#TDPKabanata1

171 13 0
                                    

VEILED'S POV

"Veiled, bilisan mo naman diyan! Dalawang oras ka nang nasa banyo ano ka ba!" narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Flordeliza.

"Malapit na akong matapos!" sigaw ko ring pabalik sa kanya. Nakakainis! Kaya dalawang oras na akong nasa banyo dahil mahina ang agos ng tubig sa gripo. Nangugupahan lang ako sa isang maliit na apartment dito sa Laguna kaya ganito na lang ang reklamo ni Flordeliza sa labas para maligo.

By the way, I'm Veiled Del Valle. Kaya Veiled ang pangalan ko dahil nanganak daw ako sa araw ng kasal nina Nanay at Tatay noon. Naka-wedding gown pa si Nanay at naka-suot ng veil sa ulo habang pinapanganak ako kaya doon nabuo ang pangalan ko. Sounds panlalaki right? Pero Vee naman ang tawag sa 'kin sa gabi. Oops! Hindi po ako bading. Sadyang may pangalan lang talaga ako sa gabi dahil sa trabaho ko. Kailangan kong ilihim ang pagkatao ko lalo na't nag-aaral ako sa isang mayamang Unibersidad. Pero malapit na rin akong grumaduate sa kolehiyo sa kurso Culinary. Konting tiis na lang ay magkakaroon na ako ng desente at permamenteng trabaho na ipagmamalaki ko.

"Hay sa wakas at natapos ka rin." maingay na sabi ni Flordeliza na para bang masaya siyang nakalabas na ako ng banyo.

"Mahina ang agos ng tubig kaya natagalan ako." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Alam ko, alam ko. O siya hindi na ako maliligo dahil mahuhuli na naman tayo sa klase. Pero kailangan ko munang tumae." aniya at pumasok na siya ng banyo.

Ako naman ay nagbihis na at naghanda para sa school.

Pero bago kami pumunta ni Flordeliza sa school ay pumunta muna kami sa hospital para bisitahin ang nakababata kong kapatid na may sakit na cancer.

"Kumusta naman ang tulog mo Vein?" tanong ko sa kanya habang hinahanda ko ang pagkain niya.

"Ayos naman po ate. Kanina po ay biglang sumakit yung ulo ko pero buti na lang at pinagaling po yun ni Doc." maamong sagot niya.

Ako naman ay pilit na ngumiti. Nalulungkot at naaawa ako sa sitwasyon ng kapatid ko. Sa murang edad ay nararanasan niya ang ganitong klaseng sakit. Lumalaban pa rin siya kahit na nahihirapan na siya. Naiiyak nga ako sa tuwing sumasakit ang ulo niya. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. Natatakot akong mawala siya sa buhay ko lalo na't siya na lang ang meron ako. Wala na ang mga magulang namin dahil namatay sila sa isang car accident. Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang mundo ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay nila.

"Masaya ako dahil okay ka. Araw-araw kong ipinadarasal na sana ay gumaling ka na. Na sana ay makalabas ka na ng hospital na 'to." aniko sa kapatid ko.

"Ate..."

"Lahat ay gagawin ni ate para gumaling ka na." emosyonal kong sabi.

"Salamat ate dahil hindi mo ako pinababayaan." ani Vein na naluluha na rin.

"Kapatid kita at mahal na mahal kita kaya hindi kita pababayaan. Sige na, kumain ka na." sabi ko sa kanya nang mahanda ko na ang pagkain niya.

"Lumaban ka parati Vein at 'wag mo ring iiwan si ate ganda mo ha?" narinig kong sabi ni Flordeliza.

"Oo naman po ate ganda. Lalaban po ako at hindi ko kayo iiwan ni ate." ani Vein sa kanya.

Napangiti naman ako dahil sa kapatid ko.

Lahat ay gagawin ko para lamang gumaling ang kapatid ko. Kahit na kumapit pa ako sa patalim ay gagawin ko.

FRED'S POV

"Rissey!" napabalikwas ako bigla nang mapanaginipan ko na naman ang pagkawala ng asawa at mga anak ko.

Fuck! Until now, I can't still accept the truth that they're gone now. It's all my fault. Kung hindi lang sana ako nagloko ay hindi 'to mangyayari. Hanggang ngayon ay nakokonsensiya pa rin ako sa ginawa ko. Araw-araw akong kinakarma sa pagkakamaling kong iyon. Pero kahit na kinakarma ako ay inuulit ko pa rin naman. It's my way to forget what happened. Maliban sa binubuhos ko lahat ang oras ko sa trabaho ay may iba pa akong ginagawa para makalimot. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang pangyayaring iyon. Nakatatak na siya sa isip at panaginip ko.

The Darkest Pleasure [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon