[SOT 2] : Maskara

9 3 0
                                    

"Mano po.." di binigay ni papa ang kamay niya bagkus isang malutong na sampal ang natanggap ko

"Ba't ngayon ka lang?! Gabi na ah. Oras pa ba yan ng uwi ng matinong babae?!" Napayuko na lang ako

"May ginawa po kaming project, Papa—"

"Project?? Naku naman, Lexis Samantha! Lumang tugtugin na yan! Eh baka tumambay ka pa jan sa Plaza at nakipag-meet and greet sa jowa mo!" Segunda ni Ate Carmina. Kaya minabuti kong dumiretso na lang sa kwarto

"Huy! Bastos ka ah! Kinakausap ka pa!" Sabat ni Kuya Emman. Natawa na lang ako

Ba't pa ako mananatili at magpaliwanag, eh di naman nila ako papaniwalaan? Ba't pa ako magsasayang ng laway kong ayaw naman nila akong pakinggan?

____________

"Ma, 2 mistakes ako sa exam" sabay abot ko sa answer sheet ko. Tinignan lang ako ni Mama at binalik din agad sa ginagawa ang atensyon

"Si Kyla, ilan ang nakuha niya?" Si Kyla ang consistent top 1 namin

"P-Po?"

"Bingi ka ba? Di mo ako narinig? O bobo ka lang talaga?" Sabi ni Mama

"A-Ahh, perfect score po nakuha niya" sagot ko at yumuko. Agad naman siyang napatayo

"Eh, bobo ka pala talaga eh. Nagawang iperfect ni Kyla, ba't di mo magawa? Wag mo nga akong ipahiya. Umayos ka, Lexis" sabi niya saka ako iniwan sa sala. Natawa na lang ako at napaupo.

Umayos? Eh, maayos naman ako ah. Wala nga akong bagsak sa grades ko. Iba naman kasi si Kyla at iba din ako. Anong magagawa ko't ito lang ang kaya ko? Having good grades doesn't equip you're stupid. It just that people used it as a yardstick to measure intelligence. A toxic trait. Di na baling di ganoong matalino, maayos naman ang ugali ko

__________________

"Lexis, ba't nakahiga ka lang jan?! Samantalang yung Mama mo doon, di na magkakandi-ugaga sa kusina!" Sigaw ni papa sakin

"Masakit ang ulo ko.."

"Masakit ang ulo?! Eh wala ka namang ginawang mabigat na trabaho. Buong araw lang naman  kayong nakaupo sa paaralan! Alangan namang ako pa Magluluto eh galing ako sa trabaho at itong mga kapatid mo ay may ginawa pang assignment. Tumulong ka naman para nagkasilbi ka!" Sumbat ni Papa. Bumangon naman ako kahit nahihilo at nasusuka saka tumulong sa kusina.

Ba't ba sinusumbat sakin lahat? Kulang na lang pati ang hanging hinihinga ko, isumbat din eh. Saka di naman ako nakaupo lang sa silya buong araw. Halos mamatay ako sa kakacomply ng requirements buong araw para sa scholarship

_______________

"Lagi ka na lang nakatutok sa phone mo, Lexis. Tumulong ka naman sa gawaing bahay!" Sigaw ni Kuya Emman sakin. Kung tutuusin, kakatapos ko lang maglinis ng banyo at maglaba

"Yan! Jan ka magaling! Sa paggamit ng phone, Lexis! Napapakain ka ba niyan?! Pinapalamon ka dito kaya tumulong ka naman!" Segunda din ni Ate

Whatheheck?! Eh, kakahawak ko lang nung phone eh para icheck kung anong oras na

"Lexis, cellphone na naman?! Di ka pa ba nagsasawa niyan?!" Sabat din ni papa

"Lexis, ano na naman to?! Gusto mo talagang araw-araw ka pagalitan eh. Kailan ka ba matutong bata ka?!" Sabat din ni mama at lumapit samin. Narinig niya siguro kami galing sa kusina.

Pagkatapos niyang sabihin yun, nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Dahilan para matawa ako. Yung tawang wala ng bukas. Yung tawang inilabas ko lahat ng bigat na nararamdaman ko

"Oh, ano? Tapos na kayo? Tapos na kayong isumbat lahat sakin? Kayo ba? Di ba kayo nagsasawang punahin ang mali ko kaysa sa nagawa kong tama? Tutok na tutok kayo sa kakulangan ko kaysa sa kung anong meron at kaya ko. Eh, jan naman kayo magaling eh. Ang manghusga! Mas pinapaniwalaan niyo ang sariling haka-haka kaysa sa paliwanag ko. Saka natuto na ako, Ma.. manhid na nga eh. Araw-araw ba namang ipamukha sakin. Nagreklamo ba ako? May narinig ba kayo mula sakin? WALA!" natahimik naman sila pero masama pa rin ang mga tingin sakin

"Magkano ba ang bayad sa pagpapahalaga niyo? Ano ba ang hinihingi niyong kapalit para bigyan niyo ako ng pagmamahal at kalinga? Ano pa ba ang gagawin ko para tanggapin niyo ako? Ma, alam kong bunga lang ako ng pagkakamali mo, pero ba't ako nagdudusa?! Ako ang nagbabayad sa kasalanang di ko naman ginawa!" Sigaw ko at tumalikod saka tumakbo sa kwarto at doon nagkulong.

Pagod na ako. Pagod na akong magpanggap na ayos lang ako. Pagod na akong manlimos ng atensyon. Pagod na akong patunayan na mali sila. Pagod na pagod na akong magsuot ng maskara.



-----------END-------

A/N: Kung sino mang nakakaranas ng ganito or someone who thinks that they are alone and no one understands them, please reach out someone whom you trust the most. Let them know. Wag mong ikimkim dahil pag sumabog yan, mas magiging delikado. In life, they're always tough times. Stay strong. Di sa lahat ng panahon, nasa ibaba ka.

Here, have some Candy


If things gets bitter in the future, remember they are still sweet things out there❤️

Stories over timeWhere stories live. Discover now