Before It Sinks In

6 1 0
                                    

Warning: Not proof read.
Book cover by xelbeartrio

Thank you. 😘
Happy reading!

Cheers~

_°-°_

-THE START-

Nakatingin lang ako sa kanya.

Hindi ko na rin pinansin ang nakakalat na ilang bote ng alak sa sahig, pati na rin ang mga maruruming damit at ilang mga pinagkainan sa working table niya.

Mugto na naman ang mga mata habang yakap ang unan ko.
Nakatulog na naman siguro 'to kakaiyak.

Napatingin ako sa kalendaryo at napabuntong-hininga na lang nang makita kung anong araw ngayon.

"Oo nga pala." Bulong ko.

Naglakad ako palapit sa kanya, nang makalapit ay maingat kong hinaplos ang malambot n'yang pisngi.

"Gising na, Steven." Bulong ko sa kanya.

Parang narinig niya ako nang unti-unting nagmulat ang mga mata niya.
At dumeretso sa'kin.
O akala ko lang 'yon dahil mabilis din niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon kasabay ng pagtihaya niya ng higa.

I sighed.
"Stand up now, hindi ba may pupuntahan pa tayo? Sasama ako."

Tahimik lang ito habang nakatitig sa kawalan, pagkatapos ay bubuntong-hininga.
"Mace." He uttered.
Ngumiti ako ng tipid. "Sige na, bangon ka na."

Tumayo na ito at dumeretso sa CR. Lumabas naman ako ng kwarto niya at pumunta ng kusina.
Nakita ko ang mga pagkain na may takip sa ibabaw ng island counter.
Pumunta na naman siguro dito si Tita para ipagluto si Steven.

"Bakit kasi ang tamad mong magluto ng pagkain? 'Di ba sabi ko sa'yo, mas okay ang pagkain ka'pag ikaw mismo ang magluluto kesa sa fastfood?" Sabi ko habang tahimik lang niyang kinakain ang luto ni Tita.

Nakatayo naman ako sa harapan niya.

"Akala ko ba ayaw mong naabala ang Mommy mo? Ikaw talaga." Pabirong ingos ko.

Natigil naman ito saglit sa pagkain at nag-angat ng tingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at nag-angat ng kamay para sana haplusin ang pisngi niya, pero tumayo na ito at niligpit ang pinagkainan.

"Maligo ka na, hihintayin kita sa sala, okay?" Ang sabi ko dito nang walang salita niya akong tinalikuran at naglakad pabalik ng kwarto.

Mahigit 30 minutes na ang nakalipas ay hindi pa rin lumalabas si Steven sa kwarto niya kaya napagpasyahan kong pumasok na rin.

Sa CR ako dumeretso at akmang kakatok na, kahit na alam ko'ng hindi rin naman niya maririnig, nang makarinig ako ng mahinang pag-iyak.

Napabuntong-hininga ako at tahimik na naupo sa kama.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin si Steven na naka-pants na pero wala pang suot na pang-itaas.
Mugto pa rin ang mga mata.
Bakas ang galit, lungkot at sakit sa mga mata niya.

Nagpunta ito sa tapat ng cabinet at akmang bubuksan na ito nang nilingon niya ako.

Lumambot ang tingin nito sa akin. O sa direksyon ko.
Alam ko kung ano ang tinitingnan niya pero magpapanggap na lang ako na ako pa rin ang nakikita niya.

"Hindi ko kayang makita ka." He uttered with so much pain and sadness in every word.

I sighed.
"Kaya mo, Steven. It's been a year.. one long year, don't you think it's too long enough?"

Before It Sinks InWhere stories live. Discover now