Po'v lana
"Para po sa tabi,"sabi ko sa driver ng FX.Nakangiti ako habang papunta sa building na pinapasukan ko.Maaga pa naman kaya hindi ko kailangan magmadali,isa sa benefits na malapit lang ang bahay sa pinapasukan.fifteen minutes away lang kasi ang tinitirhan ko galing dito.
Nasa entrance na ako ng building nang may tumabi sa akin.
"Hi,lana
Hindi ko na kailangan tingnan pa kung sino siya dahil isa lang naman ang mahilig sumabay sa'kin papasok sa loob, si carl. Pareho kami ng department, pero nasa ibang team siya.Nililigawan niya 'ko kahit sinasabi ko na noon ayoko. Isang linggo pa lng ata ako rito nang magsimula siyang magpalipad-hangin. Tatlong buwan na 'ko sa office namin,pero hindi pa rin siya tumitigil sa pangungulit sa 'kin."Labas naman tayo mamaya,lana,"yaya niya.
"Hindi ako pwede,may pupuntahan ako," pagsisinungaling ko.
Maraming beses na ko niyaya ni carl na lumabas
Pero ni minsan ay hindi ko siya pinaunlakan. May itsura naman siya pero hindi ko siya gusto.kahit mabait siya,hindi parin pwede. I have a bigger reason why.Sumakay agad ako sa elevator at sumunod naman siya. May ikwekwento siya sakin pero hindi ko siya pinakikingan.tumatango lang ako sa tuwing tatanungin niya ako .hindi niya namn napapansi. At nagpapatuloy lang siya sa pagsasalita.
Nauna na ako ng sa may bundy clock at idinikit ang thumb ko sa fingerfrint reader. Maya maya lumabas na sa screen ang pangalan ko.
Hindi kona hihintayin si Carl at tumuloy na ako sa desk ko. Inaayos ko ang aking mga gamit nang dumating si karen at Diane. Silang dalawa lang ang ka-team ko at siyempre,ang masungit naming supervisor.
"Goodmorning!" Masigla pang bati nila.
"Morning,"sagot ko namn habang nakangiti.
Buti na lang at wala pa si Ms. Sungit (aka ang supervisor namin). Nakakasira kasi 'yon ng araw. Kahit sina karen at Diane e napapa-roll eyes na lang 'pag nagsusungit siya. Ang biruan pa nga namin e,hindi kasi nadidiligan. Matandang dalaga kasi.
"Ladies!"
Speaking of.
"Galing ako sa taas,"pagsimula niya nang makita niyang nakuha na niya ang atensyon naming tatlo."Naalaman kong mag-iikot ang bago nating boss.ayusin niyo lahat ng gamit natin para hindi naman nakakahiya. Kailangan ko nang bumalik sa taas."
"Yes,Ms.Demetrio," sabay-sabay na sabi naming tatlo.
Pagkaalis ni Ms. Carmen, nagsalita agad si Diane.
"Balita ko ang hot ng bago sa kanila. So what kung "hot" ang bagong boss namin? As if naman magdagdagan ang sweldo namin. Ano 'yan, busog-mata na lang? Saka hindi naman namin siya palaging makikita. Ewan ko ba sa dalawang 'yan at masyadong big deal ang itsura ng boss. Namin
Palibhasa kasi 'yong dati naming na si Mr. Acosta, matanda na at halos paubos na ang buhok. Peromabait naman siya sa mga empleyado. Bka nga 'yang bagong boss na 'yan e hindi pa makatao o 'yong tipong hindi uunahin ang kapakanan ng mga empleyado."Baka naman tsimis lang 'yan?" Hindi ko namalayang napakalakas pala ang pagkakasabi ko at makita kong tumingin sila bigla sa akin.
"Hindi'to tsimis 'te! Si Mae mismo ang nagsabil sagot agad no Diane. Si mae ang secretary ni Mr.acosta na secretary na ng bagong boss ngayun. "At ito pa! Nasa twenties lang siya at S-I-N-G-L-E! Oh my God, ipu-push ko talaga ang pagpapansin sa kanya!"
Natawa na lang ako. Kahit kailan talga 'tong si Diane basta gwapo, gusto niya agad. Kaya lagi ,yang natatalisod e. Kaka-break pa nga lang niya sa boyfriend niya gym instructor. Nahuli niya kasi na may kasamang lalaki at niloloko lang pala si Diane. Speaking of which.......
"Baka naman gay?"
"Grabe naman,lana! Porket single bading agad?
Hindi ba pwedeng 'di pa lang ako makikita?' Ang O.A. Lang ng pagkakasabi ni Diane. Hindi pa ba siya nadadala?
Tumawa si karen. "May point si lana. Bka nga,ang lakas ng dating sa'yo e! Malakas pa man din ang hatak mo sa mga bading!"
"Ang mean niyo! Bakit ba ganyan kayo sa 'kin!"
Nag-pout pa siya saka pumunta sa upuan. "A, basta ipapakita ko sa inyong mapapansin ako ni Sir jace!"
Napalingon ako bigla kay Diane. "Jace!" Halos pasigaw kong sabi. Sa lahat ba namn ng panagaln sa mundo 'yan pa ang pangalan ng bagong boss namin? Kita mo nga naman ang pagkakataon, parang kahapon lang tinatanong ako ng kaibigan kong si jacky kung nami-miss ko ang nagmamay-ari ng pangalang 'yan. Tapos ngayon, ito? Para naman akong minumulto ng nakaraan.
YOU ARE READING
MY NEW BOSS IS MY HUSBAND?!
Romancehello guys can you please read my story about romance. first time ko gumawa ng romance kasi ang gusto ko lng namn ay teen fiction eh......... PLEASE READ MY STORY AND VOTE