It's You That I Love

0 0 0
                                    

It's already the day of the month, seven is our signature date kasi yun yung araw na naging kami ni Kyle. It's already our 4th month pero never naman naming cinelebrate ang monthsary namin, why? I can't explain the exact idea why we're not, it's like sapat na binati namin ang isa't isa ng Happy Monthsary. Having us and being together already exlpains it the most. Kumbaga parang hindi na namin kailangan i-celebrate ang monthsary at anniversary kasi we are celebrating our everyday knowing we'll be together till the end of time. Ang corny man kung iisipin ng iba at sobrang boring para naman sa iilan, but it is our choice at may kanya-kanya naman tayong stand sa buhay.

To be honest everything matters to me before. Dapat laging special ang monthsary lalo na yung anniversary, that day should never pass by without happening something special. It's my, our special day. But Kyle made me realize that saying I love you without sweet emojies are okay, not celebrating that much our monthsary and anniversary is okay, sabi niya sakin ang paggising at pagtulog niya na kasama ako is more than enough to be thankful and greatful everyday and that's the sweetest thing I've heared in my entire life.

But not all day is the same as it was. Hindi naman palaging maganda ang panahon at mayroong mga araw na sisikat ito pero malabong matanaw. Hindi palaging tuyo ang lupa at sapatos natin dahil kailangan din nating maranasan ang ulan paminsan-minsan. Katulad ng ng sinabi ko hindi naman araw-araw ay nagkakaintindihan kami ni Kyle at palagi naming mauunawaan agad ang isa't isa. Tao lang din naman kami na natatakot, nasasaktan, nangangamba, natutuwa, at nalulungkot. Hindi naman masamang mapagod paminsan-minsan.

"Ga' samahan mo akong kumain sa baba, please" Bulong ko kay Kyle habang nakapikit ang mga matang nakahiga sa kama. Tinabihan ko ito at niyakap ng mahigpit na tila ba'y naglalambing. I try to give him small kisses at ginawa ang mga pangungulit na palagi kong ginagawa sakanya.

"Hmm..." Tangi niyang sagot sabay harap sa pader. Pero kahit tinalikuran niya ako ay sinubukan ko parin siyang gisingin ng marahan at hinahalikhalikan dahil para bigla siyang mapaupo sabay tingin saakin. "Ano ba?!" May diin niyang sabi saakin dahilan para matuod ako sa aking kinahihigaan. Sa mga puntong iyon ay matagal kaming nagkatitigan at kita ko sa mga mata niya na pati siya ay nagulat sa ginawa niya. Agad kong ikinuyom ang aking mga kamay sabay tapat ng mga ito sa aking dibdib habnag nagpipigil ng mga luha. Dahan-dahan akong gumalaw, bumalikwas ako sabay upo at dahan-dahang tumayo para lumabas ng kwarto. Agad naman ako nitong niyakap. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadya..." Bulong niya saakin habang nakayap mula sa aking likod.

Tango lang ang natatangi kong naisagot sakanya, ni isang salita walang lumabas sa aking bibig at that moment I know I'm going to breakdown. Agad nanlamig ang mga kamay ko sabay ang panginginig ng buo kong katawan at unti-unti na ring bumibigat ang dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga. Sa mga oras na iyon ay marahas kong ipinikit ang aking mga mata habang pinapanatili ang sarili ko ngunit dahil sa sobrang pagkabigla at sama ng loob ay nawalan na ako ng malay.

"Baby... Baby..." Rinig kong sabi ni Kyle habnag marahan akong ginigising. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahilan para makita ko si Kyle na yakap-yakap. Wala akong ibang naramdaman kundi takot at pangamba na baka nauulit nanaman ang nakaraan. I was so scared overthinking everything na unti-unti ko na ulit mararanasan ang lahat ng sakit na inakala ko'y natakasan ko na. I feel so wrong at that moment at walang tumatakbo sa utak ko ng mga oras na iyon kundi sana mali ang lahat ng iniisip ko. "I'm sorry... Okay ka lang? Hmm? Sorry po, hindi ko po sinasadya" Paghingi sakin ng tawad ni Kyle habang hinihimas ang mga pisngi ko sabay yakap ng mahigpit pero nanatali akong tikom ang bibig dahil ano mang oras na binalak kong magsalita ay iiyak lang ako ng iiyak. "Please baby... I'm sorry po" Walang sawang pagso-sorry saakin ni Kyle dahilan para tumulo isa-isa ang mga luha ko na pilit kong kinukubli sa aking mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If you're leaving tomorrow, Just remember the times why we stay (ONGOING)Where stories live. Discover now