1

204 17 3
                                    

"So may mga girlfriend na ba kayo, or let's say crushes? Siguro naman meron. Share nyo naman." Tanong ng host sa kanila.

May interview sila ngayon at paulit-ulit nalang ang mga tanong at syempre paulit-ulit rin ang sagot nila.

Sumagot sina Ken, Josh, Justin at Stell ng kanilang mga celebrity crush, yung usual na sagot nila. Si Pablo naman ay ang huling sumagot pero iba ang sinagot nito.

"Ako po, may crush po ako pero ayoko pong sabihin kung sino." Sabi ni Pablo na parang nahihiya pa.

"Bakit ayaw mong sabihin? Tayo-tayo lang naman nandito." Panghihikayat pa ng host.

"Wala po. Gusto ko lang na sarilinin yon. Ayokong may makaalam na iba."

"Kahit sa'min?" Pabirong sabi ni Josh.
"Ou nga!" Sabi pa ni Ken
"Para namang wala tayong pinagsamahan." Pabiro ring sabi ni Justin.

Si Stell naman ay nakangiti lang pero ang totoo ay nacucurious sya. Bakit iba na ang sagot ni Pablo, at sino tong crush na sinasabi nya at di nya masabi-sabi sa'min? Wala naman syang sinesekreto sa'min lalo na sa kanya.

"Hindi naman sa ayaw ko pero wala lang... kasi pagsinabi ko baka tuksuhin sya at maging awkward na kami."

"Ooohhhh... So malapit lang sya sa'yo? I mean close friend mo? Palagi mong nakakasama?" Tanong pa ng host.

Sa oras na to nakakunot noo na si Stell dahil sa sobrang curiousity nya.

"Ah... O-ou? Hindi ko naman palaging kasama. Friend ko, ou." Paiwas na sagot ni Pablo.

"Celebrity ba to? Artista rin?"

"Ahmmm..opo. Ayoko ng magsalita feeling ko malalaman nyo eh. Basta yun na po yon."

"Hala, so kilala din namin to?" Tanong ni Jah.

Ngumiti lang si Pablo bilang sagot.

"Anong nagustuhan mo sa kanya?" Tanong ni Ken. Parang napapahaba na ang usapan tungkol sa crush ni Pablo. Si Stell ay wala paring imik at nakakunot noo parin.

"Huh? Hmmm ano nga ba? Siguro, ano. Masaya at magaan syang kausap. Komportable ako sa kanya. Napapasaya nya ako. Basta, yun na yon."

"Crush lang ba talaga? Eh parang inlove ka na eh." Tukso pa ni Josh na sinang- ayunan naman ng iba.

Ngumiti ulit si Pablo bilang sagot.

"Oh, Stell seryoso ka yata? Anong masasabi mo dun sa sinabi ni Pablo?" Napansin ng host ang kunot noong si Stell.

Nagtinginan naman silang lahat kay Stell at naghintay sa sagot nito.

Si Stell naman ay medyo nagulat at hindi nya alam kung anong sasabihin. Tumingin sya kay Pablo.

"May crush ka? Wala ka namang nasabi na may crush ka, ah." Parang batang sabi nya.

"Ah, wawa bebe. Tampo bebe." Nang-aasar na naman si Josh. Nagtawanan naman ang iba.

Iniba na ng host ang mga tanong kaya naiba narin ang topic.

_________________________

"Pau, sino yung crush mo? Sabihin mo sa'kin dali. Di ko naman sasabihin sa iba." Pangungulit ni Stell kay Pablo. Nandito sila ngayon sa the Zone, naghihintay lang sila na dumating ang iba para sa meeting.

"Secret." Walang anong sabi ni Pablo.

"Ba't ayaw mong sabihin? Siguro gawa-gawa mo lang no?" Tumawa lang si Pablo sa sinabi ni Stell.

"E di wag kung ayaw mo." Sabi pa ni Stell at kinuha nya ang phone at nag check ng mga socmed accounts nya.

Napailing-iling na lang si Pablo.
_________________________________

Sino nga kasi?Where stories live. Discover now