2

4 2 0
                                    


Habang nagbibihis sa aking sariling silid,  nakakita ko ang poulí o isang ibong pasilip-silip sa bintana at waring may hinahanap. "Hermia?" Tawag ko ng makita ang kulay dilaw na ibon na nakatalikod na mula sa bintana. Pinagkabuksan ko naman ito at agad  naman siyang pumasok. Dali-dali ring nag bago ang anyo nito bilang isang tao. 

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong habang humahanap ng pang itaas na damit sa aking aparador katabi ng bintana. 

Gabi na at ipinag babawal na gumala sa dis-oras ng gabi, ngunit kung si Hermia ang pinapunta rito, siguro ay may dahilan ito lalo na't 'di maaaring pumunta ang mga babae sa dormitoryo ng mga lalake. "Nabalitaan ko ang nangyari... Nasaan na ang bata? Totoo ba wind, na ikaw ang ama ng bata?" Sabi nito habang nanunuri at nag bibigay ng masamang tingin.

Halos ma pa hilamos ako ng muka sa narinig. "Hindi." Tangi kong sagot. Maaring gawa ng kapangyarihan nitong malaman ang kung ano mang impormasyon nais nitong matuklasan sa pamamagitan ng pagtingin at pakikiramdam sa isang nabubuhay o kaya ay mga bagay-bagay kaya namalan niya ang nangyari kanina.

"Biro lang, wag ka nang masyadong siryoso kaya halos lahat ng kababaihan ay takot saiyo. May ipinautos saakin si Manang Eliz at kailangan nating puntahan ang palasyo sa kabilang dako ng bayan dahil sa may kung anong sakuna ang nangyayari roon." Sabi nito ngunit humilata parin sa aking kama.

"Akala ko ba aalis tayo."

"Arghhh, kayo nalang ni Fire! Taga paghatid lang ako ng balita!" 

Ngunit sayo ito inutos hindi samin, nais ko pa sana itong sambitin ngunit wala akong panahon upang mag aksaya ng bagay na walang patutunguhan. Wala naman siyang nagawa nang nauna nakong umalis. Hindi niya rin naman nanaaising makulong sa isang kwarto. 

Kumatok naman ako sa pintuan ng silid ni Fire upang siya ay bulabugin, malamang ay kay sarap nitong matulog sa ganitong oras. "Anong meron?" Tanong nito matapos buksan ang pinto at sabay tingin sa kasama ko. Makita niya palang si Mia ay  nag iba na ang timpla ng kanyang muka. "Pakiusap lang, hindi pa sumisilip ang araw! Magpatulog naman kayo!"

Wala rin siyang nagawa nang hinila na siya ni Mia. Kadalasan ay kami kami lang ang lumalabas ng palasyo para sa mga misyong inaatas sa amin mula sa ibang bayan. Mayroong kanya kanyang nakaatas na misyon ang bawat estudyante naisin man nila o hindi.

"Huwag kanang mag reklamo! Wala ka nangang naidulot na maganda kapag kasama ka namin." pang iinis pa ni Mia kay Fire. 

"Edi dapat 'di niyo nako sinasama!" Walang katapusang angal nito.

Nauna nako sa kanila dahil malamang sa malamang ay mag babangayan pa muna sila bago mapansing wala na ako sa kanilang tabi.

Nadaanan panamin ang ibang kawal at hindi naman kami sinita, kadalasan sa mga istudyante dito sa palasyo ay hindi hinahayaang gumala o lumabas sa mga ganitong oras dahil sa patakarang ipina tupad. Kilala narin kami ng mga  frourá 'di lamang dahil sa lagi kaming lumalabas pero dahil sa ipinapaalam narin sakanila ng punong guro ang mga misyong kailangan naming gampanan.

CLANG!

