Chapter 1

2.3K 109 7
                                    

Jay jay's Pov...

"Bitawan mo nga sabi ako!"inis na singhal ko sa lalakeng kulang nalang ikadena ako.

Kanina pa kasi ako hindi pinapakawalan! Hindi naman inaano! Tapos feeling ko minura pa ako kanina habang nagsasasalita ng kung ano mang lengguwahe sa katawag.

Masasapak ko na toh!!

"Ano ba kasi kailangan niyo sakin!?"

Tumingin sakin ang isang babaeng tinawag nilang parrot kanina at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Huwag ka magmaang-maangan diyan!! Alam kong nag-papanggap kang si Max para makuha ang loob ni Dieb ano!?? Naku stop me baka masampal kitang babae ka!"mahabang sabi nito habang dinuduro duro pa ako.

Isa pa tong babaeng toh! Masasapak ko rin toh!

"Ano ba pinagsasasabi mo!? Ni hindi ko nga kilala yung Binabanggit mo sakin pinagbibintangan mo pa ako!"inis na sabi ko. Dudu-duruin na sana ito kaso nakalimutan kung may nakahawak pa pala sa kamay ko. "Naku stop me rin! Baka masampal rin kita!"dagdag ko pa at ginaya ang tono niya.

Huwag ako palaban toh!

Mabilis namang nagsalubong ang kilay nito at akmang susugurin na sana ako kaso may pumigil sakaniya. Yung dalawang lalakeng kasamahan nila.

"Bitawan niyo ko! Sasampalin ko lang babaeng yan!!"

Umirap naman ako. "Oh edi Sampalin mo! Magsampalan tayo!"ngising sabi ko at naghahamon na tinignan ito.

"Ay aba! Sinasagad mo talaga pasensya ko eh nuh!? Lika nga dito papatikim ka sayo kabigatan ng kamay ko!"anito

"Naih! Kalma hindi masosolusyunan ang problema kung makikipag-away ka lang!"sabi nung mukhang mabait na lalake na Lee pala ang pangalan na siyang umaawat sakaniya pero hindi siya pinansin.

"Ay wala akong pake diyan! Kahit kamukha pa yan ni Max, nanggigil parin ko sa babaeng yan! Kanina pa!!!"

"Oh parrot! Huwag ng highblood..."singit naman nung isa pang lalakeng mukhang hapon habang nakikiawat rin at siya ring taga hawak sa akin "Papunta na ba dito si Max?"

Tumango naman ang lalakeng kaedaran lang ni Ci-N. "Yes... Noona told me she's on her way."

Kingina! Kung sino man ang Noona o Max na yun! Pakibilisan lang kamo niya! Para matapos na! Kanina pa ako nangangatal dito kakatayo! Pati yung palad ko kanina pa nangangating manampal!

Makasampal lang ng Parrot okay na ako! Pwede na ako mag tegi-boom!

Sa sobrang inis ko napapadyak nalang ako. Kung bakit ba kasi nahiwalay ako sa mga ulupong na yun kaasar! Kasalanan rin naman ng mga gagong yun dahil lilingat lingat sila, ganun rin naman ako kaya napahiwalay tuloy kami ng hindi namin namamalayan!

Sinubukan ko naman silang hanapin. Pero ng dahil sa kalakihan ng Campus na toh, parang niwawala ko lang sarili ko.

Ilang minuto pa kaming naghintay doon hangga't sa merong babaeng patakbong pumasok sa loob ng Cafeteria. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nakita ko ang sarili ko sakaniya.

Mabilis na nanlalaki ang mga mata ko at bumilis ang pagkabog nitong puso ko. Ang bilis bilis ng kabog, parang kagagaling ko lang sa marathon.

T-tangina!!! Nababaliw na ba ako? Imahinasyon ko ba toh!? PANAGINIP!!??

"Noona!"rinig kong tawag nung lalake sakaniya, mabilis naman itong napalingon sakin.

Dun na siya natigilan ng magtama ang paningin naming dalawa. Ayon nanaman ang paglakas ng tibok ng puso ko na mas dumoble pa atah!

Ang Mutya ng Section E and He's into her Cross Over (FanFiction)Where stories live. Discover now