2

268 20 5
                                    

Sa dalawang araw na pag oobserve ko kay Pau, wala naman akong masasabing kakaibang pakikitungo nya sa mga katrabaho naming babae.

Niloloko lang ba ako ni Ken? Bakit ba kasi hindi nalang nila sabihin kung sino eh. May pasuspense suspense pa.

"Stell, nagluto si mama ng kare-kare. Dinalhan kita, di ba paborito mo 'yon?" Maya-maya tumabi sa kanya si Pablo.

"Salamat." Yun lang ang nasabi nya. Wala sya sa mood ngayon.

"May problema ka ba? Ba't bad mood ka?" Nag-aalalang tanong ni Pau no'ng mapansing nakasimangot sya.

"Wala. Pau, sino ba kasi yung crush mo? Ba't ayaw mo sabihin? Yung mga kasama natin ayaw din magsabi. Ba't ako lang yung walang alam?" Nagmamaktol na sabi nya dito.

"Hindi ka pa rin pala nakamove on dun? Kala ko nakalimutan mo na yon?"

"Eh basta gusto ko malaman. Mas nacucurious tuloy ako kasi ni isa sa inyo walang sinasabi."

"Stell, di mo na kailangan malaman. Wala lang yon. Hindi importante yun."

"Hindi ako makakatulog kung di mo sasabihin. Pau naman."

"Tsk ayoko. Ba't ba kasi gusto mo malaman? Ano naman sa'yo kung may crush ako?" Tanong ni Pablo na tumingin sa mga mata nya.

Natigilan si Stell sa tanong ni Pablo. Actually, hindi din nya alam ba't gustong gusto nyang malaman pero parang hindi sya mapapalagay pag di nito sinabi.

"Wala." Yun lang ang nasabi nya.

"Wala naman pala eh. So move on kana." Sabi ni Pablo sabay tayo at nagpaalam na punta lang sya kay ate Rose.

Napakunot noo sya. Si ate Rose na naman? Kung may napansin man sya sa dalawang araw na pag oobserve nya kay Pau, yon ay kay Ate Rose o di kaya pangalan nya ang bukang bibig nito.

Palagi nyang nakikitang nag uusap si Pau at ate Rose kaya napaisip sya. Hindi kaya si Ate Rose ang crush nya? Imposible, sabi kasi ni ate kilala nya daw kung sino ang crush ni Pablo.

Waiiit.... Hindi kaya mutual ang feelings nila?
________________________

"Pau, si Ate Rose ba?" Nilapitan ni Stell si Pablo na naghahanda ng gamit bago umuwi. Katatapos lang ng practice nila.

"Huh? Anong si Ate Rose?" Nagtatakang tanong nito.

"Si ate Rose ba yung crush mo?" Tanong ni Stell na nakakunot noo. Gustong-gusto nyang malaman ngayon.

"Stell? Ano na naman yan? Bakit pati si Ate Rose nasali?" Parang naiinis na tanong ni Pablo.

"Sagutin mo nalang kasi. Ou o hindi?"

"Hindi, okay? Hindi. Ano ba yan Stell? Kahit ano nalang naiisip mo."

"Sabihin mo na nga kasi kung sino Pau."

"Ikaw." Sagot ni Pablo sa napakaseryosong mukha.

"Anong ako? Tinatanong kita."

"Ikaw nga. Di ba gusto mong malaman kung sino yung nagugustuhan ko? Ikaw. Ikaw yung nagugustuhan ko." Buong tapang na sabi ni Pablo. Nakatingin sya sa mga mata ni Stell.

Napakunot noo si Stell.

"Pwedi ba Pau, kita mo namang desperado na ako dito tas nagbibiro ka pa."

"Sino bang may sabing nagbibiro ako? Gusto kita Stell. Ngayong alam mo na, pwedi ba magmove on ka na? Sa crush crush na yan?"

Pinakatitigan ni Stell si Pablo, chinecheck nya kung seryoso ba ito. At nung nasigurado nyang seryoso ito ay di sya nakapagsalita at unti-unting lumaki ang mga mata at gulat na nakatingin kay Pablo. Hindi nya alam ang sasabihin, hindi nya inasahan ang sagot nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sino nga kasi?Where stories live. Discover now