Kabanata 21

455 19 0
                                    

NAG-PARK si Syke ng sasakyan.

Tumingin sya sa kanan ng mapansing may isa pang sasakyan ang naka-park. Kulay pula ito.

Bumaba sya at pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Sa kusina, may nakita syang isang pigura ng babae na kumakain.

Napansin ng babae ang pagdating ni Syke kaya nag-angat sya ng tingin. Ngumiti at inayang kumain.

"Hey, lil' sis. Haven't eaten yet? Come, let's eat"

Hindi tinanggihan ni Syke ang grasya at umupo sa katapat na upuan.

Tumayo naman si Nadia at nagsalin ng egg noodles sa isa pang bowl para kay Syke.

"Here you go. Eat well"

Ngiti. "Thanks"

Nag-umpisa ang dalawang kumain. Matapos ng sampung minuto, kinolekta ni Nadia ang mga kubyertos at bowl na nagamit para hugasan.

"Nadia, you're friends with Eeya?" Bigla n'yang tanong habang nakasandal sa kitchen island. Kaharap n'ya ang likod ni Nadia.

"Hmm?" anang n'ya sabay banlaw ng mga kutsara. "Yes. If you're asking why, can't I? Gusto ko lang makilala ang babaeng nagugustahan ng kapatid ko"

"But I didn't told you about Eeya. Not even once. How come you knew about her?" medyo nagtatakang tanong ni Syke.

Nadia giggled. "Every time your phone rings, you always waste no time in answering the call. I've became curious so I decided to peek one time. And there I found the name Eeya"

Walang nasagot si Syke. Tiningnan n'ya lang kung pa'nong binalik ni Nadia ang mga hinugasan n'ya sa lalagyan.

"Anything else?" Sumandal din si Nadia sa lababo. Naka-cross ang mga kamay sa dibdib habang may maliit na ngiti.

"No. Nothing. How are you?"

"I'm okay. Everything went fine today, right?"

"I guess" Nagkibit-balikat si Syke.

Ngumiti si Nadia. Lumapit kay Syke at pinulupot ang mga braso sa dibdib. Niyakap n'ya ito at marahang nilagay ang tenga sa pwesto ng puso n'ya.

"You know, nagtataka talaga ako ba't bigla kang nagbago. Well, not necessarily like that, but, you know, you seemed to change for the better. You're not drinking heavy like before. You come home on time and you haven't even sleep with some random girl like you used to do. It's just too sudden and I wondered why." anya, ngumiti. Pinikit ang mga mata. Pinapakiramdaman ang tibok ng puso ng taong kayakap. "Turns out, Eeya happened"

Hindi alam ni Syke kung pa'no sumagot, kaya niyakap n'ya nalang din si Nadia. "Hm, I guess?"

Sinubsob ni Nadia ang sarili sa isa, mahinang bumulong. "What a pain. . . But, if that's what makes you smile, then, okay"

——

Seven days had passed in a blink of an eye.

Sa loob ng pitong araw na 'yun, may mga pagbabagong naganap sa buhay nina Eeya at Syke.

Sa personal man na buhay nila o maski sa romansa, meron.

Hindi man masyadong halata, pero meron talaga. Nahihiya lang silang ipakita.

Setyembre syete, Martes, ala-una ng hapon. Nasa kwarto ni Eeya si Bea.

"Bakit ayaw mo nang sumama? Pumayag ka na diba? Bakit ka pa magba-back out??"

"Ehh. . . feel ko kasi may mangyayari sa bakasyon kuno namin, eh" ani Eeya. Naka-upo sa kama n'ya.

"Anong klaseng mangyayari naman?" Sumubo si Bea ng pancit canton. Naka-indian seat sa upuan, sa tabi ng kama ni Eeya.

Sadistic Love #1: PlatonicWhere stories live. Discover now