Hello! If may free time kayo today, pls vote kay bays sa RAWR Awards 2021. Nominated siya sa 3 categories. Ipanalo natin siya, mga vakla!!
~KahelAtRosas
—•—
*
Click*
Kaylan walked towards the fountain matapos kumuha ng litrato sa swing. Nag-angat siya ng tingin at saktong sa isang tao natuon ang paningin niya. Sa babaeng nakaupo sa ilalim ng puno.
Isang linggo na ang nakalipas matapos silang umuwi rito sa Pilipinas. At sa isang linggong yun, naging bahagi na ng routine niya na pumunta sa park tuwing hapon para na rin may mapaglibangan siya at
the same time ay makalanghap ng
sariwang hangin. Masarap tumambay sa park dahil tahimik. Walang magulo. Payapa lang. And that might be the reason kung bakit nandoon palagi ang babae.Sa araw-araw na pagpunta ni Kaylan sa parke, araw-araw rin niyang nakikita ang babae. Kagaya noong unang beses niya itong nakita, walang nagbago sa itsura niya. Palaging puting dress ang kanyang suot. Maging ang gitara ay nakalapag pa rin sa damuhan. Palagi lang din siyang nakatulala sa kawalan. Nakasandal sa puno at nakakrus ang mga braso sa may bandang dibdib. Ni minsan hindi niya ito nakitang nag-iba ng pwesto.
Napapaisip na lang siya kung alam
ba nung babae na may ibang tao rito
bukod sa kanya. Hindi niya mawari kung napansin na ba siya nito mula noong nagpunta siya rito sa park. Pero pakiramdam niya alam naman nito. Pakiramdam niya nakita na siya nito pero hindi lang siya pinansin. Hindi na lang siya nito inusisa pa.Hindi niya maiwasan isipin kung hindi ba ito nangagalay sa pwesto niya. Iniisip niya rin kung ano marahil ang problema niya kaya ganyan na lang siya at palaging nakatulala. Heartbroken? Problema sa pamilya? Sa studies?
Ano bang pakialam mo? He shook his head. Pilit na inaalis sa isipan ang babae. Hindi niya dapat ito pakialaman dahil hindi rin naman siya nito pinapakialaman. Mind your own business, sabi nga nila. And besides, hindi siya nagpunta rito para problemahin ang kung ano mang problema nung babae. He's here to enjoy and relax.
Focus Kaylan. Wag mo na lang siyang pansinin.
Inalis niya ang kanyang paningin sa taong tila hindi man lang naramdaman ang mga tingin niya magmula pa kanina. Ibinaling niya sa fountain ang kanyang atensiyon. Padami lang ng padami ang tuyong dahon dito. Paniguradong mas maganda itong tingnan kapag nalinis at napalitan ng tubig ang mga tuyong dahon.
Sinubukan niyang kumuha ng Iitrato pero hindi pa man siya nakakalimang kuha, natagpuan na lang niya ang sarili na nakatingin na naman sa kanya. Sa babaeng pinipilit niyang alisin sa kanyang isipan pero patuloy pa rin siyang ginugulo. Para bang may bumubulong sa kanya na ituon sa babaeng tinitingnan niya ngayon ang kanyang atensiyon. Tila may nagsasabing lumapit siya at kilalanin ito.
Pero paano? Litong-lito na aniya sa
kanyang isipan.Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya magaling sa ganitong bagay. Sa pakikipagkaibigan. At hindi rin siya yung tipo ng tao na nakikipagkaibigan kaya bakit niya nararamdaman 'to? Bakit may tumutulak sa kanya na kaibiganin siya? Ano bang mayroon sa babaeng 'yon?
Nabalik siya sa ulirat nang mapagtantong humahakbang na ang mga paa niya na para bang may sariling buhay ang mga ito. Gusto niyang huminto. Gusto niyang pigilan ang sarili sa paglapit sa kanya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang tumalikod at lumayo sa kanya pero mas malakas at nangingibabaw ang boses sa loob-loob niya na nagsasabing magpatuloy.
Napalunok na lang siya nang ilang
hakbang na lang ay maaabot na niya ang pwesto nito. Nagsimulang mamawis ang kanyang noo dahil sa kaba. Sa tanang buhay niya, unang beses 'tong gagawin ni Kaylan kaya ganoon na lang ang kabang nararamdaman niya. Sana lang ay maging maganda ang resulta ng ginagawa niya ngayon dahil kung hindi, baka tuluyan na siyang lamunin ng hiya at tuluyang mawalan ng gana na makipagkilala sa ibang tao.

BINABASA MO ANG
Kalipay || COMPLETED
FanfictionAfter 15 years of living in the States, Kaylan Lassatel returned to the Philippines. Aside from continuing his studies in the Philippines, he is also looking forward to meet again his childhood friend whose name he has forgotten but still hoping to...