one

3 0 0
                                    


Nasobrahan ba ako ng inom kagabi? O baka naman ay tuluyan na akong nilason ni Jennie sa inggit kaya kung anu-ano na itong nangyayari sa panaginip ko? Pero hindi eh, malakas akong binatukan nung isang lalaki kanina, kuya Jaehyun raw, kaya sure akong gising ako.

Pero pakurot nga isa pa. Aray, shoot, masakit. Kung sino man may-ari ng katawan na'to ay napakahaba ng kuko!

"Aurora." Tawag nung katabi ko na nagd-drive.

At least same kami ng name, Aurora middle name ko kaya kahit medyo weird, oks lang.

"Po?" Dahan-dahan kong tugon.

"Baby why so serious?" Tanong niya habang natatawa.

Pakshet ano raw?! Baby? Boyfriend ko ba to? Huhuhu. Live in ba kami?

Medyo nagpa-panic nako kaya biglang akong nakapagsalita. "Ano ba kasi yun?"

Oh God, gusto ko iumpog ulo ko sa bintana ng mabango niyang sasakyan. Malay ko ba kasi kung paano umasta tong nakapalit ko bg katawan?!

"Male-late kami matapos mamaya sa training kaya di kita madadaanan umuwi. Si kuya Jaehyun mo ang susundo sayo, okay? Wag mo paghintayin yun ulit para di ka iwan."

"Uh, okay?" Siguro same lang kami ng campus kaya sila ang hatid-sundo sa akin? Sana same lang din ng parking lot kung saan ako ibaba nitong lalaking to para at least may idea ako saan pupunta mamaya.

"Basta chat mo na lang siya. Late ka rin pala nagising kanina, pinapatanong ni mom if mag-sleepover ka kila Jaem mamaya para sa birthday niya tomorrow."

"Jaem..in? Na Jaemin?"

"Yes, baby, who else?"

Ramdam na ramdam ko yung pagbilis ng takbo ng puso ko pero di ko alam kung dahil ba sa takot, kilig, o kaba. Ano ko si Jaemin dito? Sa totoong buhay kasi ay crush ko siya na kaklase ko at kapitbahay namin, nasa isang circle din kami pero we're not close.

So, August 12 pa lang dito dahil bukas pa raw ang birthday ni Nana samantalang ang huli kong memory ay nagiinuman kami sa condo niya para mag-celebrate.

And mom? Kapatid ko rin ba siya? Bakit puro gwapo?

Ang dami kong tanong, sasabog na ata ulo ko.

"So?"

Ugh, may tanong nga pala siya. "Basta, mag-update na lang ako."

"Fine, baby. Pero let me know agad para mabilihan ko kayo ng condoms."

"What the fuck!" Nahampas ko ang braso niya (shit, ang tigas!) pero di naman siya natinag kakatawa at straight pa rin sa pagd-drive.

Shit ulit, boyfriend ko si Nana!!!

After ng isa pang stop light ay dumating na kami sa campus pero di niya pinasok sa loob ang car at nag-park lang sa labas. Bumaba siya at umikot para pagbuksan ako.

"Kaya ko naman!" Nahihiya kong sabi pero umiling lang siya.

"It's fine, I always do this for you naman. Pasok ka na baby, see you at home." Sabay kiss sa cheeks at yakap na mahigpit.

Nanaginip nga talaga ako ng gising. Grabe ang bango niya! Bakit grabe naman ka-blessed ang taong ito!

"Um, sige na, tumitingin na yung mga tao. Bye naaaaa." Medyo natulak ko siya sa pagmamadali kasi ang dami nang nakatingin sa amin. Ughhh.

Tumawa siya ng mahina at inabot ang phone ko na naiwan sa upuan. "Good luck sa classes baby. Don't forget to chat your kuya Jae. Bye na."

"Oo na, bye na. Alis na." Di na lang ako papasok, maghahanap na lang ako ng mall at magmumuni-muni sa kung anong cafe ang mayroon doon dahil gusto ko talagang manaksak sa frustration.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Green LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon