CHAPTER 1

941 55 43
                                    

Napahilot ako sa aking sentido nang matapos kong pirmahan ang mga papeles.

Napasandal ako sa swivel chair at napapikit nang makaramdam ng pagod.

Last day na rin ng pagiging intern ko rito sa kompanya ng kaibigan ni grandpa.

Tinanggap ko ito in order to gain work experience. Graduate na ako kaya ‘eto muna ang ginagawa ko. Pagkatapos kasi nito ay sa kompanya na namin ako magtatrabaho.

I will be the Vice-president of the Delevigne Empire—our main company in the Philippines. Iyon ang gusto ni grandpa kaya wala na akong magagawa.

Sa loob ng limang taon ay ibinuhos ko ang oras ko sa pag-aaral. Wala akong ibang inatupag kundi iyon lang.

Within five years para akong walang buhay. Malayo na ang narating ko. Malaki ang ipinagbago ko, pero kulang pa rin. I’m still incomplete.

“Let's go. I will visit them,” saad ko sa driver ko.

“Oui, madame,” aniya at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse.

Nakasunod sa amin ang sasakyan ng mga bodyguards ko. Napapailing na lang ako sa tuwing naiisip kong para akong isang bilanggo sa loob ng maraming taon.

Pagkagaling sa school dati sa bahay kaagad ang diretso ko. I can’t go anywhere. Kapag aalis ako dapat kasama ko ang mga bodyguards ko.

My grandfather doesn’t allow me to use gadgets, read magazines, even watching and reading news. Ayaw niya na may maging distractions ako while I was studying.

A sweet smile formed on my lips when I got to the villa. Itinabi ko kaagad ang mga gamit ko.

“Zeri! Spencer!” tawag ko sa dalawang espesyal sa akin na kanina ko pa gustong makita.

“Ate!” Isang cute na batang babae ang tumakbo palapit sa akin. Hawak-hawak niya ang kanyang teddy bear.

“Zeri,” nakangiting sabi ko saka siya binuhat at pinupog ng halik. Namayani ang cute niyang tawa. Nakakagigil talaga siya.

Hanggang balikat ang itim niyang buhok. May bangs siya dahilan para mas lalong lumutang ang ka-cute-an niya. She has very fair skin, perfectly-shaped eyebrows, prosy and squirm eyelashes, pointed nose, her cupid lip shows her cuteness, her ocean blue almond eyes reminds me of someone.

“Ate, Kuya Spencer pinched my cheeks because I ate his chocolate,” nakangusong pagsusumbong ni Zeri.

“You have chocolate so why you need to eat mine?” Napatingin ako sa batang lalaki.

May kung anong sakit akong naramdaman sa aking puso. His handsome face reminds me of his father. Mukha siyang batang version ng kanyang ama. Walang itinapon. He got all his features.

Hinila ko silang dalawa papunta sa sofa.

“Spencer, you should not hurt your little sister,” paalala ko sa kanya.

“She’s not little sister. We are just the same—both five years old.”

“Yes. But it doesn’t mean that you can hurt her. You are still her frère. She is your twin sister. Mas nauna ka nga lang sa kanya kaya ikaw pa rin ang kuya.”

“Uh, yah. Whatever you say, Ate Shan.”

“Humingi ka ng sorry kay Zeri.”

“Quoi? Pourquoi?!”

“Mag-sorry ka.”

“No.”

“Isa—” Tiningnan ko siya nang seryoso.

Book 2: Vengeance (Book 2 Of Ruthless)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon