2

3 1 0
                                    


"Good luck sa first day mo, anak. Galingan mo! Go, Sofia!" pagchicheer sa akin ni Daddy.

Nakangiting niyakap ko siya bago lumabas sa kotse. Papasok pa siya sa trabaho kaya hindi siya pwedeng magtagal o ma-late. Ganoon din ako. Kumaway pa ako kay Daddy bago maglakad palapit sa napakalaking gate.

Tumigil ako sa harap ng gate at pinagmasdan ang harapan ng school. Ang ilang estudyante ay nakatingin sa akin, tumitigil ang iba at pinagbubulungan ako. Pero hindi ko sila tiningnan o pinansin. Wala naman sigurong masama sa suot kong plain shirt, denim jacket at jeans?

Wala pa akong uniform kaya ito muna ang outfit ko ngayon.

Ilang segundo akong nakatayo lang bago magpatuloy sa paglalakad. Naglakad ako sa hallway na papunta sa head office kung saan ako unang pupunta ngayon, ito ang nabasa ko sa mail na ipinadala sa akin. Hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok nang makita ang malaking pinto na may sign board sa taas. Nakaupo ang Head Mistress at may isang estudyante ang nakaupo sa harapan niya.

"Please be seated, Miss Sofia Titan." nakangiting sabi niya bago muling tumingin sa kausap niya. "Lilee, ichecheck ko ang form of application mo mamaya. Good luck." nakangiting sabi ng head mistress.

Naupo ako sa harap ng babae na tinawag niyang Lilee. Napakalapad ng ngiti nito. "Good, Head Mistress." masigla niyang sabi bago tumayo.

I can feel something very unusual with the girl.

"Para saan po ang application na pinag-uusapan niyo?" curious na tanong ko sa head mistress bago bumaling ng tingin sa babaeng si Lilee.

"Excuse me? Bakit ka nakikialam? Nag-uusap pa kami! Sino ka---"

"Lilee, it's okay. Transferee siya at makakasama niyo siya sa section niyo. Anyway, Sofia, ang ipinasa niyang form ay para sa application bilang president ng Senior Student Council next school year. Walang ibang gustong tumakbo kaya si Lilee na ang magiging president pero kailangan pa rin ng application form for formality." paliwanag niya sa akin.

"That's right. Ako lang ang deserving sa position na 'yon---" pagyayabang ni Lilee na agad kong pinutol. I smirked and cut off her words.

"Anong requirements po ang kailangan para sa pagiging president? Gusto ko rin pong kumandidato para sa senior students, if qualified ako." seryoso kong sabi sa head mistress. Nakita ko ang pagkaamazed niya. Napatingin ako kay Lilee, halata sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Mukhang naiinis na siya.

Wala naman akong balak na sumali, hindi ko rin alam kung bakit ako nagpresinta. Pero mukha namang masaya 'to.

"Y-yes, of course," bahagyang yumuko ang head mistress at may kinuha sa drawer sa ilalim ng table niya. May ibinigay siyang papel sa akin, application form. Ibinigay din niya ang ID ko. "Sagutan mo lang ang mga questionaire na nakalagay dyan. Then pass it to me as soon as possible para macheck ko kaagad---"

"Head Mistress! You can't do this to me!!" reklamo ni Lilee gamit ang sobrang arte niyang boses.

Palihim akong napangiti dahil sa inis at tuwa. What a spoiled brat?

"Well, Lilee. This is fair enough for the both of you. Besides, this must be challenging. Kayo ang pipili ng team mates niyo. We will have election by the end of second sem. And since magkaklase naman kayo, Lilee, I appoint you to take Sofia with you."

"No! There's no way I am going to walk with this dirty beggar, Head Mistress." reklamo niya bago tumayo. Humarap siya sa akin bago muling nagsalita. "Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo, right?" sarkastiko niyang sabi sa akin bago nagmamadali lumabas. Narinig ko ang mahinang pagbulong ng head mistress kaya naman humarap ulit ako sa kanya.

