PART 22

2.1K 74 10
                                    

JEMA:

hoy best ano yun..si kyla nung makaalis na ang anak ko at si deans,,after 7years nalaman ko din yung pangalan niya jusko,,nagkaanak na kamet lahat ngayon ko lang nalaman kung anong buong pangalan niya...

totoo bang siya yung tatay ni jedean jems..si tots kaya tumango ako..

mamaya na tayo magkwentuhan sumunod na muna tayo sakanila..seryosong sabi ko kaya tumango sila...kay kyla ako sumabay si tots naman may sariling sasakyan..

anong plano mo best..seryosong tanong ni kyla kaya napabuntong hininga ako,,hindi ko alam,,sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko,,kung anong dapat kung gawin,,kanina ko lang nakita na ganun kasaya ang anak ko..

hindi ko alam best..hindi ko alam kung anong dapat kung gawin,,ngayong nagpakilala na siya kay jedean sigurado ako mas lalo siyang hahanap hanapin ng anak ko..seryosong sabi ko kaya napatingin siya sakin ng saglit dahil ng didrive siya..

edi mag usap kayo best,,pag usapan niyo kung ano bang tamang gawin,,saka tingin ko naman mabuti siyang tao,,best ngayon ko lang nakitang ganon kasaya si jedean..seryoso paring sabi niya,,marunong din palang magseryoso tong bruhang to akala ko puro pang aasar lang ang alam..

yun na nga best ngayong kilala na niya ang papa niya alam kong hindi yun papayag na hindi niya makasama,,alam mo namang matagal na niyang hinahanap at tinatanong sakin tungkol sa papa niya..pero best isa lang kinatatakot ko,,pano kung hindi kame magkasundo?pano kung ilaban niya yung karapatan niya sa anak ko..pano kung ilayo niya sakin si jedean..seryosong tanong ko pero mabilis umiling tong best friend ko...

sa tingin ko best wala naman sa itsura niya yung ganon..hindi ko man siya kilala talaga pero kanina kitang kita ko kung pano niya alagaan ang anak niyo,,at ikaw kung pano ka niya tingnan...malay mo naman balak talaga niya kayong balikan para maging isang buong pamilya diba..mahabang paliwanag niya kaya napabuntong hininga ako,,

bakit ngayon lang best,,7years na yung nakalipas..sagot ko sakto namang nandito na kame sa restaurant na sinabi niya..

siya lang makakasagot niyang best..ang magagawa mo lang intindihin lahat ng paliwanag na niya,,at nasasayo na yung kung pakikinggan at paniniwalaan mo siya..huling sinabi niya bago kame bumaba ng kotse..pagpasok namin ng restaurant may sumalubong sameng waiter..

kayo po ba si mrs.wong..tanong niya kaya nagkatinginan kame ni kyla..mrs wong?may asawa na siya..

ah sorry sir hindi po..mabilis na sagot ko kaya kumanot siya ng ulo..

maam sigurado po ako kayo yun..kasi po sabi ni boss d kayo yung susunod sakanila,,tama po siya tatlo kayo,,saka pinaclose po ni boss tong resto exclusive daw po para sa mag ina niya..napangisi naman si kyla sa narinig niya,,mang aasar na naman to,,pero nasan si jedean.

ehemm mrs.wong pala ha..hindi kana pala ms.galanza best bakit hindi ako na inform..ngising sabi niya kaya nahampas ko sa braso sabi na eh mang aasar na naman to..

sige po maam/sir akyat na po kayo sa second floor nandun na po sila boss at ang anak niyo..nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako at nagpasalamat..mrs wong ha?kelan pa..

mrs jessica margarett galanza wong..ai bongga best bagay haha..pang aasar ng bestfriend ko at nung hahampasin ko siya mabilis siyang nagtago sa likod ni tots..hhmm kanina pa tahimik tong mokong na to..

WHY IT CAN'T BEWhere stories live. Discover now