CHAPTER 10

1K 31 1
                                    

Kakadating lang namin dito sa beach resort nila sir grabe ang ganda....


ang dami ding torista na nag babakasyon kaya pala fully book eh dahil sobrang ganda ng resort.....

madami kang pweding puntahan at mag adventure ang linis din ng dagat at puti ang buhangin wala kang makikitang kalat o mga basura ang linis.


Ang dami ding puno ng nyog at yung mga cottage pang family tlga ang laki din pwedi rin mag bonfire sa gabi...at may cottage din sa gitna ng dagat wow.....as in wow lang ang romantic non para sa mga couple na nag didate..



Nakarating kami sa tapat ng vacation house nila at litiral na napanganga kami ng makita namin kong gano kaganda yun made of glass ang mga walls at white and gray  ang kulay ang ganda grabe...



Lalo na sa loob para kang nasa bahay ng Hollywood star hanggang third floor sya at lawak nya ah puro guestrooms  ang nasa second floor ang kay sir naman at sa pamilya nya ay nasa third floor sa first floor naman ay kitchen, dining, living room, bar counter, and play room para daw yun sa mga bata at sa isip bata ...tsk.




Lahat sila ay may room na 5 rooms ang guestrooms nila at hindi basta basta room lang dahil kumpleto na yun ng gamit ang laki ng space every room may teres na pwedi mong makita ang ganda ng buong resort...


Nahatid na silang lahat pero ako wala pa akong room at nagtaka ako dahil pa akyat kami sa third floor.



"Ahm...manang bakit po tayu sa third floor pupunta?"tanong ko sa kasambahay na naghatid samin


"Don daw po kayu sa tabi ng kwarto ni sir Ezekiel maam" sabi nya ...nabigla naman ako bakit don pa? Pwedi naman makitulog na lang ako kila Michael at maam Veronica dalawa lang naman sila don sa isang room dahil yung iba nasa kabilang room din at may mga kasama para magkasya sila 6 girls 7 boys at isang bakla ang kasama namin kasali na don yung driver ng van .



Nang makarating kami ay binuksan ni manang yung sa tabi ng kwarto ni sir na tabi naman nong ang masters bedroom sa pinaka dulo yung sa tabi naman ng kwarto ko sa kaliwa ay sa kapatid ni sir pati tong kwarto na pinasok namin ay sa kapatid na babae ni sir....ang ganda rin grabe para akong prinsesa kulay light violet at pink yung mga kurtena at dingding nya yung kama nya skyblue ang kulay pang girly tlga




May open library din sa dulo wow grabe parang buong bahay na nila jessie to..



Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at nakita ko si sir na nakatingin din sakin



"Bakit hindi ka pa nag papahinga?....you rest mahaba ang naging byahe natin kanina ...alam kong inaantok kana" sabi nya ako pa tlga inlala nya ah..




"Nakatulog naman ako eh...kayu po ang dapat na mag pahinga kasi wala kayung tulog at pagod kayo sa pag mamaneho" sabi ko at nilagay ang mga gamit ko sa gilid




"You know what .....wala naman tayu sa office eh so pwedi bang wag mo kong i po at tawing sir..." sabi nya nakakunot noo ko syang tignan...ano naman nakain nito.



"Bakit naman po?....nandito po ako bilang secretary nyo kaya dapat na galangin ko pa rin kayu" sabi ko hindi naman ako sumama dito para mag saya o ano ...trabaho pa rin to dahil nandito sya...




"No Sophia.....nandito tayu para mag relax...kaya..wag mo kong tatawaging sir o i po habang nandito tayu maliwanag" Sabi na it's not just a statement it's an order....hayy nako naman. Napipilitan akong tumango sa kanya



"S-segi na po ....i mean segi na m-matulog k-kana ....alam kong napagod ka" sabi ko...pambihira naman oh...



"Yeah....your right I'm really tired." Sabi nya at humiga sa kama .....teka wag nya sabihing dito sya matutulog?!!!!



"T-teka si.....i mean eros bakit jan ka nakahiga diba don yung kwarto mo sa kabila?" Sabi ko ...bigla naman itong napabangon at napatingin sakin...



"What did you just call me?" Tanong nya...eh?.




"H-huh?.....ah E-eros...b-bakit b-bawal ba?" Kinakabahan kong sabi eh kasi naman ang haba ng Ezekiel eh kaya eros na lang para ko lang tinatawag si Noah...hehhe



"No...it just that....maliban sa family ko walang tumatawag sakin sa second name ko.....and i find it sexy when say my second name" sabi nya na nakatingin sakin na para bang any moment lalapain ako hayst...ang intense ng tingin nya grabe.....


napalunok na lang ako at umiwas ng tingin grabe ...hindi ko kinakaya ang tingin na yun para nya akong hini hypnotys .......

wag naman sir marupok po ako ....yung isang gabi nga lang naka dalawa ka na agad....what more kong mauulit pa yun edi wala pang limang buwan naka isang dusena kana grabe ang genes mo ah........syempre joke lang hehehe assuming much te?.....




"S-segi first n-name na lang a-ang itatawag ko sayu" sabi ko na nakatingin sa may pinto.



"No....Eros will be better......segi na matulog kana.....aalis ako kapag nakatulog kana"sabi nya .....anak ng nanay mo pano ako makakatulog kong nanjan ka....



"M-mag shashower lang.....i mean m-mag b-babanyo lang a-ako"utal kong sabi ....naman!!! Para tuloy akong nang aakit sa sinabi ko ....wag na naman po sana syang tablan ng karisma ko.....



Nang matapos ako ay sumilip muna ako sa kama at buti na lang mukang tulog na sya......teka eh pano sya aalis kong nakatulog na yan....hayst....tigas din ng bungo nitong lalaking to eh ....hindi nako mag tataka kong sa kanya tlga nag mana yung kambal ...tsk.



Kahit kinakabahan ay wala akong choice kundi mahiga sa kama...naka harap naman sya sa gilid kaya hindi nya ako makita mas ok na yun sana hindi sya humarap sa gawi ko ...



Ng makahiga ako ay tumagilid ako patalikod sakanya......naisip ko bigla ang kambal ko ...kamusta kaya sila...namimiss ko na sila 2 days ko silang hindi makikita...dibali tatawagan ko na lang sila bukas ...pumikit na ako dahil inaantok na rin ako.


May naramdaman akong yumakap sakin sa likod pero hindi ko na yun napansin dahil sa sobrang antok at naramdaman ko rin na hinalikan nya ang ulo ko pero hindi ko magawang imulat ang mata ko dahil ang bigat na ng takulap ng mata ko bago ako tuloyang makatulog ay narinig ko ang bulong nito na

''Goodnight Sophia'' and i fell asleep.




Miss.A

My badass twins(Storm Siblings #2)Ezekiel Eros Storm (COMPLETE)Where stories live. Discover now