Chapter 4

48 2 0
                                    

Hindi naging madali ang mga unang araw na wala si Theo pati si Drin. Halos makalimutan na namin ni Kate na kumain dahil sa pagka miss sa kanila.

Grade 10 na kami ngayon. Masyado ng naging hectic ang schedule namin. Madaming kailangan tapusin at sabayan mo pa ng mga extracurricular activities namin.

"Sabi ko naman sayo, Melchie. Lalayo rin naman sayo si Grey." Sabi ni Sofie, isang araw. Ang sinabi niyang maging kaibigan noong grade 7 ay hindi ko na sinunod. Ayoko ng toxic sa buhay ko. At siya ang definition ng toxic.

"Sino nagsabing nilayuan niya ako? Nag-aaral siya, Sofie. Magkaiba yun, sana alam mo." Walang pakealam kong sabi.

"Ay sorry. Advance lang naman ako mag-isip. For sure, lalayo yan sayo at hindi ka na kakausapin kapag may nahanap siya sa Manila. Magaganda pa naman ang mga babae roon." Inirapan ko na lang siya. Hindi naman ako pwedeng makigulo sa magulo niyang bibig.

"Pwede ba Sofie, porket hindi ka pinapansin nina Theo, kailangan mo na laging bwisitin si Chi. Nagsasayang ka lang ng laway eh." Sabi ni Kate. Ang palaban talaga neto. At totoo rin yun, halos lagi na akong binibwisit ni Sofie nang wala na si Theo.

Hindi na nakapagsalita si Sofie at napairap na lang. Serves her right naman eh.

"Um hi Melchie. Flowers, for you." Sabi ng isang lalaking nasa harap ko ngayon. Pabalik na sana ako sa klase namin galing cr.

"Ah para saan?" Tanong ko.

"Kasi Melchie, pwede bang manligaw? Ngayon ko lang 'to nasabi sayo nang wala si Grey. Lagi kasi siyang bantay sayo." Bakit ba lahat nila ipinamumukha sa aking wala na si Theo?

"Sorry. Ayoko sayo at ayoko rin ng may manliligaw." Nakangiti kong pagtatanggi sa kanya.

"Huh? Eh maghihintay naman ako! Kaya ko Melchie! Kaya ko." Paninigurado niya pa.

"Hindi kita gusto. Yun lang yun." Tinutupad ko ang pangako ko kay Theo. Hindi ako magpapaligaw at ayaw ko rin naman.

Simula rin nung mawala si Theo ay madami na ang gustong manligaw sa akin at parating sinasabi na matagal na nila akong gusto pero dahil kay Theo, hindi nila magawang umamin. Hindi ko nga alam o napansin man lang na may nagkakagusto sa akin. Pero dahil diyan, mas marami ang nainis sa akin. Masyado raw akong papansin sa lalaki which is not even true. Bakit ako magpapapansin kung in the first place, kapansin-pansin naman talaga ako? Kaya natuto rin akong ipaglaban ang aking sarili dahil wala ang magpo-protekta sa akin kapag may umaway na.

"Kailan mo ba ititgil ang panlalandi mo? Una si Grey, sunod si Aldrin, at halos parating may gustong manligaw sayo! Ano ba ang pabango mo? Albatross?" Galit na saad ng isang babae sa harapan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ka ba? Emphasize the words, gustong manligaw. Huwag ka ring tanga. Hindi pabango ang Albatross. Try mo lunukin, baka pagkain pala yun."

"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo." Pataray niyang ani at tinalikuran na ako kahit pa galit na galit na siya.

"Oo! Gusto ko niyan. Bilhan mo ako pag uwi mo." Sabi ko kay Theo habang ka call siya. Idinescribe niya kasi yung kinakain niyang ice cream sa Manila.

"Hindi pwede itong dalhin jan. Matutunaw, Chi." Natatawa niyang sambit.

Napanguso ako. Ang unfair eh. "Sige. Kapag pumunta na lang ako riyan sa Manila."

Love You Till the Sun Sets, EngineerWhere stories live. Discover now