ST 2

9 1 0
                                    

"I like you to accompany me to dad's event tomorrow. Yun ang gusto ko sanang sabihin sa tawag kaso nawalan ako ng signal." pagpapaliwanag ni Katie habang nagtatype sa laptop niya.

Sandali kong inangat ang tingin ko sa kanya bago ipagpatuloy ang paguguhit ko sa iPad.

Yun lang naman pala yung ibig sabihin ng I like you. Kung ano-ano pa tuloy yung na isip ko kagabi kung bakit bigla niya akong sasabihan ng 'I like you.' Gagawin niya lang pala akong chaperone sa event ng dad niya.

"Paano kung ayaw ko?"

"What?!" napatigil siya sa pagtatype. "Panget naman eh, sige na. Pumayag ka na." medyo mataas ang boses niya kaya napatingin ang ilang tao sa café sa amin.

"OA lang? Napalakas yata boses mo doon ha."

"Oops. Sorry." at saka niya tinakpan ang labi niya. "Pumayag ka na kasi Panget. Mabilis lang naman yun. Sige na."

Itinigil ko na muna ang paguguhit ko dahil kanina pa, iilang linya lang ang naguhit ko. I took a sip from the espresso Katie ordered for me. Nahatak na naman kasi ako dito sa café kasi gusto niya raw may kasama siya kapag gumagawa siya ng trabaho. Libre niya naman daw kaya G ako palagi.

"Panget, ano na?" Hindi niya talaga ako titigilan.

"Bakit ako? May boyfriend ka di ba? Why not ask him?"

Napatingin si Katie sa kisame at inilipat sa baso niya. Inikot-ikot niya yung daliri niya sa baso at mukhang umiisip ng malalim.

"Hala, snobber? Famous ka?" pangbibiro ko.

"I don't know how to say this but... The boyfriend I'm referring to, I haven't met him yet."

Halos maibuga ko yung iniinom ko nung marinig ang sinabi ni Katie. Boyfriend niya pero hindi niya nakikita? Ano yun ghost? Or imaginary lang?

Lakas ng amats ng babaeng ito.

"Huh?" yun lang ang naisagot ko.

"We're arranged." Katie gave me a small smile.

Hindi lang doon natapos ang pag-uusap namin at nagkwento pa siya tungkol doon.

"He's in L.A. right now. He's a bit older than me and I heard that he came from a wealthy family. He has a brother, according to my dad. And.."

"Sandali lang, mag tagalog ka nga. Hindi si Ludwick kausap mo."

Natawa si Katie sa sinabi ko kaya natawa rin ako ng bahagya.

"Anyways, mabait daw siya. Caring and seems gentleman sa mga pictures niya. Magkaibigan kasi ang dad niya at si dad. Gusto siya ni dad para akin." pagtatapos niya.

"Eh ikaw? Gusto mo ba siya?"

She smiled. "Maybe? He looks good in pictures." kinuha niya yung phone niya at saka ipapakita niya sana ang picture ng lalaki pero hindi niya na mahanap sa gallery niya.

"Well, looks can be deceiving, Panget. Paalala ko lang."

The next day, I found myself wearing tuxedo looking at my reflection on the mirror.

"You look dapper." sabi ni Ludwick na nakahiga sa kama ko kasama si Emlyn.

Nag thumbs up naman si Emlyn at saka ngumiti bilang pagsang-ayon.

"Sabihin mo na lang na pogi ako. Nahiya ka pa."

"How arrogant. For your information, I'm better looking than you." ani ni Ludwick.

"Woah, that's confidence." at saka pumalakpak pa si Emlyn.

Hindi na ako nagdagdag pa baka magtalo pa kami kung sino ang mas pogi sa amin ni Ludwick.

Silenced Truth (Dangerous Love Series #2)Where stories live. Discover now