"Kaya ko na pong pumunta sa classroom mag-isa. Maraming salamat po, head mistress." nakangiting paalam ko bago umalis.

Isinuot ko ang ID lace ko habang naglalakad sa hallway. Nakita ko na marami pa rin ang estudyante sa paligid. Naglakad ako ng taas noo at hindi pinansin ang kakaiba nilang tingin.

Oo, alam kong newbie lang ako. Wala akong chance manalo lalo na kung ang standards ng estudyante ay ang pagiging spoiled brat. Hindi rin naman nila ako kilala. Hindi pa. Sisiguraduhin kong magiging masaya at memorable ang school year ko dito.

"Hi, miss..." napansin ko na tumingin ang lalaki, na nasa harapan ko, sa ID na suot ko, "Miss Sofia. Bago ka dito sa school, tama? Ngayon lang kita nakita. Alam mo na ba kung saan ang classroom mo?"

"Hindi." tipid kong tugon sa kanya. Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Pero kung hindi ako magsasalita, hindi ako makakasurvive sa first day ko. Dapat pumunta na lang siguro ako sa faculty room para sumabay sa teacher ng una kong klase. Pero malayo na ako sa room na iyon.

I observed the presence of the guy. His name plate says Calix as his name but I don't like his presence at all.

"Pwede ko bang icheck ang ID mo?" binigyan niya ako ng kakaibang tingin na hindi ko nagustuhan.

"Hindi." tipid kong sabi bago siya lampasan.

Narinig ko ang malakas na kantyawan ng mga lalaki sa likuran ko. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula nang maghanap. Napatigil ako ng makita ang isang screen monitor sa tabi ng malaking bulletin board na nakasabit sa hallway kung nasaan ako.

Tumingin ako sa screen kung saan nakalagay ang picture ko. Iyon din ang kaparehang litrato ng nakalagay sa ID ko.

Lilee Gregas vs. Sofia Titan
Running for President of Senior Student Council
Vote wisely!

Napailing ako dahil sa nabasa ko. Ang bilis naman nilang gawin 'yon. Wala pa nga akong application form. Kung sa bagay, baka naman for formality lang 'yon. Nagpatuloy akong maglakad ng may biglang kumapit sa braso ko.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa tao na nasa tabi ko.

"Hi, Sofia! Hindi pa tayo magkakilala pero sa tingin ko, gusto na kita!" masaya niyang sabi. Kinilabutan ako dahil sa sinabi at ginawa niya. Pinilit ko pang ilayo ang aking tainga mula sa bibig niya. Tinanggal ko ang braso niya sa akin at tiningnan siya ng diresto. "Ako nga pala si Ullah. Nacheck ko na ang background mo, well, lahat siguro kami dito nagawa na 'yon--"

"Ano? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko.

They checked my background? Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Kasi naman! Ikaw lang ang may lakas ng loob na kalabanin si Lilee Gregas! Ngayon lang nangyari 'yon! Ever since elementary, Lilee and I were on the same class. I don't know kung tumatakbo ka as president for personal or different agenda but the point is, you will be the crowd's favorite! Halos lahat kami ayaw sa ugali ni Lilee kaya naman ikaw ang iboboto namin." paliwanag niya na kahit siya ay hiningal dahil ang bilis niya magsalita.

"Kung ayaw niyo sa kaniya, bakit hindi kayo ang maging leader o kaya naman huwag niyo siyang iboto?"

"Nakikinig ka ba? 'Di ba ang sabi ko, wala ng iba pa ang may lakas ng loob ng kumandidato. Kahit sa ibang school activities, o group projects, kapag si Lilee ang kalaban, hindi na kami makagalaw. Marami kaming susuporta sa'yo, Sofia. Ikaw ang pag-asa namin..."

***
Resacoya
***
Happy reading!

DIFFERENTWhere stories live. Discover now