4 | The Parents

126 4 6
                                    


Naglalakad papasok ng building si Alex at lahat ay nakatingin sakanya. Hindi dahil jologs sya kundi dahil sa ganda nya.

Nginitian nya ang babae sa front desk bago batiin ng "Good morning!"

Nang makaakyat sya ay nadaanan nya si Marie na nasa desk na nya sa labas ng office ni Pau. "Alex! Good morning! Bagong buhay ka na ba?" Natatawang tanong nito kaya natawa sya. Binata nya rin ito bago tuluyang maglakad papunta sa office ni Luke.

Umupo lang sya sa labas at sinilip silip ang binata sa loob pero hindi pa ito dumadating.

Ilang minuto lang, naaninag nyang lumabas ng elevator ang boss nya kaya nakangiti syang tumayo.

Napatigil sandali ang binata pero tinuloy din ang paglakad. "Good morning, sir!"

Nginitian sya nito bago pumasok sa loob ng office.

'Sungit ah'

Hinintay nya lang makaupo si Luke sa gaming chair nya bago tumayo at kinuha ang scheduler nito.

"May scheduler ka mamayang 9am with Mr. and Mrs. Santos"

Napatango si Luke bago buksan ang laptop nya. "Kasama ka dun ah"

Napatingin sya sa scheduler at binasa ang notes na nakadikit dito. "Ikaw lang naman po nakalagay dito na pupunta"

"Ako nga. Kasama ka nga"

"Ahh"

"Ipapakilala kita" napatingin sya bigla sa binata. "Ako?"

Tumango tango ito kaya nagtakha sya. "Bakit ako?"

"Gusto lang nilang makilala secretary ko. "

---

Tahimik lang ang dalawa habang nasa byahe. Hindi rin nagtagal ay lumiko at pumasok sila sa isang malaking gate.

Pagbaba nila ay dumiretso si Luke sa loob kaya sumunod lang ang dalaga.

"Anak!" Bati ng matandang babae kay Luke. Nakatingin lang si Alex sakanila.

'Ah. So magulang nya sila Mr. and Mrs. Santos' napatango tango pa sya sa iniisip nya.

"Alexandra Bartolome?" Tawag nito sakanya kaya agad syang napalapit.

"Opo. Alex po"

Hinawakan sya ng matanda sa braso at hinarap si Luke. "Nasa garden and daddy mo. Puntahan mo, hinihintay ka nya don"

Hinatak sya ng matanda kaya napasunod nalang sya. Giniya sya nito papunta sa sala at pinaupo sa isang sofa.

"Aldrene pangalan ko. Mommy ako ni Luke"

"Hello po." Bati nya dito. May dumating na kasambahay at pinagdalhan sila ng tsaa

"Nagtsatsaa ka ba hija? Gusto mo juice?"

Napailing iling sya at kinuha ang tsaa. "Okay na po ito"

Nginitian sya ng matanda at hinigop ang tsaa nya. "Mabuti naman may secretary na si Luke. Tagal ko nang sinasabing kumuha, ayaw kasi eh"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon