65

71 6 0
                                    

Freyzelle S. Bernos

Zachariel :

Hindi ako makatulog.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon, kaya siguro iniiyakan ko pa rin.

Freyzelle :

Hoy, ano bang nangyari? Hindi ka na rin naman nagsasabi lately.

Zachariel :

Zelle, mababaliw na 'ata ako. Naniwala ako sa kanya eh. Akala ko talaga ginusto niya rin na makasama ako.

Medyo masakit lang kasi napaasa niya ako. Hahahahahahahaha!! May pasabi-sabi pa siya na kahit saglit lang if busy ako. Ayaw niya rin pala talagang magkasama kaming dalawa.😂

Nakita ko kasi message sa kanya ni Dwight, na hindi niya naman raw kailangan lumabas ng kasama ako dahil lang sinabi ni Aki. Hindi ko naman kasi sinasadyang makita pa 'yon. Sana nga hindi ko nalang nakita.

Zelle, masama bang hilingin sa kanya na magustuhan rin ako?. Hindi ko naman ipinipilit, pero mahirap bang subukan ang bagay na 'yon?

Freyzelle :

Hindi ko masasagot 'yan. Hindi ako si Blythe, Zachariel.

Pero kung ako naman tatanungin, wala namang mahirap na bagay lalo na pagdating sa'yo.

Zachariel :

Bakit kasi ganoon siya? Ang tigas-tigas ng puso niya.

Freyzelle :

Gusto mo ba puntahan kita?

Zachariel :

Wag na po muna.

Gusto ko nalang mapag-isa. Salamat na rin, Zelle.

Freyzelle :

Magiging okay ka rin.😊

Zachariel :

Kung makaka move on pa ako sa kanya.

Freyzelle :

Hindi ko hinihiling na gawin mo 'yan, pero paano kung 'yon ang mas nakakabuting gawin mo?

Zachariel :

Siguro gagawin ko nalang.



Seen

Finally, She's Jealous (CEO Series #2)Where stories live. Discover now