutive times but no one is answering. Sinubukan ko pang muli na tawagan siya pero wala paring sumasagot kaya nagpasya akong tawagan ang kapatid niya, pero malas ata ako ngayong araw dahil wala akong nakausap kahit isa man lang sakanila dahil pati ang pamilya ko ay hindi rin nasagot ang paulit ulit kong pagtawag.

Nagpasya nalang akong magpaalam kay Grace dahil may bibilhin pa akong damit sa isang Pikachu Boutique dito sa mall at tanging pagtango na lamang ang naisagot niya dahil busy parin ito sa pakikipag usap sa mapapangasawa niya.

When Skies Are GreyWhere stories live. Discover now