(31) Scream

1.3K 30 11
                                    

CHAPTER 31- Scream

“Hoy tara kain na.” Sigaw ko, andito ako ngayon sa kitchen at sinubukan kong magluto. Wala rin naman kasi akong magawa eh. Walang kwenta yung gangmates ko eh hindi muna daw ako pwede makipaglaban tss.

“Sigurado kang nakakain yan ah?” Tanong ni Cass, mukha naman siyang masarap pero hindi ko pa natitikman eh. Adobong manok ang niluto ko.

“Malamng pagkain yan eh.” Sabi ko at kumuha nang kutsara para tikman. First time ko nagluto nang adobo kaya good luck.

Pagkatikim ko, Pumunta agad ako sa Ref para kumuha nang tubig. Grabe ang anghang bakit ganito to ka anghang?

“Pweh! Grabe ang anghang why is it like this?” Reklamo ni Coreen,

“I don’t know.” Sabi ko, ano ba nilagay ko dito bakit ang anghang parang wala naman akong nilagay na maanghang dito ah.

“Nilagyan mo siya nang sili.” Lianne said tapos pinakita niya sakin yung sili galing sa adobo. Nilagyan ko bay an nang sili?

“Shit, Oo nga nilagyan ko nga nang sili para umanghang pero di ko naman alam na ganun pala yun ka anghang.” Sabi ko.

“Hay naku, makakalimutin ka na.” Lianne said, Tinikman niya yung adobo ko and she seems like it.

Nagustuhan nilang dalawa ni Cass yung adobo ko, mahilig kasi sila sa maanghang pero si Coreen she rather eat biscuit than eat my adobo.

“Is your Gown already prepared?” Cass asked Lianne, ngayon ang pageant.

“Not yet.” She answered. Nag ayos na ako nang pinaglutuan ko and pinagkainan ko, of course tinira ko yung plato nila.

“Shan sasabay na ba kayo sakin or mauuna na ako?” Lianne asked.

“Hindi ako sasabay, mamaya na ako punta kapag nagumpisa na. Wala ako magagawa dun” Sagot ko, pero si Coreen and Cass ay sumama na sakaniya. Sila ata ang mag aayos kay Lianne, eh ako anung gagawin ko dun wala naman akong alam dun.

“Sige alis muna ako.” Sabi ko pagkatapos ko kunin yung wallet at phone ko.

“Saan ka pupunta?” Cass asked.

“Sa hideout, tagal ko na di nanakausap mga kaibigan ko.” Sabi ko at lumabas na, kung pwede lang hindi na pumunta sa pageant na yun gagawin ko kaso magtatampo si Lianne. Ayos eh noh? Mukhang nagbago na talaga ako, dati wala akong pakielam kung sino ang masaktan ko. Pero ngayon? Tss.

Tama bang magbago ako? Oo aaminin ko, masaya rin palang magkaron ng babaeng mga kaibigan. Mga nakakaintindi talaga sayo, pero paano naman sila? Paano kung mapahamak sila dahil saakin?

“Bunso! I miss you!” Jio said. Kapag kami kami lang naman ang magkakasama hindi ko na sila tinatawag sa codenames nila, weel except saakin. Kahit kami kami lang ‘Star’ parin tawag nila sakin, doon daw sila sanay eh.

Bullies vs. IdiotsWhere stories live. Discover now