Chapter 6

2.1K 119 12
                                    

Mau Benedicto

"Okay na ba yan, Miss Mau? Or kaunti pa?"

"Okay na 'to" ngiti ko sa make-up artist ko.

Nandito ako sa Batangas para sa promotional at poster shoot ng pelikula kung saan magka-trabaho kami ni Vic.

Bale dalawang araw lang naman kami mamamalagi dito sa beach house na nirentahan ng production. Para sa araw na ito ang poster shoot habang bukas naman ay ang promotional kung saan halos video ang kukuhanan saamin.

Dalawa ang klase ng damit na aming susuotin: isa na formal wear at isang summer wear.

"Mau, pagkatapos niyo daw pong ayusan ay puntahan niyo daw po si Direk" silip ng isang staff sa aking kwarto.

"Okay sige. Maraming salamat" ngiti ko naman dito.

Nang matapos akong ayusan ay kaagad akong pumunta sa tent kung saan nandoon si Direk.

"Mau! I want you to meet Mayor Galvez" pagpapakilala nito sa lalaki na nakatayo katabi ni Vic.

"Good morning po" ngiti ko dito at tinanggap ang kamay na kaniyang iniabot. "Thank you po for accommodating us" dagdag kong wika.

"I'm sure this movie will be a success! At hindi ako nag-dalawang isip na suportahan kayo lalo na nandito si Vic" ngiti nito sa kaniyang katabi na may hawak na isang bouquet of tulips.

Si Mayor Galvez ang namumuno dito sa lugar na ito. Isa din siya sa mga nag-sponsor ng aming pelikula dahil siya pala ay kaibigan ni Direk at ni Vic mismo.

"Paano, mauuna na ako. I just checked if all of you are settled na. Enjoy & good luck!" ngiti nitong lahat saamin. Bago ito hinatid sa kaniyang sasakyan ay nagpaabot muna kami ng pasasalamat.

Nang makabalik si Vic at Direk ay sinimulan na namin ang aming photoshoot. Bale tatlong lay-out ang aming kinuhanan kaya inabot kami ng halos magga-gabi na.

Nang maghapunan ay sabay-sabay kaming kumain sa pinaka main villa ng lugar. Mararamdaman mo ang pagod ng lahat pero napaka-ingay padin dahil sa kwentuhan. Nagka-asaran na manliligaw pala ni Vic si Mayor Galvez.

"Diba when we were in college nililigawan kana 'non?" panunukso ni Direk dito.

"Yes" Vic laughed.

"Bakit hindi mo sinagot?" Rinig kong tanong ng isang AD sakanya.

Ngumiti ito bago sumagot, "he became a good friend of mine naman"

Nasa may kitchen ako at umiinom ng tubig nang marinig kong may magsalita sa likuran ko.

"Nakakain kaba ng maayos?" tanong saakin ni Vic.

"Yes" ngiti ko "Ang sasarap ng mga dinalang pagkain ni Mayor Galvez"

"That's good to know. Mas okay na kumakain ka dahil shoots like these can be tiring as hell" at natawa kaming dalawa dahil totoo ang kaniyang sinabi.

Kaninang madaling araw ay sinundo ako ni Vic sa apartment ko at isinabay ako papunta dito sa Batangas. Nakakahiya man dahil may mga maleta at bag din akong dala-dala na nakadagdag pa sa sasakyan although malaki ang van nito. Bago kami nakaalis kanina ay nag-pumilit pa ako na magi-iba nalang ako ng sasakyan since kasama niya din ang team niya papuntang Batangas pero she insisted na sakanya na ako sumabay at nagdala nalang ito ng isa pang extra na sasakyan para sa kaniyang tauhan.

Silver Screen (GxG)Where stories live. Discover now