Agad kaming napatigil nang may mahulog na isang vázo o isang plorera sa may lamesang 'di kalayuan sa amin. Pinigilan ko si Fire ng sinubukan niya itong lapitan habang tinatangal ang kanyang gántia, mahirap na't baka makapinsala pa ito at baka maging abo ang buong palasyo. Hindi sa walang tiwala, ngunit hindi pa ganoong ka gamay ni Fire ang kanyang kapangyarihan kaya minsan na nitong nasunog ang kalahating pasilyo ng palasyo. Gamit ang aking kapangyarihan ay pinakiramdaman ko ang paligid upang matukoy kung mayroong bang sumusunod sa amin at ng makumpirma ay agad ko itong tinangalan ng hangin kaya agaran din itong napalabas.

Isang babaeng may kulay puti at mahaba ang buhok ang bumungad sa amin. Kita sa kanyang muka ang pamimilipit dahil sa kakulangan ng hangin. Agad ko naman binawi ang aking kapangyarihan upang siya'y muling makahinga. "Mag paliwanag." utos ko. 

Nang makabawi sa hininga ay agad itong tumayo at diretyong tumingin sa akin. Kapansin pansin ang kulay kristal nitong mata. Wala itong sinabi ngunit bakas sa mga muka nito ang purong pangamba at kalituhan. Muli sana akong magsasalita ng may mga frourá ang dumating kaya doon napirmi ang aming atensyon.

"Anong nangyayari dito?" unang tanong nito.

"May isang babaeng mag aaral ang pumuslit rito sa dormitoryo," turo ni Fire ngunit laking gulat nito ng bigla itong nawala. Maging ako man ay nagulat. "Nandoon lang siya kanina, eh?"

Wala na akong maramdamang presensya ng ibang tao o elemento maliban sa amin. Maaring agad-agad itong nakalayo. Nag daan pa ang ilang minuto ng matapos ang aming usapan mula sa mga guardiya, waring 'di pa naniniwala sa akusasyon ni Fire mula sa babae kaninang nakabasag ng plorera, kaya't agad narin kaming umalis dahil mayroon pa kaming pupuntahan.

"Naniniwala ba kayo sa multo? Ibig kong sabihin, 'di naman malabo iyon gawa't may iba't iba tayong kapangyarihan ngunit ang babae kanina ay ni minsan 'di ko pa nakita." Pag kukwento ni Fire habang kami ay nag lalakbay sa may kagubatan. 

Base sa aking pagkakakilala sa aking kaibigan, halos kabisa na nito ang mga babae sa palasyo dahil kilala rin siya bilang isang babaero. Minsan pa nga itong nasuspende dahil sa kalokohan nito.

"Ngunit kung papansinin siya palang ata pinaka magandang babaeng nakita ko sa palasyo." Muli nitong pag papantasya. Napansin kong nakatulugan na ni Mia ang kadaldalan ni Fire habang nakapatong sa balikat nito. Nag anyo itong poulí upang hindi mag lakad, kadalasan nitong ginagawa tuwing kami ay nag lalakbay.

Sumisilay na ang umaga't nasa kalagitnaan parin kami ng kakahuyan. 'Di alintana ang mga posibleng mangyari. "Mag pahinga muna tayo." sabi ko't 'saka sumandal at umupo sa may tabi ng déntro.

'Di naman umimik si Fire habang nakatingin ito sa malayong parte ng kagubatan. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo upang makita ang tinitignan nito nang bigla akong pinigilan ni Hermia na nag anyong tao na pala.

"Mga moúmia." tanging sabi nito at hindi mapakali. Kinailangan ko pang suntukin si Fire upang mag balik tanaw ito sa realidad, nagtataka pa ito bakit ko iyon ginawa ngunit wala na kaming panahon upang magpaliwanag ng makarinig kami ng sunod-sunod na sigaw mula sa malayo. Sigaw ni kamatayan.

"Kailangan na nating umalis."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HAPPINESS: The Lost HOPEWhere stories live. Discover now