5. Lipstik

5.2K 94 3
                                    

a / n: Please read the important note at the end of this chapter. Thank you. Enjoy reading.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


AUBREY'S POV

"G*ga ka talagang babae ka! Letse ka! Halika rito ng makalbo kita!"

"Hwaaaah! Bestsis naman,e. Hindi ka na mabiro. Hindi mo man lang ba ko naboses-an. O,sadyang nakalimutan mo na ako.Hmmmp!" sabi ni Ria.

"Hitsura mo, panot! G*ga ka pala,e. Malay ko bang nakauwi ka na galing Canada. At sino ba ang may sabing i-prank call mo ako. Ikaw nga 'tong may kasalanan sa'kin. Umalis ka hindi ka man lang nag paalam." sabi ko na may pagtatampo.

Umalis kasi si Ria after ng kasal namin ni tanda. Reason? Because of Kurtney. Kinukuha na siya ng biological mother niya. Which is Sarah. Remember, classmate namin ni bestsis.

Sino bang matinong babae ang iiwan ang anak sa basurahan?

Oo, iniwan niya ito. Mabuti na lamang at napadaan kami noon ni Ria sa tambakan ng basura malapit sa school.

*Flashback*

"Bestsis iyak nang sanggol iyon 'di ba?" tanong ni Ria habang nag lalakad kami pauwi.

"Naku! Umiiral na naman 'yang hallucinations mo. Pwede ba Ria! Pa'no mag kakaron ng bata rito sa lugar na ito?"

Maglalakad na sana kami palayo nang makarinig kami ng iyak ng sanggol.

"Hala! May baby nga, bestsis tignan mo nandito siya sa loob ng malaking bag. Anong gagawin natin?" tanong niya at kinuha na ang baby mula sa malaking bag.

*End of flashback*

Mag mula ng araw na iyon ay lagi kaming pumupunta sa police station malapit sa aming lugar. Para alamin kung nahanap na nila ang magulang ng bata.

Pero bigo kami sa paghahanap, magaling magtago ang walang kwentang magulang na iyon. Nag pasya kaming alagaan ang bata. Salit salitan kami ni bestsis sa pag-aalaga.

Mas malapit ang loob ng bata noon kay Ria. Kaya makalipas ang tatlong taon nagpasya siyang i-adapt ito. Gawing legal ang pagiging Ina nito sa bata. Hindi ko na alam kung paano
o anong proseso ang naganap, gawa nang mangyari ang aksidenteng kinasangkutan ko noon, na naging dahilan ng pagkakaroon ko ng amnesia.

Kung saan hindi ko maalala ang ilan sa mga pangyayari sa buhay ko.

"Bestsis magaling ba ako pag dating sa pag-arte. Napaniwala kita. Hahaha!" isinubo ko sa kanya ang isang piraso ng karne ng manok na nasa pinggan ko.

"Kumain ka na nga lang. Nasaan na ang mga pasalubong mo? Dapat mayroon din ang kambal,a. Dahil kung hindi---" tinakpan niya ang bibig ko ng kaliwa niyang kamay.

"Oo na alam ko na 'yan. P'wede ba kanina ka pa dada nang dada e. Bukas pupunta ako sa bahay niyo. Kasama si Kurtney para i-abot ang mga pasalubong ko para sa inaanak ko. Pero sa ngayon, enjoy the night muna, okay? Baka sakaling madagdagan ang inaanak ko next year," sabi niya at humalakhak ng mapang-asar.

Natapos ang gabing iyon nang marami akong nakikilalang mga katrabaho ni tanda. Sabi nila kilala nila ako noon pa man. Dahil proud ang mga biyenan ko sa'kin. Lagi nila akong naii-kwento sa mga private meetings Sister company kasi ito ng kompanya ni Daddy. Hindi ko alam kung paano napapatakbo ni tanda ang kompanyang ito. Kaya minsan ay nakakapagtampo na rin. Nauubos ang oras niya sa pag ta-trabaho. Kaunti na lang ang natitira para sa amin ng mga anak niya. Lalo pa kaya kapag ibinigay na ni Daddy sa kanya ang pamamahala ng kompanya namin.

A life with an old Man [COMPLETED]Where stories live. Discover now