Kabanata 4

18 2 0
                                    

Note: Double UD para sa first reader kong kapitbahay. Char.



Kumakain na ako ng lunch nang mag-ingay sa faculty dahil sa tilian ng mga co-teachers ko. I wonder what they're doing. Siguro may mga estudyante nanamang nagliligawan na may kasamang pakulo. Last time kasi ay may isang grade 11 student na nanligaw sa isang grade 10 student ko with tarpaulin, balloons and a bouquet of red roses.

My co-teachers found it sweet but I find it ridiculous and impractical kaya't sinabihan nila akong killjoy at old-fashioned daw ang alam ko sa pagliligawan at maging masaya na lang daw ako para sa mga estudyante namin.

Tumahimik ang tilian nila at doon ko narinig ang isang baritonong boses.

"Is Ms. Isabel Trinidad, here?" agad akong napaayos ng tayo ng unti unti kong maramdaman ang papalapit na yabag at nasamyo ko na ang pamilyar na bango ni Val. Malamang ay pinapasok na ng mga co-teachers ko.

Patay malisya naman ako kahit kita ko na siyang tumigil sa gilid ng desk ko. Tumikhim siya at tsaka ko lang sya nilingon ng may ngiti sa labi, pinagtatakpan ang kaba dahil sa kapilyahang ginawa kanina.

"Oh, Hello there. Anong ginagawa mo dito. Have you eaten your lunch?" magiliw na tanong ko kahit kinakabahan na.

Lumapit siya sakin para humalik sa pisngi at pasimpleng bumulong... "Hindi ko pa nakakalimutan yung kanina, Sabel." His husky voice sent shivers down my spine. Buti na lang nakaupo ako kung hindi ay kanina pa ako bumagsak dahil sa panginginig ng tuhod.

Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti at nag-isip ng paraan kung paano mababaling ang atensyon niya dun sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya dito.

Nakita kong dala niya yung lunch na pinabaon ko sa kanya. "So, hindi ka pa kumakain? Upo ka na, sabayan mo na ako." I tapped the vacant chair beside me and when he sit there, I can see that he is so out of place.

Binuksan niya yung pinabaon ko sa kanya. It is nothing special, just rice, pork adobo, sautéd carrots in butter, and slices of fruits like mine yet he looks so happy. He gave me a thumbs up, like a child satisfied with his momma's cooking.

"Bakit parang ang saya mo eh sobrang simple lang niyan? Akala mo may ginto yung pagkain kung maka-react ka."

"Actually, this is my first time to eat a packed lunch. And I think this is better than any other expensive cuisine. Ang hirap kainin kasi ang cute nung design... may mata pa yung mga fruits." Uminit ang pisngi dahil sa tinuran niya. Agad akong nagsisi kung bakit nilagyan ko pa ng designs yung prutas.

Pinanood ko siyang lantakan yung pagkain at tila sarap na sarap siya. Napabaling pa siya sa akin at iminuwestra ang pagkain kong kakaunti pa lang ang nagagalaw. Kumain ulit ako para sabayan siya. He has a big appetite kaya ang sarap niyang panuorin.

Matapos kumain ay agad din naman siyang nagpaalam dahil sa natanggap na tawag mula sa opisina. Hinatid ko siya sa sasakyan niya at bago sumakay ay niyakap niya ako sabay sabing... "Thank you for the lunch, wife, but be mindful... don't play with fire. Baka hindi mo ako kayanin." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at marahang halik sa noo pagkatapos ay sa labi. "Susunduin kita mamaya." Dagdag pa niya

Hindi nanaman ako nakahuma sa pagkabigla at namalayan ko na lang na humaharurot na paalis ang sasakyan niya. Napahawak ako sa aking labi na tatlong beses ng nadampian ng halik ngayong araw.

"Sino yun, girl?"

"Share naman dyan?"

"Ang bango bango bes at ang gwapo!"

Take Me AwayWhere stories live. Discover now