Chapter 57

2.1K 158 6
                                    


Lumipas ang tatlong araw buhat ng insidenteng 'yon. Ramdam ko ang sinag ng araw sa mukha ko na dahilan upang magising ako mula sa mahimbing na tulog. Inilipat ko sa ibang direksyon ang aking mukha. Dahan-dahan ko idinilat ang aking mga mata. Kahit na naniningkit pa ako kumurap pa ako ng ilang beses saka nagpagpasyahan ko nang bumangon. Hinawi ko paitaas ang aking buhok. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata saka dumapo ang aking palad sa aking bibig upang humikab.

"Binabati po namin ng magandang umaga ang kamahalan, ang mahal na prinsesa, Prisnesa Styriniana!"

Halos matalon ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na pagbati. Medyo nabitin pa ako sa paghikab! Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang pitong babae sa harap ko. Sa hitsura nila ay parang kanina pa nila hinihintay ang aking paggising. Namataan ko din ang limang tagapagsilbi na pinarusahan. Kaunti nalang ang benda sa iba't ibang parte ng kanilang katawan. Meron ding nakadikit na wound straps sa mukha nila na tinamaan din ng latigo.

Humakbang ng isa palapit ang punong mayordoma. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Mahal na prinsesa, nakahanda na po ang inyong pampaligo at mga damit na susuotin ninyo." aniya.

Tahimik ako nakatitig sa kaniya. Binabasa ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Sa totoo lang may nararamdaman pa akong pagkailang para sa kaniya, kahit sa ibang tagapagsilbi dito. Siguro ay dahil sa hindi maganda ang unang engkwentro namin sa isa't isa ng gabing 'yon. Tumalikwas ang isang kilay ko. Nanatili siyang nakaatayo ng tuwid, hindi rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Huminga ako ng malalim. Tahimik akong tumango. Umalis na ako sa ibabaw ng kama. Agad sila kumilos para simulan na nila ako pagsilbihan. Nang tumapak na ang mga paa ko sa sahig ng silid ay agad nila ako dinaluhan para alalayan nila ako makarating sa bath room. Isa-isa nila hinuhubad ang aking damit. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko para alalayan nila ako makalusong na sa bath tub. Ilang saglit din ay sinimulan na linisin ang aking balat. Lihim ako nasulyap sa mga maid na may benda pa sa katawan.

"Masakit pa rin ba?" tanong ko sa kanila.

Pareho sila natigilan sa aking tanong. Para bang ngayon lang sila tinanong ng ganoon sa buong buhay nila. "A-ayos na po kami, mahal na prinsesa... Hindi na rin po sariwa ang mga sugat namin sa tulong ng mahika na nakakagaling." wika ng punong mayordoma.

Tahimik akong tumango.

"Nais din namin po kayo palasamatan sa busilak ninyong kalooban. Kung hindi po kayo dumating ng gabing 'yon, marahil ay wala na kami dito. Maraming salamat na binigyan ninyo po kami ng isa pang pagkakataon sa kabila ng kamalian na aming ipinakita." dagdag pa niya.

"Tulad ng sabi ko, ayokong mamatay ang sinuman nang dahil lang sa mababaw na dahilan." pormal kong pahayag.

"Maraming salamat ulit, mahal na prinsesa."

Tumingala ako sa kisame habang patuloy pa rin nila pinapaliguan. Sinasariwa ko sa aking alaala ang mga dapat kong gawin sa oras na naririto na ako sa Thilawiel---lalo na ang mga plano ko.

"Siya nga pala, gising na ba si Ceca?" muli kong tanong. Simula kasing dumating ako, hindi ko pa siya nakikita. Gusto ko na rin makita ang batang 'yon.

"Opo, kamahalan. Gising na po ang tagapag-alaga. Kasalukuyan po siyang nakain ng kaniyang almusal sa kaniyang silid. Nais ninyo po ba siyang dalawin?"

"Maaari. Pero...." nanatili akong nakatingala sa kisame. "Nais ko muna malaman kung ano ang madalas ninyong kasuotan dito. Nais ko din malaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng Palasyo sa gayon ay alam ko kung ano ang mga lugar na hindi ko dapat daanan o ano ang mga gawain na hindi ko dapat gawin."

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid na ito. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Iitinagilid ko ang aking ulo. "Anong problema? May mali ba sa sinabi ko?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now