Chapter 11

289 13 0
                                    

Chapter 11

[ Miguel Pov. ]

Naimulat ko ang aking mata dahil sa nararamdamang bigat saking kamay, Tiningnan ko iyon at nakita si luna na ginagawa na pala iyong unan.

Nakaside ako, habang siya ay nakatihaya at sobrang himbing ng tulog.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang sipain lahat ng unan sa sahig at ngayon ay sobrang lapit na niya sakin, Maging ang kamay ko ginawa niya ng unan.

Sobrang likot niya naman matulog.
Bulong ko pa sa isip.

Bigla naman itong gumalaw at nagside banda sakin, Napapangiti na lang ako dahil sobrang himbing ng tulog niya.

Hinawi ko ang buhok nitong medyo nakaharang sa kanyang mukha at dinala iyon sa kanyang tenga, Agad akong napatingin sa labi nito at naalala ang nangyari kagabi.

Naaalala ko lahat, Dahil hindi naman ako makakalimutin tuwing lasing. Pati lahat ng sinabi ko kabisado ko pa.

Hindi ko alam dahil iba ang epekto sakin ng babaeng ito, hindi ko rin maexplain ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko pa ito naramdaman noon, naninibago ako pero aaminin ko masarap iyon sa pakiramdam.

Medyo Nag-angat ako para mahila sana ang kamay ko ngunit nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin kaya napahiga akong muli, isiniksik niya ang mukha saking leeg kaya dama ko doon ang mainit niyang hininga. Napapalunok na lang ako dahil nararamdaman ko rin ang dibdib niyang sumasagi saking katawan.

Mariin akong pumikit at dahan dahang inalis ang kamay niyang nakapalupot sakin, Nang maalis iyon ay muli siyang tumihaya at hindi man lang nagising.

"Tulog mantika.." naiiling na anas ko, napatingin naman ako sa dibdib niyang nakaexpose dahil sa sobrang likot nitong matulog.

Umupo ako at dahandahan sinara ang kanyang roba, Hindi ko talaga makakalimutan kung gaano kadulas at kalambot ang kanyang balat. Kahit na gusto ko man itong hawakan kagabi ay pinigilan ko na lang ang sarili, Ayaw ko siyang mabastos sa ganung paraan. Baka bigla na lang siyang umiwas sakin at mailang.

Lalo na't wala naman kaming relasyon.

Tumayo na lang ako at pinilot ang mga unan na nagkalat, nilagay ko iyon sa pagitan niya at kinumutan ko rin ito bago pumasok ng banyo.

Malamig na tubig ang pinagligo ko para maalis ang pananakit ng aking ulo dahil sa alak na ininom kagabi, Akala ko kahapon ay umalis na ito dahil pagkatapos namin magusap ni selena ay hinanap ko na siya sa labas ngunit hindi ko ito nakita.

Wala naman talagang nangyari samin ni selena, Madalas niya iyon gawin at hindi ko iyon nagugustuhan. Ngunit bigla na lang akong nakaramdam ng kaba dahil nakita kami ni luna na ganun ang ginagawa.

Gusto kong sabihin lahat ng nangyari ngunit hindi ko magawa, Wala akong karapatan mag explain dahil hindi naman kami. Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko at gusto ko itong makumpirma kung nagkakagusto ba ako sa kanya.

Narinig ko ang pagtunog ng doorknob kaya dalidali akong umalis sa ilalim ng shower, kinuha ko ang towel at pinalupot iyon saking ibaba bago buksan ang pinto.

Agad tumambad sakin si luna na hindi ko na naman mawari ang reaksyon, Lately lagi na lang siyang natutulala at parang kung ano ano ang iniisip nito. Natawa pa ako kahapon dahil hindi niya man lang namalayan ang kanyang lotion na natatapon na, Naalala ko tuloy noong una naming pagkikita. Tumulo ang laway niya noon kaya halos matawa ako saking isip.

"Morning.." bati ko, napakurap siya at iniwas ang tingin sakin kaya tumikhim ako.

"Pagkatapos mong maligo dumiretso ka sa baba, kumain muna tayo bago umalis.." anas ko, tumingin naman ito sakin.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now