CHAPTER 12

381 22 4
                                    

"Delaney! Ano ba?! Ano bang nangyayari sa iyo?!" Sigaw mula sa likod ko. Hindi ko naman ito pinakinggan, tumatakbo pa rin ako hanggang sa mapagod ako at mapaupo sa damuhan.

Hindi ko na alam kung nasaan ako, basta ang alam ko, parte pa rin ito ng hacienda nina Zeil.

"Delaney, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit umiiyak ka na naman?" He call my name, pero sa pagkakataon ito may malambing at mas matamis.

Hindi ko naman s'ya kayang tapunan ng atensyon, dahil alam ko kapag lilingon ako sa kan'ya, ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko ngayon ay mawawala at mapapalitan ng kung anong emosyon at ayaw ko naman iyong mangyari, dahil alam ko mali ito. Mali itong nararamdaman ko sa kan'ya.

She have a girlfriend. Kaya kung maaari dapat ko itong pigilan, kung ano man ang nararamdaman ko.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo." Hindi ko hinawkan ang kamay nya, ang ulo ko na lang ang umiwas sa kamay n-ya.

"Ano na naman ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka na naman tumakbo—"

"Bakit ako tumakbo?" Direkta kong tanong at walang sabi-sabing nilingon s'ya. Agad ko namang nararamdaman ang emosyong pilit kong nilalabanan at kontrolin. "Kasi alam ko s'ya na naman ang kakampihan mo, alam ko girlfriend mo na naman ang kakampihan mo, at hindi ako." Sagot ko at pagkatapos nito agad akong umiwas ng tingin.

Napapikit naman ako ng mga mata at kasabay ng pagpikit ko ang tulo ng mga luha ko. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko, biglang humangin ng malakas na nagsanhi upang tumama sa mukha ko ang iilang mga hibla ng matataas na mga damo.

"B-Bakit ba...bakit ba..." Hindi ko matuloy-tuloy ang dapat kong sasabihin dahil pinipigilan ko ang sarili ko na iparinig sa kan'ya na umiiyak ako. Oo alam kong nakikita n'yang umiiyak ako, pero ayaw ko namang marinig n'yang umiiyak ako. Ayaw ko kasing aluin n'ya ako, kung aaluin man n'ya ako.

"Tama na... tama na." Tama nga ang hinala ko, aaluin nga n'ya ako. He gently leaned my head on his bare shoulder and I let him to that, ngayong nakahilig na ang ulo ko sa balikat n'ya, hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng mga luha.

Sa bawat haplos na ginagawa ni Zeil sa balikat ko, parang mas lalong nadudurog at nababasag ang puso ko, pero kahit alam ko na nasasaktan na ako sa ginagawa nya, pinabayaan ko pa rin s'yang aluin ako at halik-halikan ang tuktok ng ulo ko.

Siguro friendly gesture lang itong mga ipinapakita n'ya sa akin. Mula sa pag-aalala, paghahalik sa pisngi at tuktok ng ulo ko hanggang pagpapangiti sa akin, siguro ako ang may problema sa aming dalawa, dahil sa bawat kilos na ipinapahiwatig n'ya, nilalagyan ko ng malisya.

"B-Bakit ba kayong mga lalaki, ang hilig hilig ng maraming babae? 'Yong tipong kahit may girlfriend na kayo, naghahanap pa rin kayo ng iba?" Nang makasigurado na akong kaya ko ng magsalita, sinabi ko na agad ang gusto kong sabihin kanina. Pagkatapos ko itong sabihin, agad akong umayos ng upo at pinunasan ang mga luhang unti-unti ng natutuyo sa mga mata ko.

"A-Anong pinag sasabi mo Delaney?" The confusion and shock can be seen on Zeil's face, especially in his charming eyes, but he still manage his voice. Hindi n'ya ako tinaasan ng boses o ng isang salita. Kalmado pa rin s'ya, kahit na alam kong nagtataka s'ya.

Napangiti naman ako ng mapait, alam ko kung ano ang nasa isip ni Zeil, nababasa ko ito sa pamamagitan ng kan'yang mga mata, ngunit nagkakamali sya sa kaniyang iniisip. It's not about him, Veronica and me, it's about Camari and his fiancee—Sergie.

Alam ko na ang buong katotohanan. Hindi nga direktang nagloko si Sergie, pero parang ganoon naman ang ipinapakita n'ya, oo alam ko kailangan s'ya ng ex n'ya sa hospital, pero kailangan din naman s'ya ng kaibigan ko, ng fiancee nya. Kaya ngayon, umalis na naman si Camari. S'ya na naman ang nag paraya. S'ya na lang palagi. She went abroad just to forget. Camari had just returned from Italy, and now she's leaving again. Palagi na lang s'yang umaalis, para lang makalikot, naaawa na ako sa kaibigan ko.

Flame Of Affection (Rich Girls Series #3)Where stories live. Discover now