|Prologue|

470 63 67
                                    



"Paano ngayon yan Pa? college na ang anak mo sa pasukan, saan tayo kukuha ng pambayad ng matrikula niya? tapos dalawang taon nalang mag hhigh-school na si Alexa, hindi na sapat yung kinikita natin para pang-tustus ng mga matrikula ng mga anak mo."

"Hayaan mo Mang, bukas na bukas maghahanap ako ng iba pa mapagkakakitaan, wag mo lang masyadong isipin ang problema natin, magagawan din natin ng paraan niyan, sa ngayon matulog na muna tayo."

Mula sa nakaawang na pinto ay rinig na rinig ni Alice ang usapan ng mga magulang niya, nalungkot siya at naawa sa mga narinig niya, kahit minsan hindi niya narinig ito nag-away ng dahil sa pera, kapag may problema silang pamilya ay mahinahon sila nag-uusap-usap at agad na sinosolusyunan ang problema sobrang napakasipag ng mga magulang niya pero kahit ganun kinakapus pa rin sila ng pera.

Dalawa lang naman sila magkapatid siya ang panganay at bunso nila si Alexa.

Isang tendera ng isda sa palengke si Aling Ising ang Mama ni Alice tapos si Mang Alfredo naman ay isang driver ng pamasadang jeep.

Okay naman ang simply pamumuhay nila kaya nga lang habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang pangangailangan nila ng pera.

Kaya naman bilang panganay ay may naisip na paraan si Alice para kahit papaano ay matulongan ang mga magulang niya.

Kaya bukas na bukas din ay kakausapin niya ang mag ito.



––
——

All Rights Reserved

This book is a work of fiction, any resemblance to person living or dead or places or events is purely coincidental. The characters are production of the authors imagination and used fictitiously.

Copyright© 2017

I KNEW YOU WERE TROUBLE  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon