KABANATA 20

7.9K 162 108
                                    

Tinuloy-tuloy ko ang lakad palapit sa kanila. Sakto namang natapos din ang papansin na sayaw nilang 'yon. Sinalubong ko sila at bahagya pa silang nagulat nang mabungaran ako sa harap nila. Parehong hinihingal dahil sa pagod, may ilang pawis sa noo kahit pa air-conditioned sa loob at malamig rin ang lapag dahil sa usok na binubuga.

"Bunso!"

Ngumiti ako at lumapit. Halseth stopped too and smiles suddenly faded... again. I ignored him, instead I moved my face closer to my sister's ear and asked, while my eyes fixed to him. I gave him a smirk sweetly.

"Can I get wild tonight? I spotted a hunk kanina and he will be my target!" I partly lied to save a face.

Malakas ang pagkakasabi ko niyon at pati siya ay narinig pa. Siya ang agad na umiling pero umiwas ako agad para hindi siya pansinin.

"No-"

"Of course! Pero make sure na hindi ka magpapatangay!" Hagikgik niya at kinuha ang braso ko. "Who pala? Tell me where he is!"

"Uh..."

Nakagat ko ang dila at sumabay ang mata sa paglilikot ng maliit na ilaw. Inilibot ko ang nga mata at nang may ma-spot na lalaking sakto sa description ni Joana kanina ay agad ko nang itinuro kahit hindi ko pa naman kilala.

"There!"

"Oh! Ang gwapo!" Panlalaki ng mata niya at mahina akong sinundot sa tagiliran.

"Grace, are you sure? Bata pa ang kapatid mo at baka-"

"I can handle." Agap na sagot ko sa tanong niya sa kapatid ko.

He stared at me darkly, threatening and fuming mad. I saw how he protruded his jaw and was about to speak when my sister blocked him.

"Basta ang bilin ko, ha? Kuya is up there, baka malagot tayong dalawa!"

"Grace-"

"Let her, Raf. Chill!"

Nginisihan ko siya at harap-harap kong bahagyang ibinaba ang tela sa may dibdib ko hanggang kumalahati at itinaas ang skirt ng damit ko para mas makita ang mga hita ko.

"Take care, okay?"

"Alright! Bye!"

Tumalikod ako at nag-martsa palayo habang kuyom ng mahigpit ang mga palad. Nang bumaling ako muli ay sakto ding sumulyap siya sa akin habang naglalakad patalikod kasabay ang kapatid ko. He looks mad, he's really glaring so bad. I stopped and equalled his glares even my eyes are glistening with unshed tears. 

"Fuck you!" I uttered and showed him my middle finger.

Kita ko pa ang pag-awang ng labi niya at kusang napatigil sa paglalakad at literal na nagulat sa ginawa ko. Mariin kong kinagat ang labi at mabilis na tumalikod. Ibinalik ko rin sa dati ang ayos ng damit ko at matapang na nilapitan ang lakaking nakita. Nang mapansin niya ako ay agad din siyang napatayo at talagang alam niyang sa kanya ako pupunta.

"Hi-"

Hindi pa ako nakakabati ay agad na niyang hinapit ang bewang ko at idinala sa dance floor. He began grinding his front body to my body when my arms encircled around his neck, I danced slowly.

"You're fast, huh."

He smirked dirtily. "Well, I was watching you even earlier. Ah, smells fucking good!"

Napairap ako at itinulak siya ng kaunti nang maglakbay ang ilong sa leeg ko. He smiled so I smiled and explored his body. He's tall, pero kaharap ko na ang leeg niya. He's not dark but white and blonde, probably a rich foreigner. And well, bit handsome because of his blue eyes.

DANDELION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon