Simula

6 4 0
                                    

Maagang ginising ng ama ni Brien na si Brian ang kaniyang anak upang dumalo sa birthday celebration ng nagiisang anak ng Smith Family na si Debbie, sa sobrang bagal ni brien kumilos ay iniwan na siya ng kaniyang pamilya kasama ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Bob, sa kabutihan palad ay may nakaabang na puting van na maghahatid sa kaniya papunta sa venue ng selebrasyon, masyadong espesyal ang araw na ito sa Pamilyang Davin sapagka't magkaibigan na ang dalawang pamilya bago pa sila maging successful

Lahat ay naka formal attire, ang mga babae ay nakasuot ng makikinang na bistida at ang mga lalaki naman ay nakasuot ng white formal suit

"Baba kana iho" simpleng saad ng driver pagkatapos siyang pagbuksan ng pinto, ngumiti lamang ang batang lalake sa kaniya at nagpatiuna na, makaraan ang ilang segundo ay nakaalis na ang sasakyan dahil hindi maaaring pumasok sa loob ang mga hindi imbitado. Lumaki ang ngiti ni brien ng makita ang kapatid na nagaabang sa kaniya sa tapat ng venue, patakbo siyang pumunta sa kinatatayuan nito at hinawakan ang kamay ng kapatid, ngumiti ang nakakatandang kapatid at hinatak na papasok ang kapatid sa loob ng venue pagkatapos ibigay ang invitation card ng kapatid.

"Napakatagal mo talagang kumilos, para kang babae" Inis na saad ng nakakatandang kapatid habang nakangiti upang hindi mahalata na pinapagalitan niya ang nakakabatang kapatid

Nakangusong sumimangot ang nakakabatang kapatid at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ng kaniyang nakakatandang kapatid

Pareho silang nahinto sa paglalakad nang harangin sila ng isang maganda at batang babae na ka edad lamang ni brien, balisa ang batang babae at halatang hindi alam kung saan tutungo

"Debbie!!" Sigaw ng isang matandang magandang babae, ito ang ina ng batang babae na si Debbie

Nang marinig iyon ng batang babae ay agad siyang nagtago sa likod ni bob at hinawakan ang braso ni brien upang gawing harang, hindi maipinta ang mukha ng batang babae habang may iniinda si brien ay nakatitig lamang sa batang babae habang diring diri na nakatingin sa kamay nitong nakapulupot sa kaniyang braso, ngunit sa kasamaang palad ay nakita parin niya ng kaniyang ina at ng ibang mga kasambahay nila

"Good morning Mrs. Smith" Nakingiting inilahad ni Bob ang kaniyang kamay sa ina ng batang babae, agad na umaliwalas ang mukha ng ina at tinatanggap ang kamay ng binatang si Bob habang binabati ito pabalik ng magandang umaga

Nang matapos ay sandaling paguusap at agad na itinuon ni Mrs. Smith ang kaniyang atensyon sa anak na si Debbie, agad niya itong hinatak papalapit at hindi na pinakawalan, ngunit ang titig ng dalawang bata sa isa't isa ay hindi parin natitinang hanggang sa makalayo ang batang babae

"Weirdo." Bulong ni Brien hangin ngunit narinig parin ito ng kaniyang kapatid kaya muli siyang hinawakan nito at hinatak na sa loob ng venue

Nang matapos ang kaonting pagbabatian ay nagsimula na ang okasyon, sakto ang dating ng magkapatid dahil nagsimula nang tumugtog ang sikat na bandang December Avenue

"Good morning everyone, we are December Avenue, ang kakantahin namin sa pitaunang sandali na ito ay Polaris." Saad ng isa sa vocalist ng banda

Pumalakpak ang mga tao at nagsimula na ang pagtugtog

"It's on you, to see the world in a different point of view...

For all the many questions that have left you afraid

It's on you.... To see a different world Infront of you, to find the answers right inside of you, to know that it's true...

Maybe it's time to see you fade or shine like the brightest light in the milky way, cause all of the stars will fall for you now..."

Justice Of Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن