Chapter One

36.9K 761 140
                                    

HALE LIAN KARLSON

"Tangina, pangit ba ako.? Dahil babae ako at hindi ko siya magawang bigyan ng anak kaya...kaya... hindi niya ako magawang mahalin.? Kasalanan ko ba.? Kasalanan ko bang babae ako at hindi lalaki.?" nasasaktang sabi ko habang tumutulo ang mainit na likido sa aking pisngi. Humigpit ang pagkakayakap ko kay Lucy habang bumabaon ang aking mukha sa kanyang maputing leeg samantalang siya naman ay hinahagod ako sa aking likuran.

"Hindi ba kapag sa pag-ibig walang pinipili kahit na sa kasarian nito.. kahit nga sa edad ganoon din ang importante nagmamahalan pero bakit ganoon parang abnormal ako sa tingin niya.. bakit pinaparamdam niya sa akin na may nakakahawa akong sakit.? Bakit ba siya ang minahal ko.? Bakit sa isang straight at homophobic pa." Mariin akong napapikit, nang maalala ko ang mga mapapait na nangyari sa akin ~ Ang bawat masasakit na pang-iinsulto galing mismo sa sarili kong asawa.

Ang babaeng pinakasalan ko ay isang straight at kilalang homophobic kaya nga kapag mayroong nag-apply sa company niya na isang miyembro ng rainbow club ay hindi nito tinatanggap. Nadidiri ito kapag mayroong nakikitang same sex na naglalambingan pero akalain mo nga naman dahil pinaglaruan siya ng tadhana dahil sa babae siya kinasal ~ Isang 'arranged marriage' ang nangyari sa case naming dalawa na sobrang ikinagagalit niya dahil hindi siya binigyan ng karapatan piliin ang gusto niyang pakasalan.

Mahal ko si Illyria kaya naman madali sa akin ang magpakasal kaming dalawa dahil noon pa man ay patago ko na siyang minamahal. Naging stalker niya ako noong nasa middle school kami sikat si Illyria at maraming fans ito dahil siya ang Captain ng Cheerleading Team bukod sa matalino ay magaling pa sumayaw. Siya din ang nilalaban sa mga Quiz Bee at wala pa itong napatalong laban kaya nga kahit ang teachers ay bilib na bilib sa kanya at malamang maraming nanliligaw sa kanya kadalasan ay mga sikat din na lalaki gaya ng captain ng basketball team, swimming team pati nga ang soccer team na nakakapagpa init ng dugo ko.

Palihim lang akong nasasaktan tuwing nababalitaan ko na may nagiging boyfriend ito. Wala naman akong lakas na loob makipag kompetensya sa kanila dahil umpisa pa lang talo na ako dahil sa gender ko. Ayoko na nga lang minsan maalaala.

Marahas na nagpakawala ako ng buntong-hininga at tinungga ang natitirang alak sa baso. Tahimik lang siya habang nakikinig sa akin nasanay na ito sa mga drama ko, nagpapasalamat ako na merong lucy sa buhay ko na napagk-kwentuhan ko ng mga hinanakit ko dahil kung sa pamilya ko lang wala namang handang makinig sa akin.

"Madali lang naman magmahal pero ang pakawalan mo yung taong mahal mo ang hirap lalo na yung sakit... Yung sakit dito." umiiyak kong saad habang tinuturo ang puso ko. "Matagal maghilom hindi pwedeng band-aid lang okay na dahil madami pang proseso para tuluyang maghilom ang sugat na dinulot niya. It takes time." pumipiyok kong sambit sa bestfriend ko tinawagan ko kasi ito na kailangan ko ng makakausap agad naman niya akong pinuntahan dito sa bar.

"Sayo na din nanggaling Hale kaya sa ikabubuti niyong dalawa at lalo kana kaya mabuti pang pakawalan mo na si Illyria pareho lang kayong nagkakasakitan dalawa hindi na healthy yan lalo na umpisa pa lang ikaw lang ang nagmamahal. Itong sakit na nararanasan mo pinagtitibay ka nito para sa future kaya mo ng i-handle ang anumang sakit." usal niya habang kumakain ng fries mas gusto niya kasi ang kumain kaysa uminom.

Sa wakas nagsalita na din ito akala ko kailangan ko pang bayaran bawat sasabihin niya. Naiiling nalang ako dahil pati ang inorder kong steak ay nilantakan na nito at ganoon nalang ang pagkamangha ko dahil ang bilis lang niyang inubos.

"H-hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko, Lucy mahal na mahal ko ang asawa ko. Ang hirap pakawalan ang taong nagpapasaya sayo. Tanga ba ako? Kahit na sinasaktan niya ayos lang sa akin basta sa akin pa din siya o sadyang selfish lang na kahit alam kong hindi siya masaya sa akin pinipilit ko pa din ang sarili ko." I said bitterly habang nakatingin sa baso ko tumutulo na naman ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon