Part 49

14 3 0
                                    

Nalingat


Hindi nagdalawang salita si Mrs. Costales at umalis si Sid ng makapagpaalam.

Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko ng maiwan kami ng nanay ni Aldrien. Pagkapasok namin ng bahay, pinaupo ko siya sa tanggapan at tahimik niyang tinungo 'yon.

"Gusto po ninyo ng kape, o kahit anong maiinom?" alok ko ng mahimasmasan.

Nakikita ko na siya noon tuwing dumadalaw siya sa bahay ni Aldrien, ipinakilala na rin ako ni Aldrien sa kanilang mag-asawa at alam kong mabait silang dalawa.

Kaya lang ngayong alam kong may hindi pagkakaintindihan sa naging tagpo kanina, hindi ko maiwasang hindi kabahan at maging aligaga sa pakikitungo sa kanya.

Ang alam niya ay engage ako sa anak niya. Hindi niya alam ang katauhan ni Aldrien, kaya nag-aalala akong maging iba ang tingin niya sakin.

Walang magandang paliwanag ang natagpuan niya kanina dito sa apartment ko pagbukas ng pintuan. Si Sid lang at ako ang nabungaran niya at hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag sa kanyang wala akong ginagawang masama ng hindi siya magdududa.

Hindi ako tanga at alam ko ang kadalasang takbo ng isip ng tao. Madali silang nakakabuo ng konklusyon wala pa man ang paliwanag rito.

"Okay na ang tubig." mababa niyang tugon.

Tumango ako at agad tinungo ang kusina. Pinagsalin siya ng tubig habang nanginginig ang kamay ko at agad ring bumalik sa kanya pagkatapos.

Nang maipatong ang baso, naupo ako sa harapan niya at hinintay ang maaari niyang sabihin.

Mauunawaan ko kung pag-iisipan niya ako ng masama ngunit pipilitin kong ipagtanggol ang sarili ko. Isa pa talaga namang wala akong ginagawang masama, may relasyon man kami ng anak niya o wala.

Huminga siya ng malalim, ako nama'y nanatiling nakaantabay sa kanyang sasabihin.

"How are you?"

Nagulat ako sa lamyos ng tono ng boses niya ngayon.

Ang inaasahan ko, susuatan niya ako sa nadatnan dito sa bahay. Susumbatan at ipamumukhang mali ang ginagawa ko gayong engage ako sa anak nila sa pagkakaalam nilang pamilya.

"M-maayos naman po." nginig kong tugon.

Hindi ko alam bakit hindi ako mapanatag gayong maayos naman ang tungo niya?

Malungkot siyang ngumiti. Kumirot ang puso ko.

Sa saglit na panahong pagkakakilala ko sa kanilang mag-asawa, maayos ang pakitungo nila sa akin kahit ipanakilala  ako ni Aldrien bilag girlfriend at may dalang anak. Hindi nila ako pinakitaan ng kung anong hindi kanais-nais, kaya nalulungkot akong tinitingnan niya ako ng malungkot na mga mata.

"K-kayo po, kumusta?" dagdag ko sa tugon kanina,

Namula ang mga mata niya at may namuong luha. Muling pumitik ang puso ko.

Anong problema?

"I'm not fine." she tried to smile. "I think I wouldn't be fine."

Nagdugtong ang kilay ko sa kalituhan. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Tumulo ang luha niya, agad niyang sinalo 'yon ng kanang kamay.

Maging ako naluluha sa nakikita.

"I came to talk to you, to beg on you rather."

Umawang ang labi ko sa gulat.

"I've learned my son's condition. Bakit hindi ninyo sinabi sa akin? Kung hindi pa ako tinawagan ng doktor."

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now