Part 2

8 4 2
                                    

You're My Victim

¤ ¤ ¤

Part 2 :

New school, New enemy

× ×


Kish POV

"New school, new rule." naiinis na sambit ni Cass.

Paano kasi simula noong tumuntong kami sa college limang beses na kaming na-kick out. Masyado daw kaming matapang.

"Paano na'to baka sa susunod di na tayo matanggap dahil yung Morale Records natin puro masama ang nakasulat tungkol satin." dagdag pa ni Cass.

"Pumunta na lang tayo sa nirekomenda ng dean dito. Malay mo bagay tayo doon," suhestiyon ko.

"Ano bang pangalan ng school?" tanong ni Cass. Si Cass talaga kahit alam ang sagot magtatanong pa.

"Sa Wild Phantom University," sagot ni Thamarra.

"Nag-eexist ba talaga yang ganyang school," kunot noong tanong ni Cass.

"Of course it does darling," nakangiti kong sagot.

"Bukas gora na tayo." excited na sabi ni Cass.

Kinabukasan...

"Eto na ba yon?" naka-kunot noong tanong ni Cass.

"Ata?" hindi siguradong sagot naman ni Thamarra.

"Well, let's find out," naiintriga kong sagot bago pumasok sa loob ng gate.

Medyo corny ang school kasi kapag nasa labas ka hindi mo makikita ang loob dahil masyadong mataas ang mga pader saka sa tagong lugar pa ito itinayo. Nakaka-intriga at nakaka-excite.

"Waaaah," sabay naming sambit habang naka-nganga.

"Masyadong maganda para sirain natin," wala sa sariling sambit ko. Tumango naman ang dalawa.

"Move out!" sigaw ng isang babae. Kaso hindi kami nag-move out eh sa kaka-move in lang namin eh tapos aalis na agad kami.

Nagulat ako ng biglang itulak ng babae si Thamarra. Aalma sana ako kaso hinawakan ni Cass ang kamay ko sabay iling.

------------Flashback:

"Guys ayoko ng ma-kick out ulit. We need to change our rules baka sakaling tumagal pa tayo sa isang school man lang," biglang sabi ni Thamarra habang binabasa ang rules naming tatlo. Sumang-ayon naman kami.

"Rule number 1, be good na," sabi ko naman.

"Rule number 2, still be good," dagdag naman ni Cass.

"Rule number 3, be a good girl," yamot na sagot din ni Thamarra.

"Paano ba maging good?" kamot batok kong tanong.

"Don't be bad," pasimpleng sagot ni Thamarra. Wala na kaming ibang nagawa kaya sumang-ayon na kami ni Cass.

--------End of Flashback------

Tumayo agad si Thamarra. Hindi na kami umimik at naglakad na lang palayo. Kung humabol pa yong babaeng yon, lagot na. Sana humabol nga ng mabugbog ko kaso hindi eh.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob, sinuntok na agad ni Thamarra ang pader ng bago naming kwarto. Hindi na kami magugulat sa style niya. Bagong room bagong suntok kaso this time inulit niya na ikinagulat namin.

"Ba't mo inulit?" takang tanong ko.

"Para sa babae kanina," sagot naman niya.

Bumuntong hininga naman kami ni Cass bago sumuntok sa pader, "Para sa panunulak niya sayo"

"At para sa pagiging good girl natin," sabi naman ni Cass na halatang naiinis na rin.

So, this is where we'll be staying in this university.



* * *

a/n: sorry for the very short update. My mom literally shouted at me coz the moment I woke up, I immediately started typing this part. Pinagalitan niya ako kasi mag-aalmusal na kami kaso mamaya ako nang mamaya. Selpon agad kasi inatupag ko.So I do apologize for this short update. I'll try to make the next part a longer one.

Thank you for understanding and hope you enjoy reading You're My Victim. Lovelots, Risers!!

You're My VictimWhere stories live. Discover now