Chapter 71

1.7K 133 12
                                    


Napatulala ako sa aking narinig.

A-ano? Anak ako ng isa sa mga Diyos na tinitingala ng Cyan? Seryoso ba sila?

Bigla na naman ako nakaramdam ng panghihina. Bumitaw ako mula sa pagkahawak ko sa mesa. Napaatras ako at nasalo ako ng upuan. Bigla sila napatayo at malakas na itinawag ang aking pangalan dahil sa pag-alala. Sandali, hindi ito ang inaasahan ko na marinig. Ang tanging nais ko lang marinig ay ang katotohanan sa likod ng pagkatao nina Luth at Heidi. So why I suddenly learn something about my mother? Ang dating Emperatris ng Cyan?

"Rini..." nag-aalalang tawag sa akin ni Vencel na ngayon ay nasa harap ko na siya. Siya mismo ang gumalaw ng upuan na kinauupuan ko para maharap ko siya ng maayos kahit na nanatili ako sa ganitong posisyon. "Patawarin mo ako kung ngayon ko lang nasabi ito sa iyo, lalo na nailagay ka na sa sitwasyon na ito na... Buntis ka."

Nanginginig ang aking labi. Ramdam ko rin ang pagpiga ng aking puso. Sa totoo lang ay wala akong makapang salita para sagutin siya. Masyado lang ako nabigla sa mga nalaman ko. Sa halip ay pumikit ako, kasabay na tumulo ang butil ng aking luha. Dmn, bakit ngayon pa ako nagkaganito sa harap nila? Dahil ba ito sa hormones dahil buntis ako o ano? Bakit ngayon ko pa ipinakita sa kanila ang kahinaan ko? No way, kailangan ko pigilan ang sarili ko hangga't maaari...

"Rini..." nag-aalalang tawag sa akin ng mga nakakatanda kong kapatid, pati na rin si Otis.

Bumaba ang tingin ko sa aking mga binti at mga kamay. Hindi ko alam pero bigla nalang sumagi sa isipian ko ang mga alaala na matagal ko nang kinalimot Ang mga alaala noong mga naunang araw na tumuntong ako sa mundong ito. Na ilang beses ibinato sa akin na isa akong anak ng karaniwang tao. Na anak ako sa labas ni Vencel. Na hindi dapat ako kabilang bilang isang Eryndor. Na ilang beses ako pinagdudahan na kung isang Eryndor nga ba ang nananalaytay sa aking katawan. Kahit na ilang beses itinatanggi nina Vencel, Raegan, Eomund at Cederic na anak ako ng isang commoner, at talagang nanay ko ay si Theavia.

Lingid sa kanilang kaalaman, ni minsan ay pinagdududahan ko din ang aking sarili.

Kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Kahit na ako ang nag-iisang prinsesa ng Cyan at babae, ginagawa ko ang lahat para iba na ang tingin sa akin mula sa mga tao na may mga matang mapanghusga. Ginawa ko ang lahat upang maipagmalaki ako ng mga Eryndor, pati ng mga tao na nakapaligid sa akin. Hindi bale na kumilos o umasta ako na isang lalaki na hindi akma sa aking kasarian. Lahat ng kaya kong gawin ay ipinamalas ko sa kanila. Pero kahit ganoon, mas nangingibabaw sa akin na gusto ko silang protektahan. Ayoko silang mawala. Ayokong maulit ang mga panahon na iniwan ako ng pamilya ko sa dating buhay ko at nabubuhay nang mag-isa.

"Rini..." muling tawag sa akin ni Vencel. Inabot niya ang isang kamay ko. Pinisil niya 'yong hinawakan. "Patawarin mo ako... Kung hindi ko agad nasabi sa iyo ang katotohanan kahit na alam ko na gustung-gusto mong malaman kung sino ang 'yong ina. Pero 'yon ang totoo, kayong magkakapatid ay anak ng isang diyosa ng Cyan."

"Bakit naman ganoon, papa?" sa wakas ay nagawa ko nang magsalita kahit na garagal ang boses ko. "Hindi ba't Diyos din po siya? Bakit... Bakit hindi po siya nabuhay ulit... At bumalik sa atin...? Tulad ng mga Diyos ng... Ibang Imperyo?"

Natigilan sila sa naging tanong ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong sa kanila ang bagay na ito. Nais ko lang din iparamdam sa kanila na nangangailan din ako ng isang ina. Ang pagmamahal ng isang ina.

Lakas-loob ko silang tiningnan kahit na nanlalabo na aking mga mata dahil sa mga kumawalang mga luha. Base sa ekspreyon ng kanilang mukha ay tingin ko ay alam din nila ang katotohanan at sagot sa aking katanungan.

Ramdam ko ang pagpisil pa ni Vencel sa aking kamay. "Hindi na niya magawang mabuhay ulit dahil sa paghatol ng mga kasamahan niya na mahigpit na ipinagbabawal na... Umibig ang Diyos o Diyosa sa isang mortal."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon