CHAPTER VIII

42 8 9
                                    


Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama. Daig ko pa ang construction worker sa sobrang pagod! Walang patawad sa bagong student ang professor namin sa Combat and Weapon Class. Ramdam ko pa sa mga braso ko ang bigat ng bawat hampas ng espada niya. Masyado yata siyang nag-enjoy sa duel namin at nakalimutan niyang estudyante lang ang kalaban niya.

Sa tagal nga ng laban namin ay tumigil na sa kanya-kanyang duel ang mga kaklase ko at pinanuod nalang ang laban namin ni sir. Pagkatapos ng duel namin ay nilabanan din niya ang mga kapwa ko Novice students kaya malamang ay ganitong pagod rin ang nararamdaman nila ngayon katulad ko.

Inabot ko ang pocket watch na nasa ibabaw ng lamesa at umupo ng pa dikwatro sa kama. Ngayon ko lang ito napagmasdang muli dahil naging busy ako sa mga klase at lalo na sa pagsasanay sa pagkontrol ng magic ko.

May dalawang saraduhan ito sa harap-likod para maprotektahan ang salamin ng orasan.

"Galing itong antique shop pero hindi naman mukhang luma. Ano pa ba ang kaya mong gawin?" bulong ko sabay bukas ng saraduhan nito.

Nagulat ako ng umikot pabalik ang kamay ng orasan sabay ihip ng malakas na hangin. Naglabas ito ng liwanag na halos sakupin na ang buong silid kaya napapikit ako dahil sa pagkasilaw. Sa muli kong pagdilat ay wala na ako sa aking silid—ibang lugar na ang nasilayan ko.

Nagkakagulo ang lahat at naghalo-halo na ang ibat-ibang klase ng mahika sa paligid dahil sa labanang nangyayari. Nagkalat ang mga sugatan at mga wala ng buhay na nilalang kung saan-saan.

Natanaw ko sa 'di kalayuan ang Magus Academy ngunit walang barrier na nakapalibot dito kaya malayang nakakapasok ang mga nilalang na nakasuot ng balabal at maskara habang pilit silang nilalabanan ng mga guro at estudyante.

Nagulantang ako nang may bumulusok na pana patungo sa'kin kaya mabilis akong nakagawa ng water shield upang maprotektahan ang aking sarili. Shit! Muntik na ako dun!

Sigurado ako na nasa Magus world pa'rin ako ngunit napunta ako sa ibang panahon. Sa panahon kung saan kasalukuyang nangyayari ang digmaan sa pagitan ng Magus Academy at Faelerra Academy. Nakabalik ako sa nakaraan. Ito ang kaya pang gawin ng mahiwagang bagay na hawak ko.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid at nanlaki ang mata ko ng makita si Ash — ang mas batang siya habang nakikipaglaban sa hindi ko kilalang nilalang dahil nakatalikod ito mula sa kinatatayuan ko. Malakas ang pinamamalas na kapangyarihan ni Ash ngunit delikado ang kaniyang kalaban dahil gumagamit ito ng dark magic.

Nasaan kaya sila Kace at Freya? Mukhang mas malakas kay Ash ang kalaban niya at kailangan niya ng tulong! Anong gagawin ko? Kailangan may gawin ako at hindi lang antayin na mapahamak siya!

Palapit na sana ako sa kinaroroonan ni Ash upang tumulong ng may biglang sumulpot sa daraanan ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino siya, walang iba kundi ang High Priest—Melchizedek Gaimbert.

"H-High Priest?"

"Miss Elora. Hindi ka maaaring makita ng ibang nandito. Sumama ka sa'kin," seryosong wika niya sabay wasiwas ng kamay sa ere.

Pinalibutan kami ng puting usok at nang unti-unti itong maglaho ay napunta na kami sa balkonahe ng opisina niya. Tanaw pa'rin sa ibaba ang digmaang nagaganap.

"So this is the first time that you've discovered the power of the magical tool you're holding," he said.

"Paano po ito nangyari? Paanong nakabalik ako sa nakaraan?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Makapangyarihan ang mahiwagang bagay na hawak mo ngayon, Miss Elora. Tanging ikaw lang ang maaaring makapagpalabas ng kapangyarihan nito. Nakatakda talagang mapa sayo ang bagay na iyan dahil may mahalaga kang papel na gagampanan sa takdang panahon."

NEXUS SERIES #5: Lost in The Mist of TimeWhere stories live. Discover now